Chapter 16

1391 Words
Serenity POV* Napamulat ako at nasa tabi ko si Zack na nakatingin sa akin. "Salamat at gising ka na." sabi niya. "Hmm... Teka don't tell me ilang buwan o taon na naman ba akong tulog?" agad na tanong ko sa kanya. Natawa naman siya sa tanong ko. "Isang gabi ka lang tulog." nakahinga naman ako ng maluwag nang may naalala ako. "Teka si Charline! Zack! Si Charline ang may pakana nang pagkabutas sa barrier para makapasok ang mga halimaw at siya din ang nagsabi sa mga minister na ipa death penalty daw ako." sabi ko napakibit balikat naman siya at parang di nabigla sa sinabi ko. "I knew it. Matagal ko na din siyang binabantayan at tama nga ang mga hinala ko. Nakita ko kasi siya isang araw na kasama mo si Shin at ang sama ng tingin sayo." napakamao ako. Makakatikim talaga siya sa akin. "Alamin mo kung sino talaga si Charline. Ngayon na at ako na ang bahala sa babaeng iyon." sabi ko. Charline POV* Naayon talaga ang lahat sa plano ko. Nandidito ako sa kwarto ko habang nakatingin sa salamin at sinusuklayan ang buhok ko. "Malapit ko nang mapaibig si Primo. Malapit na at ako lang ang magiging reyna niya." sabi ko habang nakatingin sa aking repleksyon sa salamin. Napansin ko na biglang pumuti ang buhok ko agad akong nagpanik dahil babalik na ako sa dating katauhan ko at kailangan kong makapatay ng babaeng dalaga sa labas ng school. Pero mukhang di ko na maaabutan pa. Dito nalang sa school. Agad akong lumabas at humanap ng babae. Nang may nakita akong babaeng nakaupo sa fountain at nakatingin sa kalangitan. Nang makita ang mukha niya napangiti ako dahil ang nakikita ko ay ang babaeng pinakaaayawan ko sa lahat. "Serenity... Mukhang mapapakinabangan kita ngayon." aatakehin ko sana siya nang bigla siyang humarap sa akin at isang iglap tumilapon ako at tumama ang likuran ko sa puno. Bakit ang lakas niya? Di ko alam na ganun pala siya kalakas. Lumapit siya sa akin. Agad kong tinakpan ang mukha ko gamit ang buhok ko di pwedeng malaman niya kung sino ako. Di pwede! "Kahit takpan mo ang mukha mo alam ko parin kung sino ka at ano ka... Charline the dark witch." agad akong napatingin sa kanya. Teka paano... "Gulat ka noh?" Sinugod ko siya at isang iglap sakal na niya ako. "Di mo alam kung sino ang binabangga mo." malamig na sabi niya sa saakin. Napalunok ako dahil sa awra niya ngayon. "S-Sino ka ba!" nahihirapang sabi ko sa kanya. "Me? Hulaan mo?" bigla itinapon niya ako sa puno at biglang may pumulupot sa katawan ko at mga ugat iyon. Teka paano... Meron siyang kapangyarihan na makakakontrol ng halaman! "Hmm... Yan pala ang totoong katauhan mo? Ang tanda mo na pala? Tapos nangangarap ka na makasal kay Shin? Tsk tsk..." "Wala kang pake!" sigaw niya. Pinilit kong itakas ang kamay ko pero malakas ang ugat at nanghihina na din ako. "Pakawalan mo ko! Di mo ko kilala!!!" "Ako ang mas di mo kilala. Kaya wag mong mamaliitin ang kakayahan ko dahil... " 'Isa akong elementalist.' Nagulat ako sa sinabi niya sa isipan ko. "Nagsisinungaling ka!" sigaw ko. "I'm not. Pinalabas mo pa na ako ang may gawa nung pagkabutas ng portal at inutusan mo pa ang mga minister na ipapatay ako?" "Papatayin na talaga kita!!!" Nanigas ako sa pwesto ko nang may biglang lumabas si Primo. Napatingin din si Serenity doon at gulat din siyang nakatingin kay Primo. "P-Primo..." natulalang sabi ko na lang. Napayuko ako nakakahiya ayokong makita niya na ganito ang itsura ko. "Shin..." Isang iglap nasa harapan na kami ng ministers at gulat din silang nakatingin sa akin. "Ang dark witch! Paano yan nakapasok dito!" sigaw ng tatlong minister. "Siya ay nagpapanggap bilang isang estudyante sa eskwelahang ito at siya si Charline." gulat sila sa sinabi ni Shin. "Siya ang may kinalaman kung bakit nabutas ang barrier." sabi pa nito. Nakatingin lamang si Serenity sa mga minister. Papatayin ko talaga ang babaeng ito! Isang iglap nakalapit ako sa kanya at tinutukan ko nang kutsilyo ang leeg niya. "B-bitawan mo siya!" sabi ng mga tao dito sa loob. "Never! Papatayin ko ang babaeng toh! Dahil sa kanya sira na ang lahat ng plano ko, dahil sa babaeng ito!" at itinapat ko ang kamay ko sa likuran niya para makuha ang kaluluha niya. Napasigaw si Serenity at biglang lumabas ang kaluluha niya at natumba ang katawan nito sa lupa. Napangisi ako at agad kinain ang kaluluha niya na kinaresulta sa pagbalik ng kagandahan ko. "Serenity!" nakita ko na tumatakbo ang ibang royals sa katawan ni Serenity at agad akong lumipad. "Patay na ang hawak niyo ngayon. Hahaha!!" Biglang naging abo ang katawan ni Serenity na kinalaki ng mga mata nila. Nagpalabas ng apoy si Shin at galit na nakatingin sa akin at itinapon sa akin ang mga apoy at iniiwas iwasan ko lang iyon. "Pagbabayaran mo ang ginawa mo!!!". Sigaw nila Lou. Tatawa sana ako nang biglang may naramdaman akong kakaiba. Parang unti unting sinusunog ang katawan ko. Teka anong nangyayari. 'Kakasabi ko pa lang sayo kanina di mo ko kilala at wag mong mamaliitin ang kakayahan ko.' rinig ko sa ulo ko. "Waaaaaaaaa!!!!" sigaw ko. Di ko na kaya parang sasabog ako. "Aaaaaaaa!!!!" 3rd person's POV* Sumabog ang katawan ni Charline at lumabas doon ang kaluluha ni Serenity. At pagkalapag sa lupa naging tao ulit ang katawan niya gulat na gulat naman sila sa nangyari. "Serenity!!!" masayang sabi nila at niyakap ang dalaga. Lumabas naman si Zack at niyakap di si Serenity. "Nagawa natin Zack!" masayang sabi ni Serenity. Tumango naman si Zack. Umalis na lang doon si Shin dahil ayaw niya ang nakikita niya kanina na pagyakap nito sa ibang lalaki pakiramdam niya ay gusto niyang patayin ang lalaking iyon. At di din niya maiiwasan na makahinga ng maluwag na makita na ligtas na ang babaeng akala niyang patay na. ****** Serenity POV* "Malapit na ang pulang buwan." nakatingin ako kay Zack. Tama siya malapit na at kailangan na akong makasal sa Demon Prince. Di ko alam kung ano ang mukha niya pero pakiramdam ko nasa paligid lamang siya. Nakabantay o nakatingin saakin na di ko nalalaman. "Kung ganun kailangan nating pumunta sa demon world." sabi ko sa kanya. Umiling iling naman siya. "Hindi pwede baka mapahamak ka. At di mo alam kung saan makikita ang demon prince." agad na kontra ni Zack. "May naalala ako. Narinig ko ang usapan ni Dean at yung lima na Royals na may pupuntahan silang isang witch para alamin kung ano ang susunod na propesiya." sabi ko sa kanya. Napahawak naman siya sa chin niya na parang nag iisip. "Teka don't tell me..." "Sasama tayo." agad na sabi ko. "Alam mo naman na di sila papayag na may sasama. At hindi pa nila alam kung sino talaga tayo kaya malabo." napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Nag aalala padin siya na baka kung anong mangyayari saakin. "Edi ako nalang ang sasama sa kanila maiwan ka dito." sabi ko at tumalikod sa kanya. "What! No way! Okey fine." suko niyang sabi. Napangiti ako sa sinabi niya. Di niya talaga ako kaya. Kaya ko naman gusto sumama sa kanila para malaman na din ang mangyayari sa hinaharap wala talaga akong kaedeya sa mga mangyayari ang alam ko lang na may pulang buwan na paparating. "See you tomorrow at 4am." sabi ko sabay takbo. Kelangan kompleto ang gamit na gagamitin ko para sa paglalakbay namin. Kinabukasan... Nakatayo si Shin, Arch, Jin, Lou, Yona at Rika sa harapan ng statue ng mga Gods at Goddess. "Teka asan ang mga gamit mo? At bakit yang maliit na packbag lang ang dala mo?" napatingin ako kay Zack at marami din siyang dalang gamit. "Nandito sa bag ko ang lahat ng kakailanganin ko. Tingnan mo." sabi ko sabay pakita sa kanya ang laman. Napatingin siya sa akin na nanlalaki ang mga mata. "Portal na nasa loob ng bag mo at kompleto nga ang mga gamit mo! Gawan mo din ako." sabi niya. "Fine!" Nagcast ako ng spell at naging normal pack bag ang dala niya at parang wala itong laman. "Salamat!" sabi niya sabay silip sa loob ng bag niya. Nag approve sign lamang ako. Biglang may portal na lumabas at pumasok na sila doon at pumasok na din kami doon.. Magsisimula na ang adventures namin!!! ***** LMCD
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD