Chapter 14

1155 Words
Serenity POV* Nakatingin lang ako sa kanya. Tapos na siyang magtanong tungkol rin naman sa insidente na nangyari. Tumayo siya at lalabas sana nang tawagin ko siya. "Di ka ba naniniwala saakin?" Tanong na sabi ko sa kanya. Naniniwala ako na may konting tyansa na naniniwala siya saakin. "Depende." sabi niya at lumakad na. Napayuko ako at tumingin sa maliit na bintana sa labas at nakikita ko ang kalangitan. "Sabihin niyo sa akin mga pagsubok ba itong nangyayari sa akin?" sabi ko sa kalangitan. Kung pagsubok man ito ay lalaban ako. Someone POV* Nakangiti ako habang nakatingin sa building kung saan nakakulong ang babaeng iyon. Naayon talaga sa plano ang lahat. Kasalanan mo Serenity kung bakit ka napunta sa ganyang sitwasyon. Kung di mo sana nilandi si Primo di sana mapupunta sa ganyan ang buhay mo. Lahat ng babaeng nagpapansin kay Primo ay inilalagay ko sa tamang kalalagyan nila. Napakunot ang noo ko nang makita ko si Primo na kakalabas lang sa Prison Building. Anong ginagawa niya doon. Don't tell binisita nanaman niya ang babaeng yun?! That d*mn b*tch! Lumapit ako sa kanya at napansin naman niya ako. "Uhmm... Primo, anong ginagawa mo diyan sa loob." tanong ko sa kanya habang naglalakad kami at nakayakap ako sa braso niya. "May mga itinatanong lang ako kay Serenity." sabi niya. Napakamao naman ang mga daliri ko. Nakakainis talaga ang babaeng iyon!! Gusto niya pa talaga na mamatay agad siya! "Charline." napatingin ako sa kanya at binawi niya ang braso niya na kinatingin ko sa kanya. "Alam mo naman na pinsan lang kita kaya sana di na umabot sa puntong---" "Shin! May pupuntahan muna ako." sabi ko at tumakbo na palayo sa kanya. Dahil ba sa babaeng iyon kaya siya nagkaganun? Di ko hahayaan na ganun ganunin lang ako ni Primo! Hindi! Akin lang siya! Kahit di talaga kami magkadugo at parang pinsan lang talaga ang turing niya saakin may pag asa padin ako dahil di kami magkaano ano. Fiancee ko siya at yun ang pinararating ko sa mga kasamahan ni Primo para masabi nila na Fiancee ko si Primo. Naririnig ko sa ibang estudyante na fiancee daw ako ni Primo. Masaya ako dahil yun ang napapakita nila saamin. Pero bago ko muna gawin iyon ay si Serenity muna ang aasikasuhin ko. Yung babaeng yun. How dare her na tawagin si Primo ng Hottie! Di ba niya alam na akin lang di Primo? Dumiretso ako sa guidance dahil malakas ako doon at manghihingi ako ng tulong para maparusahan ang babaeng iyon. At wala na talagang makakapigil na maging akin si Shin. Akin lang siya! Lou POV* Gusto kong tulungan si Serenity pero di ko alam kung paano. "Umupo ka nga, Lou. Nahihilo na ako sayo." naiinis na sabi ni Arch. Masama ko siyang tiningnan. "Eh sa dinadaldal mo jan sana nag isip ka kung paano natin mailigtas si Serenity." naiiyak na sabi ko. Lumapit naman si Yona at Rika at niyakap ako. "Makakahanap din tayo ng paraan. At malakas si Serenity alam natin yan pareho." pampalakas loob ni Yona sa akin at tumango ako. "Alam ko. Makakaya niya ang lahat ng iyon." Pero sa kalooban ni Serenity nakikita ko na unti nalang di na niya kakayanin at mas lalo siyang pinagdidiinan ni Primo. Nakita namin na mukhang kinalimutan na nga ni Serenity si Primo pero bakit lapit ng lapit si Primo kay Serenity? Ano bang gusto ng Leader namin na papahirapan talaga si Serenity? Biglang bumukas ang pinto at nakita namin si Jin na hinihingal. Kinabahan naman ako sa reaksyon niya. "Ang mga Minister of Justice ay hinahatulan si Serenity ng dahan dahan na kamatayan." at doon gumuho ang pag asa namin. Serenity POV* Di ko alam kung saan nila ako dadalhin nakakadena ang mga kamay ko at pati ang paa ko. May nakahawak sa akin na dalawang lalaki at malalaki ang mga katawan nila at napatingin ako sa sasakyan na naghihintay sa labas. Teka saan nila ako dadalhin? Si Shin asan siya? Siya lang ang pag asa ko! Nakakatakot ang mga lalaking nasa paligid ko parang papatayin nila ako. "Teka! Ano ba bitawan niyo ko! Saan niyo dadalhin!?" naiiyak na sabi ko sa kanila. Pero tinulak lang ako para bumilis ang lakad ko. "Hahatulan ka na ng kamatayan." nanlaki ang mata ko sa sinabi ng isang lalaking nakahawak saakin. Kamatayan? "Teka lang. Di naman tama yan hindi pa naman tapos ang pag imbestiga sa nangyari--" "Tumahimik ka kung ayaw mong magulpi." sigaw sa akin nung nasa gilid ko na lalaki. Hahatulan ng kamatayan? Parang may mali. Bakit ang unfair dito? Tahimik lang akong umiiyak at umaasang may sumagip sana saakin. Isinakay nila ako sa sasakyan nang maramdaman ko na may halimaw na papalapit saamin. At binuhay na nila ang makina na kinabilis ng puso ko. Mabilis ang pangyayari nang sa isang iglap nasa ere na kami nakikita ko dahil may bintana sa gilid. At hawak ng isang halimaw ang sinasakyan namin at may kasama pa siyang isang halimaw. Nagcast ng kanilang mga mahika ang mga kasama kong mga gwardya at aaminin ko na malalakas ang mga kapangyarihan nila. At dahil sa tinatamaan nila ang halimaw ang sinasakyan namin ay nabitawan ng halimaw. At nahulog kami at tumama ang ulo ko sa dingding ng sasakyan na igik ko sa sakit. Dahan dahan akong lumabas kahit nakakadena pa ang kamay ko at ramdam ko ang init ng dugo sa ulo ko. Sinipa ko ang pinto na kinalipad nito sa malayo at lumabas na ako at napatingin sa kanila. "Aaaarggghh!" napatingin ako sa mga guards na nahihirapan. Malalakas ang halimaw na kaharap nila. Nahihilo ako kaya napakapit ako sa sasakyan. Hindi ako matatablan nito kahit nahihirapan lumakad ako hanggang makarating ako sa harapan ng halimaw. Agad kong pinutol ang kadena at itinapat ko ang kamay sa halimaw. Aatake sana sila nang agad akong nagpalabas ng malakas na barrier para di kami matamaan. At mabilis kong ibinalik sa kanila ang itinapon nila sa amin. "Copying Counter." sigaw ko. At tumama naman sa kanila na kinahiga nito sa sahig. Napaluhod ako sa lupa at napahawak sa ulo ko na nahihilo na. Nanghihina na ako. Napatingin ako sa halimaw na pilit na tumatayo. Hindi sila halimaw naging halimaw lang sila. Nagcast ako ng spell na kinabalik nila sa dati at may lumabas na parang ahas sa bibig nila at pinaulanan ko iyong crystal ice na kinapatay agad ng dalawang ahas. "Serenity!" nakahinga ako ng maluwag nang marinig ang boses ni Zack. At doon na ako bumagsak pero di ako nakaramdam ng sahig dahil isang braso ang yumakap saakin at idinilat ko ng kaunti ang mga mata ko at nakita ko si Shin na nag aalalang nakatingin saakin. At doon ko naalala ang lahat. Ang mga alaala na binura ni Zack saakin. "H-Hottie..." sabi ko bago ako mawalan ng malay. Masaya ako dahil naalala ko ulit siya pero malungkot dahil naalala ko na may iba pala siyang mahal at hindi iyon ako. ***** LMCD
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD