Chapter 10

1104 Words
Serenity POV* "Miss Serenity." napamulat ako nang may tumapik tapik sa pisnge ko pagmulat ko nakita ko si Shin. May gwapo akong nakita sa pag gising ko. Nang bigla akong nagising sa katotohanan agad akong napabitaw dahil kayakap ko ang matipuno niyang mga braso. Nakakahiya naman! Kababaeng tao mo Serenity humahawak ka sa lalaki! "Ah eh! Sorry po, Mister Primo." nagmamadali akong umayos ng upo. Nakakahiya naman oh! Tumayo siya at lumabas. Teka nandito na pala kami? Ngayon ko pa napansin na huminto na pala ang bus. At napatingin ako sa paligid wala na ang mga students sa bus nakababa na silang lahat. Nakakahiya talaga! Bumaba ako at napanganga dahil sa kapaligiran. Ang ganda!! Maraming mga puno at may falls pa marami ding mga bulaklak. "Wow ang ganda. Parang kagaya sa kagubatan ni Tita Aphro." tumakbo ako papunta sa falls at hinawakan ang tubig. Napangiti ako dahil ramdam ko sila. Sila yung mga nilalang na nasa ilalim. Tahimik na naninirahan sa mga bahay nila sa ilalim. Napatingin ako sa mga kaklase ko na tumitingin din kahit saan. Nang madapo ang paningin ko kay Shin na nakatingin pala sa akin kahit may kumakausap sa kanya. Nginitian ko siya at umiwas siya ng tingin. Napapout naman ako at binalik ang paningin sa tubig. Gusto kong mag sorry pag di na siya busy. "Form a line." rinig kong sabi ni Shin. Agad akong tumayo at lalakad sana nang napahinto ako nang may narinig akong boses. Kaya napatingin ako kung saan iyon galing. "Miss Serenity." napatingin ako kay Shin at luminya nalang din ako pero pasulyap sulyap akong tumingin doon. May nagsalita eh. Ano kaya yun? "Yun ang lahat ng rules dapat makapatay kayo ng mga halimaw dito at makikita iyon sa badge niyo kung anong total ng napatay niyo. Naintindihan niyo." nakatingin lang ako kay Shin at tumango. "Maaari na kayong umalis kasama ang mga partner niyo." umalis na sila pero ako? Wala akong partner dahil kulang. Bahala na kaya ko naman. Nakisabay ako sa takbuhan. Papunta ako sa kung saan ang boses. Malayo layo na ang takbo ko nang maramdaman ko ang malaking lobo. Hindi iyon halimaw nakikita ko na parang aatakehin ako. Tumakbo siya at tumalon at di lang ako gumalaw at itinaas ko ang isang kamay ko at nagpalabas ng isang spell. Bigla siyang umamo na kinangiti ko. "Hahaha nakakakiliti naman!" dinidilaan kasi niya ako. At napaupo na ako sa lupa. Nang may narinig akong pumalakpak at nakita ko ang isang half Satyr (half man and half goat). Pamilyar ito saakin. "Di na ako magtataka na magagawa mong paamuhin ang mga mababangis na mga alaga ko." napatayo ako at nagpagpag. Napangiti ako at niyakap siya. "Namiss kita, Pan!" masayang sabi ko at niyakap din niya ako. "Me too, Serenity." Siya si Pan at isa siyang God of Nature and also Mountain Wild. Sa world na isa siyang Satyr alam niyo na malalandi yan sila. Pero sa iba lang di niya ako malalandi dahil di naman tumatalab sa akin. "Pinababa ka na pala ni God Zeus." tumango ako. "Oo nga eh. Mukhang maganda naman dahil marami akong makikitang kakaiba kagaya dito maganda dito. Paanong magkakaroon ng mababangis na halimaw dito." "Di ko din alam baka humihina na siguro ang barrier ng kagubatan dahil sa darating na digmaan." sabi niya. Napakunot naman ang noo ko. Digmaan... Tama narinig ko na yan noon. Tumingin ako sa kalangitan hindi na nga makapal ang barrier isang suntok na nun magigiba na iyon. "Susubukan kong ayusin ang barrier ng kagubatan na ito. At tatapusin ang lahat ng halimaw dito." sabi ko. "Talaga! Salamat." Pumikit ako at itinaas ang dalawang kamay ko at pagmulat ko lumabas sa kamay ko ang isang liwanag na pangtapak ng barrier. "Ayan. Sige Pan. Kailangan ko pang makakuha ng points." napatingin ako sa orasan nanlaki ang mata ko dahil 5 minutes nalang bago matapos. Ganun na ba katagal ang usapan namin ni Pan? "Nandoon ang mga malalakas na halimaw. Mukhang doon ang lungga nila." sabi ni Pan sabay turo sa madilim na parte ng kagubatan. Tumango ako at nagpaalam na sa kanya. Mabilis akong kumilos hanggang sa napahinto ako at tumingin sa mga mata na nakatingin sa akin. Napangiti ako at nagpalabas ng bughaw na apoy. At malakas na ibinagsak sa lupa at ang boung lugar kung saan ako nakatayo ay napapalibutan ng apoy at sunog lahat ng halimaw. Tumayo ako at nagpagpag at napatulala ako dahil nasira ko isang parte ng kagubatan. "Ako na ang bahala dito, Serenity. Papunta na sila dito." rinig kong sabi ni Pan na nasa likuran ko. Tumango ako at umalis na agad. Di kasi pwede ipaalam ang tungkol sa kapangyarihan ko. Dahil marami ang gustong kumuha nito. Napahinto ako nang maramdaman ko na umulan at bigla itong lumakas at nagmamadali akong tumakbo at maswerte ako nang may makita akong maliit na kweba mukhang doon ako magpapalipas ng ulan. Sana tumigil na ito gutom na kasi ako gusto ko ng kumain ng gulay. 3rd Person's POV* Tumakbo ang lahat papasok sa loob ng bus at binilang nila kung ilan ang estudyanteng nasa loob ng bus. "Teka kulang tayo ng isa." sabi nung isang estudyante na nag bibilang. Inaalam nila kung sino ang wala. Napakunot ang noo ni Shin dahil wala sa inuupuan nito si Serenity. "Teka yung bagong transferee ang nawawala." sabi nung isang estudyante sa harapan. "Nako baka napatay siya ng halimaw!" "Oh baka nasali siya sa malaking apoy kanina na kinakalbo ng kagubatan." Tumingin si Shin sa labas at napahawak sa ulo niya. Sakit na talaga sa ulo niya ang dalaga. "Sini ang hahanap sa transferee?" Tanong nung isa. Pero walang sumagot. Lumabas siya para hanapin ang dalaga. Napahinto siya sa kung saan ang sunog na isang parte ng kagubatan. Malakas na nilalang ang kayang makagawa nito. Di niya alam kung ano. Hinanap niya kung may makita siyang gamit ng dalaga na nahulog at di siya nagkakamali nakita niya ang isang kwintas. At alam niya kung kanino ang kwintas na nakita. Pinulot niya iyon at nakita niya ito na suot ng dalaga kanina ibig sabihin nun ay nandito nga ang dalagang hinahanap niya. Nagpalabas siya ng sampung apoy. "Hanapin niyo kung na saan si Serenity." utos niya. "Masusunod po." sabi ng mga ito at lumipad kahit saan. Hindi agad nawawala ang apoy dahil malakas ito kahit umuulan. Sa pwesto naman ni Serenity. Napayakap siya sa sarili dahil sa lamig kaya nagpalabas siya ng isang spell na parang shield para di siya matablan ng ginaw at walang makaramdam sa presensya niya na baka may sumugod sa kanya. At dinalaw na siya ng antok hanggang sa makatulog na siya. ***** LMCD
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD