Serenity POV*
Napamulat ako at tiningnan ang paligid. At tumila na pala ang ulan.
Tumayo ako at gulat na napatingin sa orasan. Hala 5 hours na pala akong di nakakabalik sa bus baka iniwan nila ako. Agad akong nag ayos sa sarili bago tumayo.
Agad akong nagmamadaling tumakbo nang mapahinto ako nang maramdaman ko ang isang halimaw. Isang malakas na halimaw.
Agad naman akong napaiwas nang umatake siya sa akin. Di pa pala nauubos ang mga halimaw dito.
Mabilis siyang gumalaw at isang iglap nasa likuran ko na siya at hinawakan ako ng napakalaking kamay niya.
Tiningnan ko lang siya dahil di naman ako tinatablan sa pagkakahawak niya.
Magpapalabas sana ako ng kapangyarihan sa kamay ko nang biglang may mabilis na pumutol sa kamay ng halimaw at nagpanik ako dahil mahuhulog na ako kaya napapikit ako nang may naramdaman akong mga braso na humawak saakin.
Napamulat ako at napatingin sa kung sino ang humawak sa akin. At nakita ko si Primo!
"Mr. Primo," mahinang sabi ko at tumingin lang siya sa akin at binalik ang tingin sa halimaw.
"Die," mahinang sabi niya pero rinig ko naman iyon. Biglang sumabog ng malakas ang halimaw at mabuti may shield si Shin para di kami matamaan ng laman ng halimaw.
Napatingin ako sa kanya. Nakakamangha siya di ko aakalain na malakas din siya kagaya sa akin.
"Where have you been all the time, Stupid." eh? Stupid? Di yun ang pangalan ko.
"Ah eh... Nagpapalipas ng oras sa maliit na cave dahil malakas ang ulan at tsaka hindi stupid ang pangalan ko kundi Serenity." sagot ko na lang. Nag aalala siguro siya.
"Baba mo na ako. Ayos lang ako kaya ko namang maglakad." Sabi ko pero di man lang ako pinansin.
Lumakad na siya at nakatingin lamang sa daan at ako titig na titig lamang sa kanya.
Bakit ang sungit ng isang toh? Eh ngayon lamang kami nagkakilala.
"Uhmm Mr. Primo..."
"Just Shin." sabi niya na kinagulat ko. Teka ayaw ba niya ba ng Primo? Yun ang tawag nila sa kanya.
"O-okey... Shin, I'm sorry kung pinag aalala ko kayo at dun din sa may bus sorry din dahil sumandal ako sayo." sabi ko sa kanya na kinahinto niya.
"Don't do it again. Inagrabyado mo kaming lahat." napayuko ako. Kasalanan ko nga. Sana iniwan nalang nila ako dito kaya ko namang umuwi mag isa.
"S-Sorry... Uhmmm... Kaya ko nang lumakad. Pasensya na talaga di ko na kayo bibigyan ng problema." sabi ko at binaba naman niya ako. Mukhang galit nga siya sa akin.
Kung ganun di na ako magpapakita sa kanya. Para di na siya mamomroblema sa akin.
Nakarating kami sa bus at napatingin ako sa inuupuan ko kanina at mayroon nang nakaupo doon at maldita pa siyang tumingin sa akin. Wala akong magawa at doon nalang sa pinakalikod umupo malapit sa binatana.
Nakita ko si Pan sa labas ng bintana na kumakaway. At kumaway din ako at ngumiti sa kanya bago lumarga ang sinasakyan namin.
Nakarating kami sa school at agad akong bumaba at di ko na siya kinausap ayokong may makasabagal sa kanila. Dumiretso na akong lumabas ng bus at nagteleport ako papuntang dorm ko at agad umupo sa higaan at napabuntong hininga.
Napahawak ako sa kwintas ko nang napahinto ako at nanlalaki ang mga matang kinapa ang leeg ko.
"N-nasaan na ang kwintas ko?" nagpapanik na sabi ko agad kong hinanap kahit saan ang kwintas ko pero wala doon.
Mahalaga iyon sa akin dahil sabi ni Tito Zeus galing iyon sa Mama ko. At nawala nalang bigla. Umiiyak akong napaupo sa sahig at pilit inaalala kung saan iyon napunta nang may biglang pumasok sa ulo ko na kung saan maaaring malaglag.
"Sa kagubatan..." napatayo ako. Kailangan kong makapunta doon.
Wala akong maisip dahil sa takot na tuluyan iyong mawala.
Nang biglang kumatok at pagkabukas nakita ko si Zack.
"Serenity? Teka bakit ka umiiyak? May nangyari ba?!" nagpapanik na din na sabi niya.
"A-ang kwintas ko..." sumisinok na sabi ko sa kanya.
"Teka saan mo yun nahulog?"
"D-di ko alam... Hanapin natin sa kagubatan... Please Zack. Ayokong mawala yun. Galing yun sa Mama ko, Zack." umiiyak na sabi ko. Di iyon pwede mawala importante iyon sa akin. Tama nga si Shin. Stupid nga ako.
"Oo... Hahanapin natin. Tahan na." sabi niya.
Nagteleport kami papunta doon at nagpatulong pa kami kay Pan at nalipasan na kami ng umaga hindi pa din namin nakikita. Nawawalan ako ng pag asa at napaupo sa damuhan at natutulalang tumingin sa
kalangitan.
"Serenity..." rinig kong sabi ni Pan.
"Pabayaan mo muna siya." sabi ni Zack sa kanya.
Lou POV*
"Ano!!! Wala si Serenity at si Zack?!" gulat na sigaw ko. Paano nangyari iyon eh walang maski isa ang nakakalabas dito sa school.
"Iyon nga ang pinagtataka ko paano sila nakalabas ng school at kung nandito man sila kanina pa sana natin naramdaman ang awra nila pero wala." namomroblema ding sabi ni Yona.
"Ano kayang nangyari? Teka Primo ikaw diba ang leader kung saan kasama mo si Serenity kanina. May napansin ka ba sa kanya kanina." sabi ni Jin.
"....." wala man lang komento si Primo pero nakikita ko na malalim ang kanyang iniisip.
Nang bigla siyang napatayo at nawala bigla sa kanyang kinatatayuan.
"Ano kayang nangyayari? Nako malaking problema toh pag may lumabag sa mga batas dito ay matatapon sa Delinquent room. Kawawa naman sila doon." kinakabahang sabi ni Yona.
"Sana ayos lang siya."
Serenity POV*
Tumayo ako at lumapit kay Zack.
"Kailangan na nating bumalik." malungkot na sabi ko.
"Wag kang mag aalala. Hahanapin ko iyon." sabi ni Pan.
"Salamat." Pilit akong ngumiti at tumalikod na.
"Kailangan na naming bumalik. Salamat ulit." sabi ni Zack at nagteleport ulit kami at nasa harapan kami ng building nang makita ko si Shin na nakatingin sa amin.
"Saan kayo galing?" sabi niya. Di na ako nakinig bahala na si Zack doon nagpatuloy ako sa paglalakad habang nakayuko hanggang sa malagpasan ko siya. Nanghihina ako sa nangyayari ngayon sa akin.
"Ms. Serenity." huminto ako pero di ako tumingin sa kanya. Ayoko siyang tingnan kasasabi ko palang kanina na di na ako magpapakita sa kanya.
"Dahil sa ginawa niyong paglabas mapaparusahan kayo at ilalagay kayo sa Delinquent room." sabi nito. Tumango nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad.
"Gawin mo ang gusto mo. At tawagin mo ko sa parating tinatawag mo sa aakin na Stupid." Nanghihinang sabi ko at nagpatuloy sa paglalakad.
Nang makarating ako sa kwarto ko ay agad akong humiga sa higaan at pumikit. Sana mahanap ko yun. Importante yun sa akin. Yun lang ang kumukonekta sa akin sa Mama ko.
"Serenity." napatingin ako kay Tito Zeus. Teka nandidito ako sa mundo ng panaginip?
"Tito Zeus!" niyakap ko siya. Namiss ko siya.
"Bakit ka po nasa panaginip ko?" tanong ko sa kanya.
"Dahil may nakita ako sa pamahiin na..." mukhang nagdadalawang isip pa siyang sabihin.
"Na ano po?"
"Maipapakasal ka sa anak ng Demon." napahinto ako sa sinabi niya. Nakita ko na nakayuko siya at ayaw niyang mangyari iyon.
"Demon po?" tumango siya. Tulalang sabi ko.
"Para ano?" sabi ko pa.
"Di ko alam pero yun ang nakatakdang mangyayari." nakikita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.
"Tito Zeus... Ayoko pong makasal sa kanya... Wala pa po iyon sa plano ko." naiiyak na sabi ko.
"Wala din kaming magagawa dahil yun talaga ang mangyayari.... Kahit ayoko."
Niyakap nalang ako ni Tito.
"Nandidito lang kami para sayo."
*****
LMCD