Serenity POV*
"Tukso huhuhu layuan mo naman ako!" mahinang sabi ko habang nakatingin sa kanya. Kasi sa paningin ko siya na ang pinaka gwapong nakita ko sa boung buhay ko. Waaaa! Anong nangyayari sa akin! Delikado ang ganitong nangyayari sa akin. Di ito normal!
Napapikit ako, eh sa naiilang akong tumingin sa kanya. Dahil pag tumingin ako sa kanya ay umiinit agad ang mukha ko.
"Are you stupid?"
Napamulat ako dahil sa sinabi niya. Eh ibang pangalan atah ang sinabi niya. Hindi stupid pangalan ko. Diba stupid ay Bobo yun?
Di niya alam ang mukha ko. Ay di pa pala ako nakapagpapakilala sa kanya.
"Uhmm... Di Stupid pangalan ko. Ang ganda ng pangalan ko at Serenity ang pangalan ko." sabi ko sa kanya.
Kumunot naman ang noo niya na parang naiinis atah sa akin pero kahit ganun gwapo pa din siya. Delikado toh! Di naman sinabi ni Tito Hermes na may mas maganda pa pala dito sa mundong ito.
"Really stupid."
At sa huli tinalikuran niya ako. Hala saan ba siya pupunta? Nawala bigla ang boundary at ibig sabihin nun makakapasok na ako.
Dahan dahan akong pumasok hanggang makalagapas na ang isang paa ko sa boundary na kinatuwa ko. Ang babaw ng kasayahan ko. Tsk. Lumakad ako at nakita ko na bumalik ang boundary sa gate.
Nakasunod lang ako sa likuran niya at habang naglalakad nakatingin ako sa kamay niya ang sarap hawakan siguro nun. Kagaya nung nasa mga stories ni Tita na nakakakilig. Siguro malambot ang kamay niya.
At ang likuran niya ang ganda ng curve ng katawan niya parang naggigym atah siya. Tanong ko siguro mamaya. Tapos ang buhok niya na itim na hanggang leeg niya ang nakakadala ng pagka hot sa kanya. At taga balikat niya lang ako. Ano kaya ang kapangyarihan niya? Gusto kong malaman kasi kung mahina o malakas siya ay poprotektahan ko siya.
Napahinto siya at huli na para mapahinto ako at bumangga ako sa likuran niya. Waaaa!!! Ang bango!! Napahawak ako sa likod niya at dahan dahan akong tumingin sa matigas niyang likod.
"Hey."
Napatingin ako sa kanya at huli na rin para marealized ang nangyayari. Agad akong napaatras ng isang isang beses.
"Ay! Sorry!" nakayukong sabi ko.
Nakakahiya ka Serenity! Babae mong tao tapos ganyan ka kung maka tsansing.
"Tsk. Ayaw ko ng mga taong lutang," malamig na sabi niya na kinapout ko at tumango tango na lang para di siya magalit. Gwapo nga siya pero ang sunget niya.
Nagpatuloy kami sa paglalakad. Di ko naman kasalanan na huminto siya iniisip ko lang naman kung gaano siya ka perpekto. Tapos bigla bigla siyang humihinto.
Nakarating na atah kami sa opisina ng Dean kasi huminto siya sa isang pintuan.
Kumatok siya ng tatlong beses bago pumasok sa loob at nakasunod pa din ako sa kanya. Nakita ko ang magandang opisina ng dean at Golden brown ang theme ng opisina niya ang ganda sa mga mata niya.
At huminto siya na agad kong kinahinto. Muntik na akong bumangga ulit sa likuran niya. Mabuti nakapreno agad ako. Di na ako lutang.
"Sir Dean, Nandito na siya ang sinasabi niyo pong transferee na si Miss Serenity," malamig na sabi niya at sinilip ko naman kung sino ang kausap niya.
Nanlaki ang mga mata ko at napatago ulit sa likuran niya dahil nakakatakot ang awra nung kausap niya mas maganda pa na si Hottie ang kasama ko kesa siya. Ayos lang na siya ang magalit kay sa dun sa Dean.
Napahawak ako sa laylayan ng damit niya at napansin naman niya iyon.
"Sure ka ba na dito talaga ako pupunta? Wag mo naman akong iwan dito." mahinang sabi ko sa kanya parang mangangagat kasi ang Dean eh!
"Stupid, he's the dean at hindi siya siya nangangain ng tao." sabi niya at humarap sa Dean at yumuko ng kaunti at lumakad na palabas ng Opisina.
"T-Teka... Wag mo kong iwan dito, Hottie," mahinang sabi ko at tuluyan na siyang nakaalis.
Iniwan ba naman ako dito sa Dean na toh. Bad Hottie! Dahan dahan akong tumingin sa kanya hanggang magtagpo ang mga mata namin ni Dean.
Nako po!!! Agad akong napapikit. Ayokong tingnan siya.
"Hey, Miss Serenity."
Dahan dahan ko siyang tiningnan at lumunok ng laway.
"Po?"
"Come here."
Hala teka anong gagawin niya? Kakainin niya ba ako?
Waaaaaa!!!! Bumalik ka dito, Hottie!
Louise POV*
ANG BORING!!! Ang boring! Ang boring!!!!
"Anyare sa mukha mo?" sabi ni Yona saakin. Mas lalo itinukod ko ang kamay ko sa mukha ko tumingin sa kanya.
"Yona, anong magandang gawin ngayon? Super dupper boring kasi eh!" reklamo ko.
Wala kasing magawa at tapos na ang mga gawain ko dito sa opisina at gusto ko busy parati ang utak ko.
Naiiling na tumawa siya at inaayos ang mga papeles sa mesa. Tinawanan talaga ako?
"Edi makipagsapakan ka kay Archery. Yun naman parateng hobby mo." sabi ni Rika na kakadating lang at may dalang donnuts. At inilapag sa harapan ko at kumuha ako ng isang donnut.
"Ayoko pagod na ako sa kanya sa iba na naman. In short sawa na ko sa mukha niya." nakapout na sabi ko.
"Hmmm... Edi maghanap ka sa labas. Marami naman sa labas." rekomenda ni Rika sa akin. Mukhang marami nga sa labas. Tumayo ako nang mapatingin kami nang bumukas ang pinto at nakita ko ang tatlong kasamahan namin na lalaki.
"Excited na talaga ako sa mga bagong newbee baka maraming magaganda doon." masayang sabi ni Archery. Napailing iling nalang kami ang casanova talaga niya! Napaupo na lang ako balik sa upuan ko.
"Wag mo nang paglaruan ang mga babae baka karma na ang sunod na mangyari sayo." natatawang sabi ni Hikaru.
"Yeah right. Meron ka namang Louise jan." natatawang sabi ni Jin na kinakunot ng noo ko. Nagpalabas ako ng maliit na bato at tinapunan ko yun at tumama naman sa ulo niya.
"Aray! Lou naman nagbibiro lang ako." nakapout na sabi ni Jin at sinamaan ko siya ng tingin.
"Hindi nakakatawa!" sabay sabi namin ni Arch. At napatingin kami sa isa't isa sabay iwas ng tingin.
"Hmmp!" Sabay naming sabi.
"Hahaha, bagay talaga kayo." Sabay sabi nila lahat. What the!
Biglang bumukas ang pinto at natahimik kami dahil pumasok si Shin. Agad kaming naglapitan sa isa't isa.
"May problema atah si Primo." mahinang sabi ni Arch. Tinatawag namin siyang Primo dahil ayaw siyang magpatawag sa kanyang pangalan di namin alam kung bakit.
"Kausapin mo kaya?" sagot naman ni Hikaru. Napakunot ang noo ni Arch.
"Ikaw kaya. Tingnan natin kung sino ang maunang mamatay. Don't worry ako bahala sa kape mo sa lamay." Mahinang sabi ni Arch.
"Eh mga Bobo naman kayo eh ganyan naman talaga ang awra ni Primo simula pa lang ng makilala natin siya at nakasama di na kayo nasanay," nakapamewang na sabi ko sa kanilang lahat.
Kasi ganito kasi yun. Di namin nakita na naging masaya yan, malungkot, magalit, o umiyak. Wala maski isa doon tanging walang emosyon lang nag mukha niya.
"Oo nga naman may punto si Louise." pag aagree naman ni Rika. Tumango tango naman sila.
Natigilan kami nang biglang tumingin sa amin si Primo.
"Kayong anim, lumapit kayo dito." nanigas kami sa kinatatayuan namin. At nagtutulakang lumapit.
"Kayo kasi eh pinag usapan niyo kasi. Kung ano ang emotions niya alam niyo naman na none of the above lahat," sabi ni Archer.
Ayan na naman ang bunganga ng isang toh.
"Anong kami," reklamo ko pa.
"Sit."
Agad kaming umupo ng walang dala dalawang isip at tiningnan siya na nakatingin sa book na hawak niya.
Kaming anim ay nag aabot na ang kaba at hininga namin dahil sa tensyon sa loob ng opisina. Ganun talaga pag kasama namin si Primo.
"Ano po ba ang paguusapan natin, Primo?" lakas loob na sabi ni Yona na kinatingin naming lima sa kanya. Ikaw na talaga Fiona!
"About sa mga mga halimaw na sumusugod sa mga tao. Dumadami sila kaya mas lalo nating mabutihin sa pagsasanay dahil lumalakas ang mga halimaw at pati ang mga manliligtas sa kanila ay natatalo na. Mabuti na't may lumigtas sa kanila kanina at inaalam pa kung sino ang babaeng iyon." sabi niya.
Eh? May lumigtas sa mga protector ng city?
"Malakas siya," sabi ni Hikaru. Tama siya. Ang mga protector kasi sa City ay puro malalakas at ang iba ay Guro dito sa Academia.
"Eh hindi ba nila nakita kung saan papunta?" sabi ni Rika.
Umiling si Primo. Gusto kong makilala ang babaeng sinasabi nila.
"Sana sumali siya dito sa school para makasama natin siya at mapugsa ang mga halimaw na yun," sabi ni Yona at sana maging totoo ang sinabi niya.
"At yun din ang isang mission natin. Kailangan mahanap kung sino man siya baka siya na ang sinasabi sa panaginip ni Dean na isang nilalang na kayang lumigtas sa sa ating lahat. Siya na ang hinihintay natin." sabi ni Primo. Nakaramdam ako ng excitement.
"Yes! Di na bored ang life ko! Teka Primo nailarawan ba nila yung lumigtas sa kanila?" tanong ko. Don't tell me hindi nila nakita ang mukha ng nagligtas sa kanila?
Umiling ito. Eh? Paano naman nila nalarawan na babae iyon kung di naman nila nakita.
Pero mukhang excited na akong malaman kung sino talaga ang babaeng iyon! Gusto ko siyang makilala.
Serenity POV*
"Woah! Talaga po!!" namamanghang sabi ko kay Dean. Kanina pa kami nagchichika dito sa loob ng opisina niya.
Di naman pala siya masamang nilalang eh sa katotohanan nga mabait naman siya at palajoke pa. At ngayon ko pa din nalaman na kaibigan niya si Tito Hermes.
"Oo kahit saan kami naglalakbay ni Hermes nun. Lahat ng mga trip namin ay magkaparehas, tapos nakilipaglaban pa kami sa mga malalalas na halimaw."
Tama kayo ng narinig. Magkaibigan sila ni Tito Hermes ko.
Kinuwento na pala ako ni Tito Hermes sa kanya at alam na din niya na papasok talaga ako dito.
At ayon sa mga kwento niya di niya alam na isang God si Tito Hermes. At mukhang ang gusto lang ni Tito Hermes ay maging kaibigan lang si Dean.
"Kumusta na siya doon sa malayong lugar? Ano naman ang pagkakaabalahan niya?" tanong nito sa akin. Bakit walang hinabilin si Tito Hermes sa akin.
"Ayos naman siya at busy din siya doon." tumango tango siya sabay ngiti.
Namimiss din niya ang kaibigan niya.
"Matagal tagal din simula nung huling pagkikita namin mga 10 taon na siguro iyon. Baka may pamilya na siya." napangiti ako sa sinabi niya. Lahat kasi ng mga Gods at Goddesses may mga anak talaga sila kahit si Tito Zeus meron.
Sa hindi ko pa siguro nasasabi na katraining ko din sila doon at nakasama sa loob ng 20 taon.
"Meron po siyang isang anak at Luke po name ng anak niya." napatawa siya.
"Hahaha nagkaanak pa pala yun. Babaero yun eh akala ko di na siya magseseryoso sa isang babae at di na magkakaanak." natawa nalang din ako at tumango. Yun ding si Luke siya din ang isa na nagturo sa akin tungkol sa mga gadgets na ginagamit dito sa mundo ng mga tao.
"Maiba tayo pasensya na at nastorbo pa kita heto ang susi ng dorm mo at nasa kwarto mo na lahat ng kakailanganin mo. Salamat kasi pumayag ka na dito mag aral." nakangiting sabi niya. Napangiti ako at tumango.
"Salamat din po." sabi ko.
Tumayo kami at nagpaalam na ako sa kanya.
Pagkalabas ko nakita ko ang lahat ng estudyante na naglalakad at meron iba na gumagamit ng mga mahika nila ang iba nagtetraining at ang iba nakikipagusap sa mga kaibigan nila.
Ngayon lamang ako nakikisalamuha sa kanila at sana maging kaibigan ko din sila balang araw. Dito na magsisimula ang magandang araw ko bilang isang Immortal Students katulad ng mga kasama ko dito.
Napatingin ako sa kalangitan at ngumiti.
'Mga Tita at Tito nandito na po ako at safe po akong nakarating dito sana ayos lang din po kayo jan. Balang araw po magkikita po ulit tayo namimiss ko po tuloy kayo. Salamat sa inyo.'
Napangiti nalang ako at dumiretso na sa dorm ko. Ito na ang simula ng masayang adventure ko dito sa mundo ng mga tao.
******
LMCD