Chapter 3

1638 Words
Napamulat si Serenity nang makarating siya sa syudad at nakita niya ang matataas na buildings at sasakyan mabuti at tinuruan siya ng kanyang Tito Hermes sa mga kung ano ang nakikita dito. Tinuruan din siya doon sa Olympus kung paano gamitin ang mga gadgets at kahit ano pa. Dahil mas advance ang gadgets nila doon kesa dito kaya kailangan pa din niyang matutunan ang lahat ng iyon. Kaya di na siya nahuhuli pa sa uso. Mabuti hindi naiiba ang lugar na ito sa mundong kinalakihan niya. Luminga linga siya sa paligid at puro building, sasakyan, tao at mga animals ang nakikita niya. "Saan ako pupunta nito?" Nang may naaalala siya agad niyang kinuha ang papel na nasa bag niya at tiningnan niya ang mapa at binasa ang mga nakasulat doon. Yun yung binigay nang Tito Hermes niya para makarating siya sa Academiang sinabi ng Tito Zeus niya. "Hmm... Mukhang malapit lapit lang ito dito ay hindi malayo layo pa pala ako," napakamot na lang siya sa ulo niya at umiling iling. Tiningnan niya ang paligid may mga pangalan kasi sa tindahan doon at buildings. Serenity POV* Naglalakad ako hawak ang bag ko nang makaramdam ako ng gutom. Kailangan kong makahanap ng makakainan dito kasi malayo layo pa ang lalakarin ko pwede naman siguro na ilapag nila ako doon mismo sa titirhan ko bakit sa malayo pa? Nakakita ako ng isang pagkainan at pumasok ako doon at namangha ako sari saring pagkain ang nakikita ko! May mga iba't ibang kulay ang mga pagkain nila at lalo na ang drinks nila at nakakalaway tingnan ang lahat ng iyon at mukha din kasing masarap. May mga pera silang ipapalit sa pagkain at mukhang sobra ang binigay nila sa akin puro skyblue ang kulay at one sa simula at may tatlong zero nag kasunod. In short maraming one thousands ang binigay nila sa akin. Pero pangalan sa pagkain gagawin ko ang lahat mabili lang ang mga iyon! "Good Morning, Ma'am," bati sa akin nung babae sa counter. "Good Morning din." "Ano po ang order niyo?" "Gusto ko po yan, yan at yan," turo ko sa mga pagkaing gusto ko at binigay naman niya at agad ko iyong kinuha. "Sa drinks po ano sa inyo?" "Ano po ba drinks niyo?" tanong ko na lang baka di pareho ang brand na iniinum ko doon. "Meron po kaming Pineapple Juice, Apple Juice, Icetea, and Soft drinks. Ano po sa inyo?" Wow ang dami naman nun. "Hmmm... Ice Tea na lang. Meron pa lang Ice ang tea puro kasi Hot Tea ang iniinom ko ito." Natawa na lang yung babae sa harapan ko at inilagay na niya sa tabi ng pagkain ko at dinala ko na dala sa mesa at agad kumain. Tiningnan ko ang paligid. Ibang iba parang naiiba ako sa kanila. Sila ang sinasabi ni Tito Hermes na mga tao. Hindi mataas ang lifespan nila di katulad sa amin na mga Immortal. At sabi din ni Tito may mga Immortal din dito na nakatira at yun ay ang mga descendants ng mga Immortals noon. Nakikita ko rin na may mga kapangyarihan ang ibang nandidito at nagpapanggap lang sila sa tao. Ang iba naman ay wala normal lang na nagtatrabaho. "Waaaaaa!!!!" Napatingin kami sa labas nakita ko na nagtatakbuhan ang mga tao. "Normal ba na may sumisigaw at magtakbuhan dito?" tanong ko na lang sa sarili ko at pinagpatuloy ko na lang ang pagkain. Nang biglang nawala ang bubong ng lugar kung saan ako kumakain. Eh? Hala anyare? Ganito ba talaga dito? Mas okey pa yung may bubong dahil di mainit pero ngayon mainit na. At nagkagulo dito sa loob ng pinagkainan ko nagmamadaling lumabas. Naramdaman ko na lumilindol kaya pala lumabas sila. Normal lang ang lindol doon sa Olympus lalo na pag naglalaban sina Tito Ares at Tita Athena. Tinapos ko agad ang pagkain ko at lumabas at nakita ko na may mga nakipaglaban sa halimaw at ang mga tao parang nanunuod ng pelikula. Biglang lumipad ang dalawang nakipaglaban sa halimaw. "Sh*t! Ang lakas niya!" sigaw nung isa na nakikipaglaban sa halimaw at nahihirapang tumayo. Mukhang malubha atah ang kalagayan niya kaya lumapit ako sa kanya. "Uhmmm... Ayos lang po ba kayo?" tanong ko sa kanya. Nagulat naman siyang makita ako at nagtatanong ang mukha niya kung bakit ako nandidito. "Bakit ka nandidito! Doon ka sa mga tao! Umalis ka dito, delikado dito!" sabi niya hanggang tuluyang tumayo pero paika ika pa din at tumalon para lumipad. Eh? Di ba ako pwede dito? Feeling ko na hurt ako sa sinabi niya kasi outsider ako sa simula pa lang di ako taga dito. Lumakad na lang ako paalis sa pwestong iyon nang biglang tumama sa isang building ang isa sa mga lumaban sa halimaw kanina. Napakunot ang noo ko nang makita na unti unting nahuhulog ang mga semento galing sa building at nandoon ang mga tao sa baba. Kung mahuhulugan sila nun tyak na mamamatay sila. Marami ng tao sa Underworld at ayokong sumakit na naman ang ulo ni Tito Hades dahil maraming papasok na kaluluwa doon. "Waaaaaa!!!!" sigaw ng mga tao at nagtatakbuhan. Inilagay ko ang bag ko sa gilid at ginamit ko ang natutunan ko kay Tita Athena at binalik ko sa dati ang building at mabilis akong lumipad na parang kidlat papunta sa kung saan tumama yung lalaki. Nakita ko na nahihirapan siyang gumalaw at nagulat siyang nakatingin sa akin. "S-sino ka," nahihirapang tanong niya sa akin. "Ako na po ang bahala sa inyo." At inakay ko siya at mabilis na bumaba sa lupa at pinaupo sa lupa. "Bakit po may halimaw dito?" tanong ko sabay pagaling sa kanya. Di ko alam pero isa din ito sa itinuro ni Tito Apollo sa akin na magpagaling. Sabi nila gifted daw ako at nag iisa lang daw ako na merong ganitong kapangyarihan at wag na wag ko daw itong ipagsasabi sa iba. No problem naman ang mukha ko ngayon dahil naka disguise ako. "Bigla bigla silang sumusugod. At mamaya ko na lang ikukwento kailangan naming mapatay ang halimaw na yan." At akmang tatayo siya na agad ko naman siyang pinabalik sa pag upo di pa siya magaling. "Ako na po ang bahala." Hinawakan niya ang paa ko. "Di mo siya kaya." "Kaya ko po siya," sabi ko at agad tumalon nang napakataas at lumipad ako at isang pitik lang gamit ng hangin pinutol ko ang ulo ng halimaw at sanay na sanay na ako noon pa na pumatay ng halimaw. Teka at may nakalimutan ako. Mabilis akong bumalik sa kinauupuan nung lalaki. Gulat na gulat siyang nakatingin sa akin. "Uhmmm.. Secret lang po natin ang lahat ng iyon po ha," nakangiting sabi ko at kumindat sa kanya. At naramdaman ko na papalapit na ang mga kasamahan niya kaya nagpaalam na ako at nawala sa harapan niya kinuha ko ang bag at parang wala lang nang lumakad ako. Nakarating ako sa Akademiang iyon at maganda naman parang palasyo nga tingnan, di ko alam kung academia ba talaga iyon o palasyo. Lumakad ako at napahinto ako nang makita ko ang napakalaking barrier ng school at nasasakop niya ang boung school baka di siguro makapasok ang mga masasamang kalaban. Teka paano ba ako makakapasok dito? "Uhmm... May tao po ba dito?" sabi ko sabay katok. Napansin ko na may lalaking naka salamin ang nakatingin sa akin at may dala siyang libro. Habang tinitingnan ko siya parang nakaramdam ako ng kakaiba. Unfamiliar ang nararamdaman ko ngayon. Napahawak ako sa dibdib ko na kay bilis ng t***k ng puso ko. Tiningnan ko siya at lumalakad siya papalapit saakin. Nireview niya lahat ng natutunan niya nang maalala niya ang sinabi ng Tita niya na si Aphrodite. 'Makikita mo ang beloved mo pag maramdaman mong ang bilis ng t***k ng puso mo, tapos nang iinit ka yung lumalabas ang pawis sa noo mo, then yung gusto mo siyang hawakan at yakapin. At yung parang nagslowmo lahat ang nasa paligid mo tapos di mo siya matingnan sa mga mata niya dahil nahihiya ka,' paliwanag niya saakin. Tumango tango naman ako. 'Teka Tita Aphrodite ano po ba talaga ang meaning ng beloved,' napangiti siya ng tanungin ko iyon. 'Beloved yun ay ang kalahati mo sa buhay at kapartner mo, mahal mo at pinapahalagahan mo lahat ng nilalang na nabubuhay sa mundo may beloved at alam ko na meron ka rin at makikita mo iyon sa ibang lugar.' Tumango tango nalang ako sa sinabi niya. At lahat ng sinabi niya ngayon ay nararamdaman ko at nasa harapan ko na siya ngayon. Ibig sabihin ang lalaking nasa harapan ko ay ang beloved ko. Sigurado ako maging masaya si Tita Aphro dahil nakikita ko na ang beloved ko na sinasabi niya. At di ko inexpect na ganito kagwapo ng pares ko. Pero malalaman ko din na totoong beloved ko siya pag same kami ng nararamdaman ganun din ang nararamdaman niya sa akin. Mararamdaman din niya ang nararamdaman ko pero ayon sa nakikita ko mukhang wala siyang emosyon at di nakikita na same kami ng feelings. Namali atah ang explaination ng Tita Aphro ko. Nagteleport ba siya o sadyang natulala lang ako sa kanya. Iba kasi ang beauty niya pambihira ang kagwapuhan niya. "Who are you," malamig na ani niya sa akin at napaiwas naman ako ng tingin di ko siya matingnan ang gwapo niya sa paningin ko! "Uhmm... Transferee po," sabi ko habang di pa din nakatingin sa kanya. Binuklat niya ang librong hawak niya at di ko alam kung tinitingnan pa ba niya ako o sa libro siya nakatingin. Waaaa kailan ba ito matatapos? Pwede papasukin na niya ako sa loob kasi ang init kasi dito sa labas baka maitim ako dito. Grabe ang pollution dito. "Look at me," nanlaki ang mata ko at dahan dahang tumingin sa kanya at nakita ko ang nakaka akit niyang mga mata. 'Waaaa!!!! Tukso layuan mo ako!' ******** LMCD
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD