Chapter 15

1118 Words
Zack POV* Tumatakbo ako dahil nakita ko siyang nakaluhod sa sahig. Di ko siya nailigtas nahuli ako ng dating. Nang marinig ko na hahatulan siya ng kamatayan ay agad na akong dumiretso dito para iligtas siya pero di ko inexpect na may mga halimaw. "Serenity!" sigaw ko at napatingin siya sa akin at malungkot na ngumiti sa akin. Nakikita ko na nahihirapan na siya. Nakita ko na babagsak na siya sa lupa nang makita ko na nasa harapan niya si Shin at nakayakap siya kay Shin. Napahinto ako sa pagtakbo at nakatingin lamang ako sa kanila. Di talaga napipigilan ang nakatakda para sa kanila inilalapit talaga ang dalawang itinakda. "Medic!" napatingin ako kay Shin. Hindi malamig na expression ang nakikita ko sa kanya kundi kaba at pag aalala ang nakikita ko. Ano ba talaga di ko siya maintindihan bakit siya mag aalala kay Serenity may fiancee na siya. Binuhat niya si Serenity at nagmamadaling lumakad at agad akong pumagitna sa kanya. "Umalis ka sa harapan ko." "Ako na ang magdadala sa kanya." malamig na sabi ko. "Ako na." "Naalala ka na niya kaya please lumayo ka na habang maaga pa wag ka nang lumapit sa kanya dahil alam mo naman na masasaktan pa din siya sa huli kung aasa siya muli." seryoso ko pa ding sabi sa kanya. Di ko na hahayaang masaktan ulit siya dahil sa lalaking ito. "Ikaw ang may gawa nun sa kanya." "Wala ka nang pake alam doon." sabi ko sa kanya at akmang kukunin ko sana si Serenity nang umatras siya. "Wala ka ding pakealam kung dadalhin ko siya sa clinic. Kaya dadaan ako." Sabi niya at nilagpasan ako. Nakatingin lamang ako sa likuran ni Shin. Di ko hahayaang masaktan muli si Serenity. Pero bago iyon aalamin ko muna kung sino talaga ang nasa likod ng mga pangyayaring iyon. Nakaramdam ako ng isang awra at pagtingin ko nakita ko ang fiancee ni Shin na masamang nakatingin kina Shin. Di kaya... May kinalaman siya? At yun ang aalamin ko. Di ko siya mapapatawad kung sasaktan niya si Serenity. Simula bata pa si Serenity itinuring ko na siyang parang totoong kapatid at inatasan na din ako ni Papa na bantayan siya. Kaya nung narinig ko yung nagmeeting sila agad akong nag impake kinaumagahan at kaarawan na iyon ni Serenity. Totoo na wala talagang alam si Papa sa pag alis ko kaya lagot ako nito pag uuwi ako. Sana ayos lamang si Serenity. Di ko talaga mapapatawad ang may gawa nun sa kanya humanda sila. ******* Serenity POV* Napamulat ako at tiningnan ang paligid. Napatingin ako sa gilid nakita ko si Shin na natutulog sa sofa habang nakaupo at nakacross arms pa at dekwatro pa ang mga paa nito. Dahan dahan akong tumayo nang maramdaman ko na parang may masakit kaya napahawak ako sa ulo ko dahil sunakit iyon. Pero tandang tanda ko lahat nang nangyayari bago ako mawalan ng malay. Pinagaling ko ang ulo ko hanggang sa mawala ang sugat sa ulo ko. Tumayo ako at tiningnan ulit si Shin. Ano naman ang ginagawa niya dito? Binabatayan ba niya ako para di ako makatakas sa kamatayan na ipapataw saakin. Napamulat ito at tumingin sa mga mata ko. Napaiwas naman ako ng tingin. Di naman siya naniniwala na insosente ako. "Bakit ka nandito? Ipapakulong mo ba ulit ako kahit wala akong kasalanan." malungkot na sabi ko. ".... " di siya sumagot at nakatingin lamang siya saakin. Biglang bumukas ang pinto at nakita ko ang mga pumasok. Si Lou, Jin, Yona, Arch at Rika. May dala silang mga bulaklak at prutas para siguro saakin. "Waaaa!!! Mabuti gising ka na!" masayang sabi ni Lou at nakikita ko ding umiiyak siya sabay yakap saakin. Nginitian ko sila ng pilit. "I-Ilang araw na ba akong tulog?" "Isa at kalahating buwan." nagulat ako sa sinabi niya. Seryoso?! "Salamat at buhay ka." umiiyak na sabi ni Yona. Pinat ko siya sa ulo. Marami din palang nagmamahal saakin dito. "Second life ko lang toh pero sa susunod... Wala nang ikatatlong buhay dahil tuluyan na akong mawawala dahil papatayin na nila ako at mukhang nandidito si Primo para bantayan ako para di tumakas at dadalhin din niya ako sa lugar kung saan ako papatayin." kahit malungkot pinilit kong ngumiti. Napatingin sila kay Shin na malamig na nakatingin saamin. "Serenity... Hindi naman ganun. Ililigtas ka niy---" pinutol ko ang sasabihin ni Jin. "Wala namang pakealam si Shin sa akin dahil nobody lamang ako sa kanya at sino naman ako para iligtas niya. Tanggap ko na na mawawala na ako dito sana magiging maayos kayo dito ha." nakangiting sabi ko. Umiling iling silang tumingin saakin. "Hindi ka mamamatay! Gagawin namin ang lahat. Hindi! Huhuhu." umiiyak na sabi nila. Niyakap ko na din sila. Pagkahiwalay ko ng yakap nilibot ko ang paningin ko asan si Zack? "Nakita niyo ba si Zack?" tanong ko. Umiling sila. Nakita ko namang lumabas si Shin ng kwarto at malakas na isinira ang pintuan. Anyare dun? Marami din silang kinuwento hanggang sa kailangan na nilang umuwi. Kaya nag iisa ulit ako dito. Napahawak ako sa dibdib ko. Wala doon ang kwintas ko. Mukhang di ko na iyon mahahanap pa. Humiga ako at matutulog sana nang biglang may malakas na sumipa ng pintuan. Nakita ko ang fiancee ni Shin. "Buhay ka pa pala? May ala pusa ka din noh?" seryosong sabi nito. Teka anong ibig niyang sabihin? "A-anong ibig mong sabihin?" "Kung gusto mo pang mabuhay layuan mo si Shin. Eh kung ayaw mo babye to the world ka na." sa lahat ng sinabi niya may clue na may kinalaman siya sa mga nangyayari saakin. "May kinalaman ka ba sa nangyari sa dalawang estudyante?" galit na sigaw ko sa kanya. Bigla siyang ngumiti hanggang sa tumawa siya na parang baliw. "Hahaha! Kawawang Serenity. Ikaw pa ang nakita. Malas mo din ano?" nakangiting sabi niya. Kalaban siya... Kaya pala sa simula palang iba na ang nakikita ko sa kanya. Biglang sumeryoso ang mukha niya at lumapit saakin at hinawakan ng isang kamay niya at inipit ang pisnge ko gamit ang mga daliri niya. "Subukan mong lumapit kay Shin mamamatay ka." pagbabanta niya. Lalabas sana siya nang biglang pumasok si Shin. "Shin!" masayang sabi niya sabay yakao kay Shin. Napaiwas naman ako ng tingin. Magkakampi silang dalawa. "Anong ginagawa mo dito?" "Sinabihan ko lang si Serenity na ginawan ko nang paraan ang kaso niya kaya absuelto na siya at pwede na siyang bumalik sa school." paliwanag niya. "Nakita na ba kung sino ang bumutas?" tumango naman ito. "Ituro mo sa akin mamaya." sabi niya. "May premyo ako ha! At magdedate tayo." pacute pa na sabi nito. "Fine." Ang sakit sa puso mas masakit pa sa mamamatay... Sana di nalang siya sana iba nalang. ******* LMCD
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD