bc

The Magica Academia (FREE)

book_age12+
1.0K
FOLLOW
2.9K
READ
fated
arrogant
genius
first love
superpower
supernatural
LitRPG
school
cruel
addiction
like
intro-logo
Blurb

Lumaki siya sa mundo ng mga Gods at Goddess paano kung dumating ang panahon na pababain na siya sa isang mundo kung saan matatagpuan niya ang mga taong may kapangyarihan na katulad sa kanya. Magiging Normal ba ang buhay niya na matagal na niyang pinapangarap?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Nag aaway away na ang ibang Gods at Goddess dahil sa pangitain na biglang dumating na gagambala sa kanilang lahat. Tumayo si Goddess Artimis at humarap sa mga kasamahan niyang Gods na namomroblema na din sa nangyayari "Ano wala pa ba kayong ibang ma iisip na paraan para baguhin ang mangyayari? Pababayaan na lang ba natin na mangyari ang ganung bagay na makakasira sa boung mundo?" "Ikaw, may naisip ka ba? Wala din naman diba? Parehas lang tayong lahat dito," sabat din ni Goddess Aphrodite sa gilid. "Sasanayin ko pa ng husto ang mga kawal ko para sa darating na labanan di ako kailanman matatalo sa kahit anong labanan! Baka nagkamali lang ang pangitaing iyon." Umiling iling si Goddess Artemis dahil sa sinabi ni God Ares. Akala kasi nito na parati siyang panalo sa mga labanan. Dahil ang propesiya ay di kailanman nagkakamali. Humarap naman si Goddess Artimis kay God Ares sabay pamewang sa harapan nito. "Lahat ng pangitaing lumalabas ay nagkakatotoo, God Ares. Kaya talo ka ngayon sa darating na labanan at tanggapin mo na ang bagay na iyon." "So sinasabi mo na matatalo talaga ako sa labanang iyon?! Hindi iyon kailanman mangyayari! Ako ang God of War at kahit kailan di ako kailanman matatalo at mas higit sa lahat di ako mamamatay!" "Sigurado ka ba sa sinasabi mo, God Ares?" Napatingin ang lahat kay Goddess Athena dahil sa sinabi nito at pinaliwanag niya ang mga nangyayari. "Hindi natin alam kung anong klaseng halimaw ang binubuhay ng mga kalaban. Alam natin na unti unting nag a upgrade ang mga kalaban at hindi sa lahat ng oras ay mananalo tayo. Lahat ng bagay ay may pantay na desisyon kahit tanungin mo pa si Lady Justice Themis." "Tama si Goddess Athena. Ang gawin natin ngayon ay magtulungan hindi mag away away gaya ng sinabi ni Goddess Athena na nag a upgrade ang mga kalaban at dapat tayo din. Ibibigay natin ang lahat ng makakaya natin sa labanang ito." Napatingin ang iba sa sinabi ni God Poseidon at may punto din ang sinabi nito sa kanila. Naguguluhan naman sa Apollo sa ibig sabihin nito. "Anong ibig mong sabihin?" "Gumawa tayo ng teknolohiya na makakatulong sa atin." "Teknolohiya? Hmmm.... Pwede din pero di pa tayo sigurado kung gagana ang planong iyon. Kailangan natin subukan bago natin ifinalized." "Tama nga si Goddess Aphrodite, kailangan natin subukan ang lahat ng ideya natin bago mafinalized ang lahat para sigurado ang resulta." Tumango tango sila sa sinabi ni Goddess Artimis. "Bukas na natin ipagpatuloy ang pag uusap na ito at dapat bukas may maisip na tayong ibang ideya," mahinahong sabi ni God Zeus bago ito tumayo sa kinauupuan nito at umalis. Nagtitigan naman silang lahat at nagbuntong hininga. "Tama si God Zeus... Mainit ang ulo natin kaya bumalik muna tayo sa mga lugar natin papalamigin muna natin ang mga ulo natin at baka makaisip tayo ng ibang paraan." Dahil kung puro mainit ang ulo nila ay di sila nagkakaintindihan lahat at maging away pa ito sa isa't isa. Tumango na lang silang lahat sa sinabi ni God Poseidon at nagsi alisan at bumalik sa kanilang nga kwarto. Sa kwarto naman ni God Zeus... Nakaupo si God Zeus sa kanyang higaan at napahawak sa ulo dahil sa problema nila ngayon. Pati siya ay walang maisip na ideya tungkol sa hinaharap. Bigla na lang lumabas ang propesiya ng biglaan. Napatingin siya sa kalangitan at humihiling sa may kapal na sana may tutulong sa kanila na di matuloy ang mangyayari sa hinaharap. Kinabukasan... Nagising si God Zeus at tatayo sana nang mapansin niya na may katabi siyang nilalang at gulat siya nang makita ang isang sanggol sa kanyang gilid at di niya mapigilang tumawag ng mga Gwardya. "Kanino ang sanggol na ito? Guards!" Nagising ang sanggol at tumingin ang mga gintong mga mata nito kay God Zeus at bigla itong ngumiti at inaabot ng kamay nito kay God Zeus pero sadyang maiksi ang kamay nito kaya di niya abot si God Zeus. Nagpapanik namang pumasok ang mga kawal sa kwartong niya at dahil sa sigaw nito na dinig na atah ng boung Olympus. "Bakit po kamahalan?" Maski ang mga tauhan ay nagulat din dahil may sanggol sa tabi ng God nila at di nila alam kung sino ang naglagay nun sa higaan ng God nila. "Itong sanggol na ito... Kanino tung batang toh? May nakapasok ba sa kwarto ko na walang pahintulot?!" Nagkatinginan silang lahat dahil hindi nila alam ang isasagot. At gulat na gulat pa rin dahil may isang sanggol na babae na nasa kama ni Zeus. "Kamahalan, hindi po namin alam at boung magdamag po kaming nagbabantay pero wala kaming makita na may pumasok na may dalang bata." Wala talaga silang ideya sa nangyayari kung paano nakapasok ang sanggol na iyon at yun ang pinagtataka ni God Zeus na imposibleng nangyayari. Tiningnan niya ang sanggol ngumiti ang sanggol sa kanya agad siyang napailing at tiningnan ang mga guards. "Hanapin niyo ang mga magulang niya" "O-opo!" Agad nilang kinuha ang sanggol at bigla itong umiyak na kinapanik nila. At nagmamadaling lumabas. Agad naman silang lumabas. At lumipas ang ilang oras nakaupo lamang si Zeus sa balcony habang umiinom ng wine at parate niyang iniisip ang sanggol na nakita sa higaan niya. Parateng bumabagabag sa kanyang isipan ang sanggol na iyon dahil imposibleng mapunta iyon sa kwarto niya dahil malalaman niya agad kung sino ang pumapasok sa kwarto niya. Dumating ang kanyang kawal at nakayukong humarap sa kanya. At napansin ni God Zeus na wala na ang sanggol na hawak nito kanina. "Nasaan ang sanggol?" Nakita niya ang mga mukha ng mga kawal niya at nakikita niyang lungkot sa mga mukha nito. "Wala po sa lahat ng nakatira dito ang mga magulang ng bata, meron may gustong kumupkop pero mas lalong lumakas ang iyak ng bata kaya iniwan nalang namin sa may basurahan para may kumuha sa kanya na basurero." Nakayukong paliwanag ng isang kawal na kina laki ng mga mata ni Zeus dahil sa ginawa ng mga tauhan niya. "Sa basurahan?! Ibalik niyo na lang ang bata dito!" Di mapigilang sigaw ni God Zeus dahil sa ginawa nila sa sanggol at nagpapanik na nakayuko ang mga kawal at tumatakbong lumabas. Napahilot siya sa kanyang noo. Nagulat siya nang may narinig siyang tawa ng isang sanggol napailing iling siya baka hallucination niya lang iyon dahil sa pag iisip sa sanggol na nasa kama niya kanina. Tumayo siya para bumalik sana sa pagtutulog nang makita niya ang sanggol sa higaan niya. At di siya makapaniwala na nandidito ulit ang sanggol sa higaan niya. "P-paano?" Binuhat niya ang bata at malaking ngiti ang pinakita ng sanggol sa kanya at nabigla siya nang hawakan ng mga maliliit na kamay ang daliri ni Zeus. Di niya alam napangiti siya sa ginawa ng sanggol. Parang nawala agad ang lahat ng problema niya nang makita ang bata. Napatingin siya sa sulat sa damit ng bata. Binasa niya iyon. Zeus... Alagaan mo ang sanggol na hawak mo. Siya ang kasagutan sa lahat ng problema niyo. Turuan mo siya sa lahat ng ensayo at turuan mo siyang kontrolin ang kanyang kapangyarihan at pagkadating sa edad na 20 dalhin mo siya sa Magica Academia. At ipangalan mo sa kanya ay Serenity. Sana alagaan mo siya.... Deity... Natigilan si Zeus nang mabasa ang pangalan sa huling liham. "Anak siya ng Deity?!" Tiningnan niya ang sanggol dahil may simbolong umilaw sa kanyang noo at nawala din iyon agad. Senekreto niya iyon sa ibang Gods at Goddess at sinabi din niya na tulungan ito sa pag eensayo ang bata. Lumipas ang 10 taon.. "Ito gawin mo ito." Nakangiting sabi ni Poseidon at gumawa siya ng maliit na tsunami bilang pag eensayo niya sa batang Serenity. "Wow.... Sige po susubukan ko!" Tinaas niya ang kamay niya at gulat na gulat si Poseidon dahil napakalaki ng tsunaming ginawa ni Serenity. Bigla itong tumama sa kanila at nasa tubig na sila ngayon nagkatitigan sila at nagtawanan. Di pa din makapaniwala si Poseidon na ang batang walang alam sa magic noon ay siya na ang tatali sa kanya ngayon. "Ang galing mo." "Mana po sa ninyo eh!" Walang buhay na tiningnan ni Hades si Serenity at tinuro niya ang isang putol na puno. "Gawin mo ito." Nagpalabas ng apoy si Hades at itinapon iyon sa kahoy na kinaresulta sa pagsabog at sira sira na ang kahoy. "Okey po," tinapat niya ang kamay niya at mabilis na lumabas sa kamay niya ang apoy at isang iglap sunog lahat ang putol na kahoy. Sekretong napangiti si Hades kay Serenity dahil alam niya na noon pa man ay malakas na si Serenity. "Uhmm... Sorry po nasunog ko lahat." "Ayos lang iyon pero magaling ka." Napangiti siya at pinat ni Hades ang ulo niya. "Salamat po!" Niyakap niya si Hades at pinabayaan na lang iyon ni Hades. Nagkatitigan naman sila ni Artemis at may ginalaw si Serenity sa kamay niya at biglang may lumabas na portal doon at lumabas ang mga nahuli niyang mga hayop. "Wow! Ang rami niyan! May baboy, ibon, manok at iba pa. The best ka talaga sa pangangaso!" Nakangiting ani ni Artemis sa batang Serenity at nahihiyang napakamot si Serenity. "Salamat po, Tita Artemis." Nakangiting tiningnan ni Ares si Serenity. At ibinaba ang espadang ginamit nila sa paglalaban. At nadaplisan si Ares na kinahinto nila sa paglalaban. "Nasugatan mo ko. Gumagaling ka na." "Syempre po! Ikaw po nagturo sa akin." "Nagmana ka talaga sa akin hahahaha! Tara magpatuloy tayo di ako magpapatalo!" At game na game naman si Serenity at naglaban na sila ulit. "Gawin mo siyang elepante." Nakangiting utos ni Goddess Athena kay Serenity sabay turo kay Apollo na busy nagpapacute sa mga maids. Isang iglap naging isang malaking elepante si Apollo. "Waaaa! Anong nangyari sa akin! Waaa Baby Serenity, ibalik mo ko sa pagiging gwapo!" Natawa sila pareho at binalik na lang nito sa dati si Apollo at mabilis lumapit si Apollo sa kanila. "Baby Serenity, bakit mo ginawa sa akin iyon." Inosenteng tiningnan ni Serenity si Apollo at itinuro ni Serenity ang Tita Athena niya. Tinaasan lang ni Athena ng kilay si Apollo. "Gulp! Uhmm... Sige gawin niyo kung anong gusto niyo malugod kong tatanggapin basta si Baby Serenity lang ang gagawa sa akin nung bagay na iyon." nakangiting sabi ni Apollo. Natawa nalang silang dalawa. Nasa harapan ng salamin silang dalawa ni Aphrodite at nilalagyan nito ng make up ang mukha ni Serenity. "Ang ganda mo kagaya ko!" Inayos pa ni Aphrodite ang buhok nito. "Oo nga po." Biglang bumukas ang pinto at pumasok doon si Hera. "Nasaan na yung paboritong baby namin?" "Tita Hera!" "Ang ganda mo naman. Teka kumain ka na ba? Nagpadala na ako ng meryenda dito." Pinakita nito ang isang basket na may lamang pagkain. "Thank you po." "You're always welcome, Sweetheart." Marami pa silang ginagawa nang biglang may kumatok sa pintuan. At pumasok si Zeus. "Kailangan naming magensayo." Natigulan silang lahat nang magsalita si Zeus na kinakunot ng noo nila Aphro at Hera at niyakap si Serenity. At sa pagkainis ni Hera ay nagsalita siya. "Extended naman." "No." "Grabe ka naman Zeus!" Sinamaan ni Zeus ng tingin ang dalawa. "Uhmm... Kailangan ko na pong umalis. Bukas po ulit." Nakangiting sabi ni Serenity sabay yakap at halik sa kanilang dalawa sa pisngi. "Okey. Balik ka agad dito ha." Sumama na si Serenity kay Zeus. Nasa isang malawak na lugar silang dalawa at nakatingin lang si Serenity kay Zeus. "Okey, let's start our training." Nagpalabas ng malakas na kidlat si Zeus at tinamaan si Serenity. Nakapikit lang siya habang dinadama ang kidlat na tumama sa kanya. At naramdaman niya iyon na lumalakas nang lumalakas at napamulat siya at itinapat ang kamay sa taas. "Yaaaaaa!!!" Malakas na sigaw ni Serenity at pinatamaan niya ang kidlat sa taas at usok lang ang pumalibot sa kanila. Mabilis siyang nawala sa kanyang kinatatayuan at nasa likuran na siya ni Zeus at mabilis na sinipa at tinamaan ito sa gilid. At isang iglap nasa harapan na siya at malakas na sinuntok na kinalubog ni Zeus sa semento. Natapos ang kanilang pagsasanay at nakaupo silang dalawa sa sahig na hinihingal. "That was awsome! Tito Zeus," masayang sabi ni Serenity. Tumango tango naman si Zeus. "Magpahinga ka na," sabi nito sabay tayo at tumayo na din si Serenity at tumango. Tumalikod ito at umuna na ng lakad si Zeus. Tumakbo si Serenity at niyakap ang likuran ni Zeus. "Salamat po, Tito Zeus," sabi nito bago tumakbo papasok sa palasyo. Si Zeus naman nakatingin lamang siya sa kung saan pumasok si Serenity. Inaamin niya na napalapit na sa kanila si Serenity at isa siya sa humuhupa sa problema nilang lahat dahil masunurin ito at di masakit sa ulo nilang lahat. At higit sa lahat maayos nila siyang pinalaki. "Pero balang araw aalis ka din dito. Marami ang malulungkot sa pag alis mo pero kahit aalis ka nandito pa din kaming gagabay sayo.... Serenity." ****** LMCD

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Enchantasia: The Academy of Magic ✔

read
125.8K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.3K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
189.1K
bc

Abducted By My Twin Alien Mates

read
38.7K
bc

The Mystique Kingdom

read
36.2K
bc

The Real Culprit (Tagalog-R18)

read
108.8K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
143.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook