Chapter 5

1384 Words
Serenity POV* Nagising ako dahil sa sinag ng araw agad akong tumayo at nag unat unat at dumiretso sa bintana. Lumanghap ako ng sariwang hangin na nasa labas ng bintana. "Good morning, Universe! And Good Morning din sa inyo na nasa Olympus." masayang sabi ko. Bagong umaga para sa akin ngayong araw ngayon kasi ako papasok at excited na akong mag aral na may mga kasamang ibang estudyante. Dahil noong nasa Olympus ako ay personal nila akong tinuturan ng kahit ano at lalo na mga anak nila ay minsan lang kami lahat magkasama dahil busy din sila sa pagpapalakas. Naligo na ako at nagbihis. Umikot ikot ako sa salamin habang tinitingnan ang kasoutan ko. Di naman sa naweweirduhan ako pero ang palda napakaikli makikita na atah ang panty ko nito eh. Kumuha ako ng manipis na shorts at sinuot ko yun para komportable ako sa paglalakad. Nagluto na ako ng makakain ko marunong naman akong magluto at tinuruan ako ni Tita Hera para ko na nga iyong Nanay eh. Hindi lang pagluluto ang itinuro niya sa akin pati na din sa paglilinis ng bahay at gawaing bahay. Habang kumakain nalungkot ako dahil narealized ko na simula ngayon nag iisa nalang ako at wala na akong kasalo habang kumakain. Umiling iling ako at dalaga na ako at kaya ko nang mabuhay mag isa di na ako bata. Ipapakita ko sa kanila na maayos na ang Serenity na tinuruan nila simula bata pa at lumaki na na kaya ko na ang sarili na mabuhay na di umaasa sa kanila. Nang matapos na akong kumain agad akong lumabas ng dorm ko at dumiretso sa elevator nang makita kong puno iyon dahil marami ang mga estudyante na nakasakay doon, kaya gumamit na lang ako ng hagdan. Kailangan ko ding mag ehersisyo kahit sandali lang noh. Habang naglalakad nakatingin lang ako sa mga estudyante na may mga kaibigan na kausap habang naglalakad papuntang school. Napahawak ako sa kwintas ko. Habang naglalakad nang napahinto ako nang may nagtitilian na mga babae. "Ang 7 Royal Noblesses!" nakita ko naman ang pinagtitilian nila nang makita ko si Hottie!! I mean yung beloved ko. "Hottie!!" masayang sabi ko napahinto naman sila sa pagtitili at huli na nang marealized ko ang pangyayari. Mukhang malakas atah ang sigaw ko. Akala ko normal lang na sumigaw dito? Napatingin naman sa akin si Hottie na hindi ko pa nalalaman ang pangalan niya. "Tsk... Stupid." sabi nito. Hala ilang beses ko bang sabihin na hindi Stupid ang pangalan ko. Agad akong tumakbo at lumapit sa kanya. "Naalala mo pa ako, Hottie?" bakit ngayon ang kapal ng mukha ko eh kahapon hiya hiya effect pa ako. Di niya ako sinagot kaya ngumiti lang ako sa kanya. "Kilala mo, Primo?" Tanong nung isang babae na mukhang kasama niya. "No. She's a nobody." sabi niya na kinatulala ko at lumakad na siya at sumunod naman ang mga kasama niya nang biglang huminto ang isang babae saakin. At ang seryoso niyang mukha bigla siyang ngumiti. "Hello! You're the newbee, right?" tumango ako sa sinabi niya. "I'm Louise, just call me Lou. And you are?" Pakilala niya sa akin. "Serenity." "I like your name and you too. Kaya kaibigan na kita. Sige bye! See you around." sabi niya at tumakbo para sumunod sa mga kasama. Nakatingin lang ako sa kanila. May kaibigan na ako? Waaaaa!!! May kaibigan na ako! Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang makaabot sa room na naka assign sa akin. Yun kasi ang naka sulat sa Form ko. Kumatok ako bago pumasok ng room. Napahinto sila sa kanilang ginagawa at napatingin saakin. "Diba siya yung napahiya kanina sa hallway?" Narinig kong sabi nung isang babae. "Oo nga yung babaeng tinawag si Primo ng Hottie.. Mabuti di siya pinarusahan." Chismis pa nung isang babae. "Himala nga eh." Napakunot ang noo ko dahil sa mga naririnig sa kanila. Ano namang mali na lumapit sa beloved ko? Bahala na nga sila sa buhay nila. Lumakad ako at umupo sa bakanteng upuan. Sikat ba si Hottie dito? At teka Primo ba name niya? Primo means Una. Woah. Ang cool ng name niya! Binuksan ko at student book na binigay sa akin kahapon di ko pa kasi ito nababasa dahil maaga akong natulog kahapon. Habang nagbabasa ako marami akong nalaman sa school na ito at nakita ko bigla ang mukha ng pitong Royals na sinasabi nila kanina at nandoon si Hottie! Shin yun pala ang pangalan niya pero akala ko Primo? Ano ba talaga pangalan niya? Biglang bumukas ang pinto at napatingin ako kung sino ang nandoon at nanlaki ang mata ko nang makita kung sino iyon... Teka ano naman ang ginagawa niya dito? Inutusan ba siya na magschool din dito? "Newbee ba siya!" "Teka nakakita ba ako ng greek God?" "Ang hot niya!!" "Kyaaaa, sino siya!" nagsisimula na silang nagsigawan at napatakip naman ako ng tenga. Parang may hinahanap siya. Ayon sa nakikita ko malamig siya kagaya ng Ama niya at di siya maghahanap ng ganun kung di niya close. Teka means ako ang hinahanap niya! Tumayo ako at napatingin naman siya saakin at ngumiti. Tama nga ako na ako ang hinahanap niya. "Zack!!!" tumakbo ako at niyakap siya. Hinaplos naman niya ang buhok ko at niyakap din ako. Siya pala si Zack at siya ang nag iisang anak ni Tito Zeus at tsaka baby niya ako at parate niya akong prinuprotektahan. "Bakit ka nandidito?" agad na tanong ko sa kanya. Di talaga ako makapaniwala na nandito siya. "Mamaya ko na sasabihin." sabi niya tumango ako at niyakap siya ulit. "Ehem..." napatingin ako sa likuran ni Zack at nakita ko si Hottie Shin. "Bumalik kayo sa mga upuan niyo." malamig na sabi niya at nginitian ko si Zack at hinawakan ang kamay niya papunta sa tabi na upuan ko. Nakita ko na iba ang tingin ni Zack at ni Shin. Anyare sa kanilang dalawa? "Zack, wag mo siyang tingnan ng ganyan. Ganyan talaga ang mukha niya parating naka simangot." Mahinang sabi ko sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin mahinang kinurot ang ilong ko na kinapout ko. "Ano kayang nangyari bakit nandito si Primo?" tanong nung isang babae. "May mahalaga sigurong mensahe." sagot nung isang lalaki. Mesahe? Parang si Tito Hermes lang atah ang kilala kong messenger? Mahinang natawa si Zack. "I know what's in your mind." Ayan nanaman ang pagka mind reader niya eh! "Nandito ako para ipaalam sa inyo na mas harsh ang training niyo ngayon kesa noon dahil ang mga halimaw ay mas lalo nang lumalakas." malamig na sabi nito at napatingin siya sa akin. Hala wala akong kasalanan diyan ha! "Kaya ang mapapayo ko sa inyo ay mag ensayo ng mabuti." waaa!!! Bakit parang ako ang sinasabihan niya at parang may konekta pa na 'kaya wag maglandian'. Waaaa!!! Biglang may umakbay sa akin at si Zack pala iyon. "Mukhang tayo na namang dalawa ang magsasanay simula ngayon." nakangiting sabi ni Zack at napalunok ako dahil kakaiba ang tingin nila lahat parang kakainin ako ng mga estudyante dito. Lumabas na si Hottie at napatingin ako kay Zack at ayun naka smirk habang nakatingin sa kung saan lumabas si Hottie. May binabalak atang di maganda tung lalaking toh. Tinakpan ko ang mata niya para di niya na tingnan kung saan si Hottie lumabas. "Tigilan mo nga yan para kang kontrabida." sabi ko at natawa naman siya ng kaunti. "Don't mind me." Sabi niya at tiningnan ako habang nakatukod ang isang kamay niya sa panga niya. Napakunot ang noo ko. Nang may naalala ako. "Teka muntik ko nang makalimutan bakit ka nga pala nandito? Alam ba ni Tito Zeus na nandito ka?" tanong ko sa kanya. "Nope. Sinundan kita kaya andito ako ngayon." nanlaki ang mata ko at napatampal sa noo. Hala ka! Nako naman itong lalaking toh! Di pa naman kasi nila oras para lumabas ng training ground malalagot siya kay Tito Zeus niyan. "Don't worry. I can handle my Dad." nag approve sign pa siya. "Bahala ka jan basta ako wala akong kinalaman sa pagtakas mo ha harapin mo mag isa ang kidlat ng Papa mo." sabi ko na sa kanya. Bahala na siya jan. "Yeah yeah. Nagsalita ang di nakakaramdam ng sakit sa kidlat ng Papa ko." Natawa nalang ako. "Mukhang sasaya atah ang pagstay ko dito." mukhang hindi maganda ang pagkasabi niya. Mukhang may binabalak siyang hindi maganda. ****** LMCD
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD