Chapter 12

1082 Words
Serenity POV* Napamulat ako at agad napaupo sa higaan at napasapo sa ulo. Naalala ko ang sinabi ni Tito Zeus sa panaginip ko. Ipapakasal ako sa isang Demon?! As in yung demon na may sungay? Yun ba yun? Sino naman kaya iyon... Naalala ko rin ang huling pag uusap namin. "Tito, kailan ko siya makikita?" "Malapit na." Nakakainis din itong si Tito grabe mambitin di man lang sinabi kung anong exact date. Nadagdagan ang lungkot ko dahil sa nangyari kahapon. Ang kwintas ko... Kailangan ko pa iyong hanapin. Naglalakad ako sa hallway nang mapansin kong nagbulong bulungan ang mga nadadaanan ko. 'Talaga tumakas silang dalawa kahapon sa school?' rinig kong tsismis ng mga tao sa hallway. 'Nako sa Deliquent room sila mapupunta.' 'Oo nga.' Napahinto ako at napatingin sa kanila. Yun ang sinabi ni Shin sa aming dalawa ni Zack. Dahil isa sa mga batas ang bawal lumabas maliban kung pinayagan kayo. Biglang dumating si Zack at napabuntong hininga. "Tayo na sa DR (Deliquent Room). " Tumango ako at sabay na kaming naglakad. "Pasensya ka na nadamay ka pa." paumanhin ko sa kanya. Umiling iling naman siya at ngumiti. "Nako wala yun. Kung nasaan ka nandoon din ako. Don't worry kahit anong problema mo tutulungan kita kahit ilang DR pa ang papasukin natin ay wala akong pakealam." sabi niya sabay akbay sa akin palakad. "Mas lalo kang naging malungkot alam mo na ba ang tungkol sa nalalapit mong kasal sa isang demon?" napatingin ako sa kanya at tumango. "Alam mo isa din ako sa mga ayaw ng kasal na iyon pero wala naman tayong magagawa dahil yun naman ang nakatakda. At wag kang mag alala palagi kong sinasabi sayo na nandidito lamang ako sa tabi mo." sabi niya na kinatango ko. Nakarating kami sa DR at napailag kami pareho dahil may nagtapon ng upuan at pagtingin namin nakita namin ang mga estudyanteng nag rarambulan sa loob ng silid. Nagkatinginan naman kami ni Zack at naghanap kami ng mauupuan nag bigla silang napahinto lahat. "Ohhh!!! New commers. Welcome dito sa aming DR! Or should I say... Sa ating DR!" sabi nung isang lalaki at naghiyawan naman silang lahat. Deliquent means mga rule breaker din sila? "Wag kang matakot saamin, Miss?" "Serenity nalang." "Okey, Serenity... Nice name." nakangiting sabi niya sabay kindat napatawa nalang ako. "Wag kang matakot saamin Serenity dahil mga estudyante padin kami dito at tsaka sabi sabi nga nila mga takaw kami sa g**o well totoo naman pero di naman masyado na oras oras pero araw araw nakakahanap talaga kami ng gulo." mas lalo akong natawa sa kanya. Joker pala toh. "By the way ako si Jaxx. Nice meeting you Serenity and you are?" sabay tingin kay Zack. "Zack." "Wow cool name, Bro." at nagfist bumbs naman sila wow close agad sila. Biglang may lumapit at binatukan si Jaxx. At pagtingin ko ay napakaganda niya. "Hello, ako din pala si Mylene. Kinagagalak ko kayong makilala." mahinhing sabi niya. Ibang iba sa pinakita niya kanina. "Aray naman babe masakit iyon." nakapout na sabi ni Jaxx. "Sweetheart?" nakangiting sabi ko at tumango naman si Jaxx at niyakap si Mylene na parang pusa na naglalambing. Ang sweet!! "Pasensyahan niyo na siya ha." nakangiting sabi ni Mylene. "Ayos lang." "Welcome dito at feel at home lang mababait yan sila lahat kahit may pagkabasag ulo sila." Tumango nalang kami. Lunch time... Nakita ko na ginawa nilang circle ang mga upuan at agad silang umupo. "Uhmm... Anong ginagawa niyo?" tanong ko kay Mylene. "Sabay sabay kaming kumakain di kami pwede sa canteen." sabi niya. Alam ko na kung bakit. "Hali kayo." tumango nalang kami. "Hnmm not bad." napatingin ako kay Zack. "Kahit di sila nakakasalo sa canteen masaya naman silang lahat na sabay sabay kumain." napatango ako sa sinabi ni Zack. Umupo kami at may nagbigay sa amin ng pagkain. "Kainan na!" masayang sabi ni Jaxx na kinatawa naming lahat. Masaya din pala ng ganito di katulad sa room ko noon na puro panlalait ang ginagawa nila. Naalala ko tuloy yung nasa Olympus pa kami na sabay sabay kami kumain lahat at masayang nagkukwentuhan. Bigla nalang may umakbay saakin. "Malungkot ka na naman!" nakangiting sabi ni Zack. "Naalala ko lang sila." sabi ko sabay yuko. Tumulo nanaman ang luha ko eh! "Ano ba yan. Excuse me lang muna cr muna ako." sabi ko at nagmamadaling lumabas ng silid at tumakbo ako nang tumakbo hanggang makarating ako sa park ng school namin. At may estatwa doon ng mga Gods at Goddess. "Di ko mapigilang umiyak dahil miss na miss ko na kayong lahat jan." nakangiting sabi ko habang may luha sa mga mata ko. Naramdaman ko ang malakas na hangin na kinangiti ko sila ang may gawa nun. "Sana makabalik ako jan sa tamang panahon." tumingin ako sa kalangitan. Nanlaki ang mata ko nang may naramdaman akong kakaibang awra agad akong tumayo at tinakbo kung saan iyon galing. Napahinto ako nang makita ang isang napakalaking butas ng shield sa may gubat banda. "S-Sinong may gawa nito?" mahinang sabi ko. "Anong ginagawa mo?!" napatingin ako sa sumigaw sa likuran ko. Dalawang estudyante ang nakita ko. 'Binutasan niya ang shield! Kailangan nating isumbong siya ko siya sa guro o kay Dean.' narinig niyang iniisip nung isang estudyante. Nakita ko na nagtatakbuhan sila. "T-teka..." tawag ko pero tumatakbo padin sila. Hala iba ang iniisip nila! Sinundan ko sila at nahinto ako dahil sa isang taong nakatayo sa harapan ko. "Shin..." "Why did you do that?" malamig na sabi niya. "T-teka.... Di ko ginawa iyon--" Biglang nasa likuran ko siya. At parang may posas sa kamay ko para di magamit ang kapangyarihan ko. "Teka makinig ka naman saakin. Wala akong ginagawang masama." sabi ko sa kanya napahinto naman siya na kinatingin ko sa kanya. "Bakit ka nandoon?" natigilan ako. Nako di ko naman pwede sabihin na naramdaman ko na may bumutas ng shield ng school. Dahil tanging mga kagaya namin dalawa lamang ang nakakaramdam nun. Bakit di ko pwedeng sabihin na parehas kaming dalawa ni Shin? Kahit sa kanya lang? "Wala kang masagot? Sa Guidance ka na magpapaliwanag." sabi niya at nagteleport na kami papunta doon. Pero paano ang halimaw na nakapasok? Kailangan naming pigilan iyon. Nakarating kami sa guidance office at aalis sana si Shin. "Shin... Please pigilan mo ang halimaw na nakapasok. Baka marami silang bibiktimahin. Ayokong may mamamatay. Please, Shin." "Tsk." at umalis na siya. Mukhang di niya papaniwalaan ang sinabi ko. Bakit ang layo ng loob mo sa akin Shin? Wala naman akong masamang ginawa sayo. ***** LMCD
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD