Chapter 17

1196 Words
Serenity POV* Bumagsak ako sa kung saan may nakasampay na mga kumot habang si Zack naman sa may damuhan bumagsak nang makarating kami sa destinasyon ng portal na yun nakakahilo naman pala. Di ko inexpect na ganun ang portal umikot ikot pa ang sakit sa brain. Tumalon ako kasi mataas din pala nakasampay ang kumot yung bahay at bahay na pinagdugtung ang mga alambre. Basta yun na. "Hoi!! Anong ginagawa niyo sa sampayan ko!?" nanigas ako sa kinatatayuan ko at napatingin sa sumisigaw na may dalang pamalo. Isang babae na matanda na. Napalunok ako hala! "Di ko po sinasadya pasensiya na po! Dito kasi ako dinala ng... Sorry po." agad na sabi ko habang nakayuko. Nakita ko na natulala siyang nakatingin saakin. "Eh? Uhmm... Misis may problema po ba?" tanong ko. Lumapit naman si Zack sa akin at nagpagpag pa ng damit. "Nako! Hali kayo pasok kayo dito! Delikado kayo jan sa labas." panik na sabi niya. Agad naman kaming pumasok at pinaupo niya kami sa upuan. Ano naman ang naka delikado doon? "Nako mabuti dahil ako ang nakakita sa inyo." napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Kilala niya ba kami? Teka wala na talaga akong maintindihan! "Kilala niyo po ba kami?" tanong ko sa kanya. Umupo siya at umiling. "Hindi ko kayo kilala pero alam ko kung ano kayo. May kapangyarihan kayo kagaya ng Lolo ko." sabi niya na kinagulat namin. "Talaga?" "Oo... Teka anong ginagawa niyo dito sa mundo ng mga mortal?" eh? Mundo ng mga mortal ibig sabihin sa mundo ng mga tao? Wahhh mundo ng pure mortal! "May sinusundan kami pero mukhang hahanapin namin ulit sila dahil pinapasok mo kami dito sa bahay mo." siniko ko si Zack dahil sa pananalita niya. "Pasensyahan niyo na po tong kasama ko. Teka bakit ang sabi niyo sa akin kanina na bakit delikado kami doon sa labas?" gusto ko kasing malaman kung bakit. Parang may mali. Anong delikado sa labas? Kanina pa siya nagpapanik na papasukin kami sa bahay niya. "Dahil sa hari namin. Kung sino man ang makikita niyang maganda ay gagawin niyang isa sa mga babae niya at kung hindi sasama ang babae sa kanya ay papatayin niya at kung makakita naman siya ng gwapo ay papatayin niya agad dahil para sa kanya siya lamang ang pinakamagandang lalaki sa boung mundo." ngek ang harsh naman ng hari nila. In short chossy ang Hari nila. "Ganun po ba?" Mamomroblema na ba ako sa mukha ko? "Zack, mukhang dito ka pa mamatay hahaha." Pagjojoke ko. "What?!" "Heto gamitin niyo makakatulong iyan sa inyo." sabi niya sabay bigay ng pangtakip ng mukha nakikita ko na may mahika doon. Napatingin ako sa kanya. "Ang mahika ko ay kaya kong itago ang tunay na katauhan ng isang nilalang. Kaya diyan sa pantakip na yan nilagyan ko yan para matago kung sino talaga kayo." sabi niya. At bigla siyang naging dalaga na kinagulat namin pareho ni Zack. Ang ganda niya di ko aakalain na ganun pala ka ganda ang mukha niya. "Ito ang tunay na katauhan ko. Tinatago ko lamang ang mukha ko para di ako makita ng mga hari at gawing isa sa mga babae niya." kawawa naman siya. Ngumiti ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya. "Salamat dahil tinulungan mo kami. Ako nga pala si Serenity at itong kasama ko ay si Zack. Ikaw anong pangalan mo?" tanong ko. "Just call me Jade." napangiti ako at ngumiti din siya. "Mukhang papunta sa palasyo ang mga kasamahan niyo. Baka hinuli na sila doon dahil di nila alam ang pinuntahan nila." kinabahan ako sa sinabi niya. Kailangan namin sila maligtas kung ganun. "Kaya naman nila iyon. Di sila matatawag na royals kung di nila kaya ang mga yun." kampanteng sabi ni Zack. "Wag kayong makapasiguro dahil may mga alagad ang hari na kayang maging manhid ang isang tao at di nila magagalaw ang sarili nila." nagulat ako sa sinabi niya. Manhid? "Zack, magpapalagay ako para di na masakit ang heart ko." Sabi ko para di ko na maramdaman ang heartbroken ko kay Shin. Napakunot naman ang noo ni Zack. "Salamat sa iyong impormasyon, Jade. Pwede magtanong pa kung saan banda matatagpuan ang kaharian na iyon?" tanong ko sa kanya. "Ihahatid ko na kayo di naman nila mapapansin ang tunay na katauhan natin dahil sa kapangyarihan ko." sabi niya at tumango nalang kami at lumabas ng bahay niya. Habang naglalakad nakikita ko ang mga tao na ginagawang panget ang mga sarili nila para di sila makuha ng nga tauhan ng hari. Kelangan mabigyan sila ng kasagutan sa kanilan problema dito. "Dito ko na kayo maihahatid. Alam ko naman na kaya niyo yan at ramdam ko na malakas kayo. Pero sana mag iingat pa din kayo." sabi niya. Tumango kami at nagpasalamat. "Alam ko na magkikita ulit tayo." sabi niya. Tumango kami at nagpaalam na kami at dumiretso sa may puno malapit sa gate ng palasyo may nagbabantay sa labas. "Anong plano? Ayaw ko pang mamatay maraming babae ang iiyak." sabi niya na kinakunot ng noo ko. "Di mo ba nakita ang mukha mo?" natatawang sabi ko. Ang pangit niya kasi Nagpalabas ako ng salamin sa kamay at pinakita sa kanya ang itsura niya. "Sh*t! What the f*ck! Bullsh---*" binatukan ko na agad na kinahimas niya sa ulo niya. Grabe busog sa mura ha. "Sasabihin mo pa lahat ng mga badwords sa boung mundo. Di ka pa nagtaka naka disguise tayo baka nakalimutan mo." sabi ko at tumango tango naman siya. At nakakunot pa din ang noo niya. "Grabe nakakahiya pag makita ito ng mga pinsan ko sa Olympus." Mahinang sabi niya. "Ano sabi mo, Zack?" Sabi ko na kinatingin niya sa akin at nanlaki ang mga mata niya dahil nakahawak na ako ng video recorder. "Serenity!" Natawa nalang ako. "May naisip ka na?" sabi nito ng bumalik na kami sa pagseseryoso. Umiling ako wala naman talaga akong maisip at sa gate nila parang may spell doon. Na pag pumasok ka madedetect agad kaya di ko magamit ang invisible powers ko. "Mukhang mga baguhan ang mga bagong dakip dito sayang at nadakip sila agad at di nasabihan ng babala." rinig kong sabi ng isang tauhan. Teka sila Hottie atah ang mean nila. "Oo nga. Sigurado idederetso nila iyon sa bodega." Sa bodega tama! Isip Serenity!! Napatingin ako kararating pa lang na grupo ng mga matatanda na huminto sa harapan ng gate. "Anong kailangan?" sabi ng isang gwardya. "Ihahatid po namin ito sa mahal na hari mga prutas na inutus niya nung isang araw." sabi ng isa sa mga matatanda. Nakaisip ako ng paraan at agad napatingin kay Zack. Ginaya ko ang damit ng mga matatanda at ganun din ang ginawa ko kay Zack at ginawa ko narin siyang babae para di halata. Sumali kami sa pagtitipon tipon ng mga matatanda at agad naman kaming pinapasok agad. Nakarating kami sa loob ng palasyo at agad kaming umiba ng daan ni Zack. "Sa bodega sila dinala." mahinang sabi ko sa kanya. Tumango naman siya at lalakad sana kami nang meron akong narinig na boses. "At saan kayo balak pumunta?" natigilan kaming dalawa ni Zack at napalunok ng sabay. 'Patay...' Isa iyong kawal na nagbabantay dito sa loob ng palasyo. ******* LMCD
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD