Serenity POV*
Nandidito kami sa power room dito makikita gaano kalakas ang kapangyarihan mo. Woah, dito ko malalaman kung magkano lang ang lakas ko kasi di ko matatsansa kung gaano kalakas o kahina eh.
At di ko kasama si Zack dahil ibang grupo siya naka assign. Nakasimangot nga yun kanina nung maghiwalay kaming dalawa.
"Kayong lima lumapit kayo dito." utos ng guro namin at agad naman kaming pumwesto sa lugar namin. According sa lugar na kinakatayuan ko isang plain room lang ito at sa di kalayuan may limang puppets doon at di ko pa alam ang gagawin namin.
"Ang gagawin niyo ngayon isa isa kayong magpapalabas ng kapangyarihan at ang mga puppets na nasa harapan ang target ninyo." paliwanag ng guro namin. Tumango tango naman kami. Ah ganun pala yun akala ko kung ano ang gagawin namin sa puppets. Aatakehin lang pala.
"Sayo magsisimula." sabi ng guro namin sa isang kaklase ko. So ibig sabihin nun sa hulihan pa ako.
"Okey po, Teacher!" Sabi nung lalaki at nagstep forward siya at pumikit at marami pang sign sa kamay bago magsalita. Parang nagsasayaw siya na ewan sa ginagawa niya.
"Bigyan niyo ako ng kapangyarihan na talunin ang puppet na yan! Thunder shot!" napa nganga ako dahil may chant pa sila. Teka may ganun ba dapat? Kailangan ba yung sayaw sayaw na yun bago mag chant?
Bakit ako wala?
Tiningnan ko ang puppet na pinatamaan niya at napanganga ako dahil wala man lang nagalaw kahit katiting lang sa puppet. Napatingin ako sa nagchant kanina proud pa siyang tumingin sa iba. At ang mga kasamahan ko naman ay nagpalakpakan.
"Ang galing mo naman." Sabi nila. Waaa seryoso?!
"Next." sabi ng guro namin.
"Help me Gods and Goddess to win this. Water splash!" sabi nung sumunod at may chant din siya. Pero si Tito Poseidon nalang sana ang tinawag niya ang dami pa ng Gods at Goddess na tinawag.
At ganun din ang nangyari. Hindi rin nagalaw kahit kaunti ang puppet. Pero ang resulta sa ginawa niya binasa lamang niya ang puppet. Napahilot ako sa sintinido ko. Bakit iba ang naiimagine ko sa simula pa lang?
Muntik na akong matumba sa ginawa nila. Ganun din ang nangyari sa sumunod na dalawa at proud sila na pinalabas nila ang kapangyarihan nila.
"Next." ako na. Lumakad ako at tumingin sa puppet.
Nagpalabas ako ng apoy sa kamay ko. Ito muna ang gagamitin ko.
"Woah! Hindi siya nagchant! Pero napalabas niya na walang ka hirap hirap!" rinig kong sabi ng babae. Bakit need ba talaga ng chant!!
"Paano kaya niya nagawa iyon."
Di ko nalang pinansin at itinapon ko sa puppet na nasa harapan ko at isang iglap.... sabog ang boung power room. Mukhang lahat ng puppet atah ang natamaan ko.
Napaupo naman sila sa lupa at napatakip ng tenga at sabay nganga.
Normal lang naman na ganyan ang kapangyarihan ko.
Napatingin sila lahat saakin. Nang marealized ko ang nangyayari. Nasira ko ang training room.
"Uhmmm.... Ma'am pwede na po bang umalis?" nahihiyang sabi ko at natulalang tumango naman siya kaya agad na umalis na ako doon.
Lumakad ako na parang walang nangyari at nakita ko si Zack na nakangiting nakatingin saakin.
"What!" mahinang sigaw ko sa kanya.
"Pfft... Nothing. Let's go." sabi niya sabay akbay sa akin palayo doon tapos na kasi siya sa kabilang training room.
Kinuwento ko ang lahat ng nakikita ko. Kung bakit ganun ang mga kapangyarihan ng mga estudyante at sa nangyari sa training room pero imbes na pagsabihan ako ay pinagtripan pa niya ako.
"I'm sure nakanganga ang teacher na nasa loob." natatawa padin niyang sabi kaya sinuntok ko nang mahina ang tyan niya.
"Ouch... Amazona pala lahi mo." sinamaan ko siya ng tingin.
"Ouch ouch ka pa dyan ang hina ng suntok ko."
"Hahaha! Halika na nga sigurado akong gutom na ang Baby Serenity namin." Sabi niya na kinapout ko.
"Di na ako Baby." Sabi ko pa.
Naglakad kami papunta sa canteen nang makita ko sa di kalayuan si Hottie na mag isang naglalakad.
At seryoso pa ding nakatingin sa harapan niya. Nag iisip pa din ako kung ano talaga ang kapangyarihan niya.
"Hmm... Ayon sa observation ko sa lalaking iyon kakaiba ang kapangyarihan niya." napatingin ako kay Zack. Binabasa nanaman niya kung ano ang nasa utak ko oh!
Sinamaan ko siya ng tingin na kinataas niya ng dalawang kamay.
"Di ko binabasa ang nasa isipan mo. I swear! Yun kasi ang sinasabi ng mukha mo habang nakatingin sa kanya."
Ganun ba yun? Ganun ba magbasa ng mukha pero bakit di ko mabasa si Hottie?
"Paano mo nasabi na kakaiba?" nakakunot noo kong sabi.
"Ang kapangyarihan niya ay naging kakaiba dahil lahat ng atake mo sa kanya ay babalik sayo. At isa pa... magkatulad kayong dalawa. " natigilan ako at naguguluhang tumingin sa kanya.
"Ha? Parehas kami?"
Kung ganun baka alam niya kung saang lahi talaga ako galing. Kailangan kong mapalapit sa kanya. Hindi lang yun ang dahilan ko kundi dahil beloved ko siya.
"Hmmm... Mukhang uhaw ka nang malaman kung saan ka nagmula."
"Zack, may plano ako." sabi ko sa kanya sabay ngiti. At mukhang alam na niya kung ano ang nasa isipan ko.
"Sigurado ka ba sa plano mo? Kailangan mo ba ng tulong? "
"Kaya ko na ang sarili ko." tumango nalang siya hanggang makarating kami sa Canteen.
Gabi na at naglalakad ako mag isa sa labas ng dorm namin at mga 11 na siguro ng gabi at napayakap ako sa sarili dahil sa malamig na hangin na tumatama sa balat ko. Iba talaga dito sa mundo ng mga tao may klima na malamig at meron ding mainit. Doon kasi sa Olympus normal lang ang klima doon.
Umupo ako sa bench sa mini park ng dorm namin. Tiningnan ko ang kalangitan kung saan ang Olympus. Ang Olympus kasi di makikita ng mga tao dito sa lupa kahit na may mga may kapangyarihan.
"Kumusta na kayo dyan? Ako? Maayos lang naman ako dito. Bakit di niyo sinabi sa akin na may katulad ako dito sa mundo ng mga tao? Siya na ba ang sagot sa mga tanong ko? Sigurado naman akong mukhang ganun na nga iyon." napabuntong hininga nalang ako. Wala namang sumasagot sa akin eh!
Pumikit ako at napangiti nalang nang maramdaman ang hangin sa mukha ko at napamulat ulit ako nang may naramdaman akong kakaiba agad akong napaiwas nang makita ko ang panang papunta saakin.
Agad kong tiningnan kung saan iyon galing pero wala na doon ang may gawa nun saakin.
Lumapit ako sa pana nang may nakita akong papel kaya binasa ko iyon.
Deity?!
Anong ibig sabihin nito?
Napaiwas ulit ako nang maramdaman ko siya sa likuran ko.
At nakita ko siya na nakamaskara ng itim at itim din ang damit.
"Sino ka? Di naman kita kakilala at bakit mo ko pinana?!" sabi ko agad sa kanya.
"Hindi mo talaga alam kung sino ka noh? Para ka pa ding sanggol na kakalabas pa lamang sa mundong ito." teka alam niya kung sino ako?
"Sabihin mo ano ba talaga ako? Bakit naiiba ako sa kanila? Bakit?!" wala kasing sinabi sila Tito Zeus sa akin sa kung sino talaga ako. Di naman ako galing sa kanila pero pakiramdam ko na matagal na may tinatago sa akin.
"It's better you to find out. At isa lang ang mapapayo ko sayo mag ensayo ka pa ng mabuti dahil may mga makakaharap ka pang kalaban sa hinaharap na di mo inaasahan." sabi niya bago siya mawala sa paningin ko.
May kalaban na mas malakas pa saakin? Hmmm... Mukhang magandang pangyayari yun ha.
Paghahandaan ko iyon.
*******
LMCD22