3RD PERSON'S POV*
Gulat ang nakarehistro sa mukha nila Yona, Jin, Arch, Louise, at Rika dahil wala na nang buhay ang mga halimaw sa paligid at napatingin sila sa gilid at mas lalong lumaki ang mata nila dahil sa nakita.
Isang puting Leon ang nakikita nila ngayon sa harapan nila. Ang leon na once in the blue moon kung magpakita.
"T-tama ba ang nakikita ko, Guys?" nauutal na sabi ni Lou. Tumango naman ang apat.
"The White Lion of Heaven." agad na sabi ni Jin.
"So... Ibig sabihin kung nandito yan nandidito din ang nagmamay ari niya!" nagkatitigan silang lima.
"A-ang... Anak ng Diyosa ng kalangitan! Nandito siya! Pero nasaan?" sabay sabi nilang lima.
Napatingin sila sa kakarating lamang na si Shin. At seryosong mukha nito napalitan ng gulat dahil sa nakikita.
Nagcast siya ng spell at lumabas din doon ang isang itim na Leon na katulad na katulad ng puti na leon.
"Woah!" namamanghang sabi nila.
Lumapit ito sa puting leon na natutulog nang biglang nagmulat ng mata ang puting leon at nagkatitigan lamang silang dalawa na hinihintay nila ang reaksyon ng dalawa.
Kumunot lamang ang noo nila dahil puro 'roar' lamang ang naririnig nila.
"Ang gaganda ng kulay nila iba sila sa leon na nakikita ko." nakatulalang sabi ni Rika.
Lumapit si Shin sa dalawang leon at napatingin naman sa kanya ang puting leon.
Nang bigla itong nagalit dahil na din sa reaksyon nito.
Nararamdaman kasi ng leon ang nararamdaman ng amo niya pagkaharap nito ang isang nilalang at nararamdaman ng puting leon na nasasaktan ang amo niya na makita ang nilalang na nasa harapan nito.
"Bakit..." mahinang sabi ni Shin. Pero di siya pinansin ng Leon at naglaho ng parang bula.
Lumapit sa likuran ni Shin ang limang kasamahan nito.
"Bakit galit ang leon sayo, Primo?" nagtatanong na sabi ni Yona.
"Ayon sa nabasa ko makikita nila sa kaharap nila kung anong mararamdaman ng amo nila." paliwanag ni Jin.
"Ibig sabihin nun galit din yung Deity ng langit kay Shin? Bakit naman?! Baka may ginawa ka Primo?" tiningnan nila si Shin dahil sa sinabi ni Lou.
"Mahahanap natin ang kasagutan once makaharap natin ang amo nito." sabi ni Shin bago lumakad palayo sa amin.
"Hay... May problema na naman tayong lulutasin." namomroblemang sabi ni Lou.
Tumango naman ang ibang kasamahan nito.
"Teka paano natin naliligtas si Serenity? I know inosente siya at wala siyang kasalanan!" Sabi ni Lou.
"Oo nga! Di naman niya kayang butasin ang barrier ang liit niya para bumutas ng malaking barrier." Sabi din ni Yona.
"Yun ang hahanapan natin ng paraan para maligtas siya. Simula nalang bg dumating siya dito puro nalang problema ang dumadating sa kanya. Ililigtas natin siya." Sabi ni Archery.
"Tama!"
Serenity POV*
Natapos ang pag imbestiga sa akin at di ko sinabi na naramdaman ko na may sumira sa barrier ang sinabi ko lang napadaan lang ako doon mula sa paglalakad. Pero mukhang di naman sila naniniwala.
At nandito ako ngayon sa isang malungkot na selda na ang tahimik masyado... Nakakabinging katahimikan at napatakip nalang ako sa tenga ko at napapikit.
Wala naman akong kasalanan wala naman dapat ako dito. Bakit ako nandito? Pati ba ito kapalaran ko din? Puro kabutihan ang ginawa ko bakit ganito nasisi sa akin ang lahat.
Napamulat ako nang maramdaman ko si Heaven sa gilid ko. Ang leon ko pala dumating na.
Lumapit ito saakin at nag ala pusa kung maglambing at umupo sa tabi ko at niyakap ko naman ito. At doon umiyak.
Hanggang sa makatulog ako sa likuran ni Heaven.
"Hmm.. Mukhang nagustuhan mo nang dito matulog noh?" napamulat ako at napatingin kay Zack na nakaupo sa harapan ko habang nakasandal sa dingding. Umupo ako at tiningnan si Heaven na gising na din at naglalambing pa din sa akin.
At binalik ang tingin ko sa kanya.
"Anong ginagawa mo dito baka makita ka nila. Baka madamay ka pa jan." sabi ko. Lahat nalang kasalanan ko ayokong may madamay.
"Hee... Kung makita nila ako. Ikaw ang inaalala ko teka ano ba talagang nangyari bakit ikaw ang naging prime suspect nila?" tanong niya. Nagbuntong hininga ako at sumandal sa dingding.
"Naramdaman ko na may halimaw na bumutas ng barrier kaya pinuntahan ko ang lugar kung saan sila pumasok at timing naman na may estudyante doon at nandoon din si Shin kaya hinuli nila ako at sinabing kagagawan ko daw iyon." kwento ko.
"Hindi mo dinepensahan ang sarili mo? Parang di ikaw ha. Diba malakas ka bakit mo tinatago sa iba na malakas ka."
"Pagsinabi ko ang katotohanan malalaman nila kung ano ako diba bawal iyon malaman sabi ni Tito Zeus na wag muna ipaalam baka maraming traidor sa paligid."
Napabuntong hininga siya at tumango tango siya at lumapit sa akin at pinat ang ulo ko.
"Makakalabas ka din. At alam mo ba trending yang si Heaven at usap usapan na siya ng boung school. At may alam na sila na nandidito ka at syempre di nila alam na ikaw iyon. At alam mo naman na poprotektahan talaga kita pero sana protektahan mo din ang sarili mo wag kang magpadalosdalos." tumango ako at napatingin ako kay Heaven na nakatingin saakin.
"Salamat Heaven at magpahinga ka muna." sabi ko at nagcast ako ng spell na kinawala niya ulit.
"Hmm... May bibisita atah sayo. Sige una na ako." sabi niya at nawala na parang bula.
Napatingin naman ako sa labas ng kulungan at nakita ko si Shin.
"Uhmm... Nahanap na ba kung sino ang nagbutas ng barrier?" tanong ko sa kanya.
"Wala. Nandidito ako para magtanong." Sabi niya at pumasok na siya at nakatingin siya sa akin.
Napalunok naman ako... Nakakatakot ang awra niya ngayon promise. Bakit ko ba siya kaharap ngayon pwede naman sa iba niya ibigay ang trabaho niya.
Someone POV*
Naaayon sa lahat ang plano ko malapit ko na siyang napasaakin at nagawa ko pang mabutasan ang barrier na gawa daw kuno ng pinakamalakas na mga sorcerers. Pwe! Malakas? Sure ba sila?
Nakatingin ako sa dalawang estudyante na tumatakbo.
"Mabuti na report agad natin ang babaeng iyon na bumutas ng barrier sa guidance." sabi nung isa.
"Oo nga."
Napangiti ako nang may halimaw sa harapan nila at inatake sila.
"Tulong!!" sigaw nila bago sila mawalan ng malay.
At may lumabas sa kamay ng halimaw at isa iyong ahas at pumasok sa bibig nila.
Nanginginig ang mga katawan nila at tumayo at nababaliw na tumawa.
"Hmmm... Magsisimula na ang kaguluhan. Ha ha ha ha!!"
******
LMCD