Chapter 9

1481 Words
Serenity POV* Napamulat ako at humikab sabay tayo at dumiretso sa banyo para maligo. Tiningnan ko ang mukha ko sa salamin at nanlaki ang mata ko dahil namamaga ang mata ko parang galing ako sa pag iyak kahapon. Teka wala naman akong maalala na umiyak ako kahapon. Baka sa panaginip umiiyak ako baka namiss ko lang sila sa Olympus. Napatingin ulit ako sa mga mata ko sa salamin grabe halatang halata na umiiyak ako. Ano ba talagang nangyari bakit ganito ang mata ko! "Hala nako naman parang may umaway sa akin kagabi. Aish mawawala din ito." Naligo na lang ako at nagbihis. Napatingin ako sa orasan at late nako! Agad akong tumakbo palabas ng dorm ko at tumingin ulit ako sa libro nang may narealized ako nakakapagteleport pala ako. At nagteleport nga ako papunta sa classroom at agad akong umupo at pumasok na nga ang teacher namin. "May gagawin tayo ngayon kaya magbihis na kayo ng P.E. uniform niyo. Magkikita tayo sa may baseball field hihintayin ko kayo doon," sabi ng guro namin. Tumango na lang kami. Woah! P.E! Masaya ako kasi may mga kaklase na akong kasabay mag P.E! Nakabihis na ako ng uniform ko. Naglalakad ako papunta sa Baseball field nang makita ko si Lou, Yona at Rika at nang makita nila ako agad silang lumapit saakin at nakikita ko sa mga mukha nila ang pag aalala. Ano naman ang problema nila bakit ganyan ang mga mukha nila? "Ayos ka na ba, Serenity?" tanong ni Yona sa akin. Napakunot ang noo ko sa tanong niya. Kailan pa ako di naging maayos? "Ha? Maayos naman ako ha. May nangyari ba?" naguguluhang tanong ko. Nagkatinginan naman silang tatlo. "Uhmmm.... Serenity, alam namin na nasaktan ka kahapon dahil sa sinabi ni Jin na may ibang kasama si Primo, kami na ang humihingi ng pasensya sa kanya," sabi ni Rika. Di ko sila maintindihan. At sino si Primo? "Primo? Sino siya?" Napakunot ang noo nila dahil sa sinabi ko. "Uhmm... Si Primo yung tinatawag mo na Hottie mo," sabi ni Lou. Primo? Hottie? Wah Hot ba siya? Teka wala akong maalala na may tinawag akong Hottie. Napakamot ako sa ulo ko dahil wala naman akong kilalang ganun at wala naman akong tinatawag na Hottie. "Wala naman akong tinatawag na Hottie, baka nagkakamali lang kayo ng narinig at di ko pa narinig ang pangalan binanggit niyo sa akin," naguguluhang sabi ko pa din. "Nagsasabi siya ng katotohanan." Napatingin kami kay Yona. At nagulat naman ang mga mukha nila dahil sa sinabi nito. Totoo naman kasi ang sinasabi ko. "Teka lang, di ko iyon kilala at muntik ko ng makalimutan na kailangan ko nang pumunta sa Baseball Field may P. E. pa kami at sa susunod na lang natin iyon pag uusapan, bye see you around," ngiti kong sabi sa kanila at tumakbo na ako doon. Di ko alam ang nakikita ko sa mga mukha nila ay gulat na di ko man lang alam kung ano ang kinagulat nila. Sa kakatakbo ko biglang may nabangga ako. At matutumba na sana ako nang agad niya akong nasalo at napatingin ako sa kanya sandali. "Ay! Sorry! Mister. At salamat sa pagsalo sa akin." Tiningnan ko siya. Di ko naman kilala kung sino toh. Pero nagsosorry padin ako kasalanan ko eh. Tiningnan ko siya at may malamig siyang mukha na nakatingin sa akin. "Serenity!" Napatingin ako sa mga kasama niya sa likod. Sila Archery at Jin pala ang kasama ng lalaking ito. Magkakilala ba sila ng cold na lalaking toh? "Maayos ka na ba?" sabi bigla ni Archery. "Serenity, pasensya na dahil sa sinabi ko kahapon at sana maayos ka lang," ani din ni Jin. Teka lang bakit ganyan ang sinasabi nila lahat? Ano ba talagang nangyayari kahapon? "Oo naman, teka ang weird niyo ha pati sila Lou ganun din ang sinabi sa akin." Napatingin ako sa relo ko. "Sige, kailangan ko nang umalis. Sorry ulit Mister." Paumanhin ko sa kanila bago tumakbo ulit. Tatakbo sana ako nang biglang may humawak sa balikat ko at pagtingin ko yun yung lalaking nakabangga ko kanina. "Mister?" tanong niyang sabi. Tiningnan ko siya sa mga mata. Mukhang kilala niya ako pero bakit ako di ko siya kilala? "May mali po ba sa sinabi ko?" tanong ko na lang at nakakunot na ang noo ko. "P-Primo," sabi nung dalawa sa likuran niya. "Uhmm... Primo po ba ang pangalan niyo, Mister... I mean Primo?" humarap ako sa kanya. Tiningnan niya ng maige ang mga mata ko bago umiwas ng tingin at lumakad paalis sa harapan ko. Problema nun? Hala bakit ganun yun? Wala akong kasalanang ginawa ha. Tiningnan ko ang dalawa. "Anong problema niya?" tanong ko sa kanila. "Di namin alam," sabi nila. Ang weird nila ngayon di ko sila maintindihan. Tumango tango na lang ako at nagpaalam na sa kanila. Nakarating ako sa Baseball field at agad luminya sa mga kaklase ko. "Ang gagawin niyo ngayon ay magha-hunting ng mga malalakas na monster sa kagubatan ng Juwa sa may timog. Makikita sa mga score niyo kung ilan at gaano kalakas ang nga halimaw na aatake sa inyo." Naexcite atah ako sa mangyayari. Matagal tagal na simula nung makapatay ako ng mga halimaw. "Para mas ligtas ang pupuntahan natin sasamahan tayo ng Royal Council." Royal Council... Means sila Lou?! Napatingin ako kina Lou na malamig na tumingin sa mga estudyante at nakita ko din doon yung Primo na nakatingin sa akin at dahil sa naiilang ako napaiwas ako ng tingin. Siya na ang gwapong weird. Teka siya yung sinasabi nila Lou na tinatawag kong Hottie daw. Hot nga siya pero mukhang masungit. Pero hot talaga siya. "Hahatiin ang grupo sa anim. Kaya magsimula na kayong magbilang." utos ng guro at sa akin nag simula ang bilang. "Tatlo!" sabi nung huling estudyante. Napapansin ko asan si Zack. "Sir! I'm sorry I'm late." sabi ni Zack na kakarating lang. "Mr. Zack, ikaw ay sa ika apat na grupo." Tumango na lang si Zack. Lumapit siya saakin at ngumiti. "Anong group number mo?" "One." Napapout naman siya kase di kami magkagrupo. "Para kang pato," sabi ko at nahinang kinurot ang labi niya na nagpout. "Ouch, Gwapo naman," agad na sabi niya at hinawakan ang kamay ko at mahinang kinagat. Pinalo ko siya dahil kinagat nga niya ang daliri ko. "Naman eh!" reklamo ko na kinatawa niya at pinat ako sa ulo. "Siguro nambabae ka na naman kaya ka nalate ng dating." "Natural na yun sa akin." "Okey, ang anim na grupo may isa isang leader. Sa una ay si Primo sa pangalawa ay si Archery sa pangatlo at si Lou pang apat naman ay si Jin at Panglima si Rika at ang huli panglima ay si Yona. Maaari na kayong dumiretso sa grupo niyo." sabi ng guro namin. Napatingin ako sa leader namin na si Primo na nakatingin pa din sa akin. Bakit ba kasi tumitingin sa akin? May ginawa ba akong kasalanan sa kanya? Dumating na ang mga bus namin at every group may iisang bus. Ang yaman ng school na toh. Umupo na silang lahat at ako umupo sa harapan at nagulat ako na tumabi sa akin si Primo. Ang daming upuan bakit dito siya sa tabi ko? Ang weird niya. Tiningnan ko kung may upuan pa dahil awkward kung magkatabi kami pero wala ng mauupuan! Trip atah ako ng malas ngayon. Bumalik na lang ako sa pagkakaupo at inilagay ang bag ko sa binti ko at di pinansin ang katabi ko. Nakatingin lamang ako sa labas ng bintana naiilang akong tumingin sa kanya nakakatakot ang awra niya. Pwede naman kasi siya sa iba umupo bakit pa sa akin. Napatingin ako sa kanya saglit nakapikit siya. Namamangha ako sa mukha niya dahil perfect na perfect! May matataas na pilik mata pa at ang tangos ng ilong at ang labi niya mapula at ang lambot. Napatingin ako sa ID niya na nasa damit niya. At di ko aakalain na ang ganda ng pangalan niya. "Shin," mahinang sabi ko. Yun pala ang name niya eh wala namang Primo sa name niya. Inisa isa ko pa ang pangalan niya eh sa wala naman talagang Primo doon. Namula ang mukha ko nang napatingin siya sa akin. Hala ka! Nakakahiya! Tinitingnan niya pala ako at di ko iyon napansin. Napaiwas ako at bumalik ang tingin ko sa labas ng bintana. Ayoko siyang tingnan baka mangangagat! Pumikit na lang ako mukhang matagal tagal pa kaming darating eh! Mabuti kung matulog na lang ako para di na maging awkward. Hanggang sa di ko namalayan nakatulog na ako. Di ko alam kung panaginip ba na may kamay na humawak sa ulo ko at pinasandal sa parang balikat eh sa masarap ang tulog ko niyakap ko ang unan at ang bango ha. Hanggang sa makatulog na ako ng tuluyan na may ngiti sa labi. Mukhang ang ganda ng pakiramdam ko lalo na maamoy ko ang pamilyar na bango na kinaaadikan ko. ****** LMCD22
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD