Makalipas ang sampung taon at nalalapit na ang kaarawan ni Serenity at mag 20 taong gulang na siya at yun din ang araw na aalis na siya at hindi niya alam ang tungkol doon. Dahil boung buhay niya isinekreto iyon ni Zeus.
Pero ngayon tinipon ni Zeus ang lahat ng Gods at Goddess para sabihin ang tungkol sa pag alis ni Serenity sa Olympus.
"Ano kaya ang balitang sasabihin ni Zeus?"
"Oo nga parang masama ang kutob ko sa nangyayari ngayon."
"Sam tayo parang nagdadalawang isip nga akong pumunta dito."
Puro bulong bulungan ang maririnig sa meeting room dahil sa pagtatawag ni Zeus sa boung Gods and Goddess ng Olympus.
"Nandidito na ba ang lahat?"
Maririnig ang pag echo sa boses ni Zeus sa boung meeting room na kinatahimik nilang lahat. Tiningnan ni Hermes ang boung listahan at mukhang kompleto na silang lahat.
"Nandidito na lahat."
"Okey, kaya ko kayo pinatawag dito dahil dumating na ang taon kung kailan pababain na natin si Serenity sa Olympus."
Natahimik ang lahat ng mga nandoon dahil sa sinabi ni Zeus. Na akala nila na nagbibiro lang si Zeus. Tumayo si Hera na kinatingin nila.
"Wag kang magpapatawa, Zeus. Di magandang biro ang sinabi mo."
"Di ako marunong magbiro at alam mo ang bagay na yan, Hera."
"Di kami papayag, Zeus!"
Di na din mapigilan ni Aphrodite na maging emotional sa nangyayari.
"Zeus! Bakit! Napamahal na siya sa amin! Bakit mo pa siya ibababa sa mundong iyon? Magulo doon dito masaya siya dito."
Naiiyak na din na sabi ni Hera dahil sa narinig kay Zeus.
"Yun na ang huling pasya ko."
At ang pasyang iyon ay hindi pwedeng di niya susundin dahil utos iyon ng lumikha sa kanilang lahat.
"Bakit hindi ba napamahal sayo si Serenity?" galit ni Athena sa kanya.
Tiningnan ni Zeus ang lahat ng Gods at Goddess sa paligid niya.
"Wag niyong kwestyunin ang pagmamahal ko sa batang iyon dahil simula bata pa siya inalagaan at minahal ko na siyang parang totoo kong anak. At mahirap din sa akin na gawin ang mga bagay na iyon dahil kahit ako ayokong mawalay siya sa akin."
Nagulat ang ilan sa sinabi ni Zeus at nakita nila na nagka emosyon ang malamig na mukha nito.
"Bakit ano bang dahilan mo bakit mo ba siya ipababa sa mundong iyon?"
Tanong ni Poseidon kay Zeus kasi di niya alam kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit kailangan pababain si Serenity doon.
"Dahil yun ang nakasulat sa tadhana niya. At yun ang nakasulat sa nagpadala sa kanya sa atin at yun ang kanyang Ina."
"All this time. Itinago mo sa amin ang tungkol sa katauhan niya at sa pag alis niya!"
Natahimik na lang si Zeus sa sinabi ni Hera at di na pinansin ang sinasabi nila.
Sa Garden ng Olympus ay nakatingin lang si Serenity sa mundo kung saan nakatira ang mga mortal at immortal na kung saan makikita ang mundong tinatawag nilang Earth.
Kinuwento na sa kanya ng kanyang Tito na si Hermes ang tungkol sa mundo na iyon marami daw magagandang lugar doon at nalibot na nito ang boung mundo.
"Gusto ko ding pumunta diyan at gusto kong makita ang mga sinasabi ni Tito Hermes," mahinang ani niya at pilit na inaabot ang mundong iyon pero di niya abot. Mahinang natawa na lang siya at napailing iling at napabuntong hininga na lang siya at tumalikod at napagpasyahan na bumalik sa Olympus Palace at panay bati sa kanya ng mga palace Guards at nginitian at binati din niya ang mga ito nang mapansin niya na kahit isang Gods at Goddess ay wala siyang makita.
Lumapit siya sa isang gwardya para magtanong.
"Nasaan silang lahat?"
"Nasa meeting room silang lahat kasi pinatawag sila ni God Zeus."
"Ganun, sige pupunta na lang ako doon."
Nang makarating siya sa lugar kung saan nagtitipon tipon ang mga Gods at Goddesses.
Pagbukas niya ng pintuan nakita niya na nagtatalo ang mga ito.
"Ano ba!" sigaw ni Zeus sa lahat na kinahinto nila sa pagtatalo.
Tumulo ang luha ni Serenity ayaw niya kasing makita na nag aaway away ang mga ito. At ayaw niyang makita na nagsisigawan at nag aaway sila dahil di siya sanay.
Di niya napansin nakita pala siya ni Apollo.
"Serenity."
Natahimik ang lahat ng Gods at Goddess nang makita si Serenity na nakatingin sa kanila.
"Nag aaway po ba kayo?"
Naiiyak na tanong niya. Napatingin silang lahat kay Serenity at gulat sila nang makita ito. Baka narinig nito ang sinasabi nila.
Agad lumapit si Hera kay Serenity at niyakap niya ito para patahanin.
"Wag ka nang umiyak, Sweetheart."
"Nag aaway kayo eh."
"Hindi kami nag aaway.... Serenity. Nag uusap lang kami. Ganyan lang talaga kami mag uusap nagsisigawan para magkarinigan kami."
Palusot na sabi ni Poseidon at tumango tango naman ang iba.
"Talaga?"
"Oo kaya wag ka nang umiyak." nakangiting sabi ni Artemis.
Tumango na lang si Serenity at tumingin kay Zeus na nakatingin sa kanya na may malungkot na expression at nakikita niya na may gusto itong sabihin sa kanya na importanteng importante. Lumakad sila pero huminto si Serenity sa harapan ni Zeus.
"Bakit po, may sasabihin po ba kayo, Tito Zeus?"
"Oras na para malaman mo ang isang bagay."
Natigilan ang lahat dahil sa sinabi ni Zeus. Napatayo sila at may planong pigilan ang sasabihin ni Zeus.
"Zeus," mahinang sabi nila na parang pinipigilan nila itong magsalita.
"A-ano po iyon?"
Nakaramdam ng kaba si Serenity dahil sa narinig na parang ang sasabihin ng Tito niya ay ang makapababago ng hinaharap niya.
"Wag mo ng aalahanin iyon--"
Naputol ang sasahin ni Hera nang biglang nagsalita si Zeus.
"Pagkadating ng ika-20 kaarawan mo ay aalis ka na sa Olympus at ipapadala ka na namin sa Earth."
Natigilan si Serenity sa sinabi nito at biglang tumulo ang luha niya na hindi niya napansin.
"P-po?"
Napatingin siya kay Zeus at sa ibang Gods at Goddess na nakatingin sa kanya.
"All this time ay ayaw niyo pala sa akin? Hindi naman po matigas ang ulo ko sinusunod ko naman po ang lahat ng mga sinasabi niyo, bakit niyo po ako papaalisin?!"
Agad lumapit si Poseidon sa dalaga at hinawakan nito ang pisngi ni Serenity.
"Hindi sa ganun, Serenity. Nasa kapalaran mo na mapunta ka sa mundong iyon."
"K-kung makakapunta ako doon... Ibig sabihin di nako makakabalik dito. Di ko na kayo makikita muli."
Napayuko silang lahat sa sinabi ng dalaga. At lumapit si Zeus sa kanya.
"Makakabalik ka rin dito pagdating ng panahon. At kailangan mo ding maranasan ang buhay sa mundong iyon. Naintindihan mo ba Serenity?"
Tiningnan niya si Zeus at tumango. Wala naman siyang magagawa dahil yun ang kapalaran niya na malayo sa kanilang lahat.
"Wag kang umiyak. Wala akong inaanak na umiiyak."
Napatingin si Serenity kay Ares na nakatingin sa kanya. Pinunasan niya ang kanyang luha at bumuntong hininga.
"Sige po, papayag na ako."
Kaarawan na ni Serenity at nagsasayahan silang lahat. Pagkatapos ng gabi ng kaarawan niya ay ang pag alis niya.
"Masaya ka ba?"
Di niya napansin ang Tito Hades niya sa gilid niya dahil malalim ang iniisip niya. Tumango ang dalaga at tiningnan ang paligid na nag iinuman kahit di naman nalalasing dahil mga may dugong Gods.
"Hindi iyon ang sinasabi ng mga mata mo."
Natawa naman siya sa sinabi ng Tito Hades niya.
"Sana di niyo na lang po tinanong, Tito Hades."
"Pinapatawa lang kita," napangiti si Serenity at yumakap sa Tito Hades niya.
"Nandyan lamang kami sa puso mo at ginagabay ka namin sa tamang landas."
"Salamat po."
"Just enjoy this night."
Tumango na lang si Serenity at kahit walang emosyon niyang sinabi iyon nakakagaan pa din iyon sa pakiramdam ng dalaga.
Niyakap pabalik ni Hades si Serenity. Para na din niyang anak ang dalaga.
"Mamimiss kita, Tito Hades."
Napatingin siya sa orasan at malapit na siyang umalis.
"Serenity, ito malaki ang maitutulong nito sayo." napatingin si Serenity kay Hermes sa gilid. Napatingin naman siya sa papel na hawak nito.
"Ano po ito?" kinuha naman niya ang papel at tiningnan.
"Teka mapa?"
"Diyan ka pupunta pagka lapag mo sa mundong iyon. Sana maging maayos ka. Once maging traveler ka enjoyin mo lang wag kang mamroblema sa kung saan ka mapunta dahil ang tadhana ang magtuturo sayo sa tamang daan na pupuntahan mo." malalim na sabi nang Tito Hermes niya. Tumango naman ito at niyakap ang Tito niya.
"Salamat Tito."
Napatingin si Serenity sa paligid.
Napailing iling siya at tumingin sa mga Gods, Goddesses at ibang nilalang na nakasama niya simula nung tumira siya dito.
Nagsasayahan silang lahat at kinalimutan ang mangyayari mamaya.
Habang nagsasayahan sila na aalala niya lahat ng mga pinagdaanan niya dito sa Olympus.
Magsisimula ito sa mga kaibigan niya na pinaramdam sa kanya ang tunay na kahulugan ng kaibigan at paano pahalagahan ito.
Pagkatapos sa mga Gods at Goddesses na tinuring niyang parang tunay na din niyang mga magulang.
Magsisimula iyon kay Tito Apollo niya. Tinuruan siya nito kung paano maging kontento at maging masaya lang wag maging nega.
Natawa nalang siya dahil yun ang ugali nun.
Sunod ang Tito Hermes niya na lakbayin mo ang boung mundo habang nabubuhay ka pa at pahalagahan mo ang lahat ng nilikha ng may kapal.
Ang Tito Ares naman niya sinabi sa kanya na wag puro mahina ang ipapakita mo sa kanila kung meron mang ibang umaapi sayo labanan mo agad dahil may karapatan ka na ipagtanggol ang sarili mo lalo na't mga kaibigan mo ay nalagay sa panganib.
Sunod naman ay ang Tita Artemis ang sa kanya naman ay kahit babae ka dapat protektahan mo ang sarili sa iba at ipaglaban mo na kahit babae ka marunong kang lumaban sa mga naninira sayo.
Sa Tita Aphrodite naman niya maging mabait parate kung maganda ang iyong panlabas dapat mas maganda din ang iyong panloob na katangian dahil kung maganda ka naman at pangit ang iyong ugali ay wala padin silbi.
Sa Tita Athena naman niya gumawa ka nang marami pang magagandang bagay na makakatulong sa ibang tao wag maging makasarili at gumawa ka nang maraming magagandang alaala sa kanila habang nabubuhay ka pa.
Ang kay Tita Hera naman ay mahalin mo din ang kung sino ang nagmamahal sayo ng totoo. Kahit iba na ang pinapakita nila mahalin mo padin sila kahit nasasaktan na sila alam mo ang lahat ng nilalang ay magsisisi sa kanilang kasalanan.
Ang sa Tito Hades naman niya ay pahalagahan ang lahat ng mga nabubuhay dahil maswerteng nilalang lamang ang nakakatanggap ng ganun.
Ang kay Tito Poseidon naman niya ay parateng maging positibo sa lahat ng pangyayari sa buhay wag mag isip ng nakakasama sa iba.
At sa huli tinuruan din siya ni Tito Zeus niya kung paano mamili ng desisyon na makakatulong sa lahat ng mga nilalang. Kahit masakit na sayo eh kung makakatulong naman sa iba i sasakripisyo mo nalang iyon para sa kanila.
Biglang tumunog ang orasan at napatingin sila lahat sa orasan at tumingin na rin kay Serenity dahil ito na ang oras para umalis na siya sa mundong kinalakihan niya.
Tanging ngiti na lang ang ginawad niya sa lahat at di nila pinakita na nalulungkot sila dahil mahihiwalay na sa kanila ang batang inalagaan nila ng 20 taon at napamahal na sa kanila at tinuring na parang anak.
"Salamat sa inyo at paalam." nakangiting sabi niya at nagulat siya nang niyakap siya ng lahat na nandoon doon lumabas na naman ang kanyang luha.
"Our Baby, mag ingat ka doon!" umiiyak na sabi ni Hera at ganun din ang iba.
"Mamimiss ko kayo at pangako tatapusin ko agad ang misyon ko para makita ko ulit kayo."
Tumango tango silang lahat at huli ay tumingin siya sa Tito Zeus niya na nakatayo sa di kalayuan at malungkot ang mukha nito.
Tumakbo siya papunta sa Tito Zeus niya at niyakap niya ito.
"Mamimiss din kita, Tito Zeus."
"Mamimiss din kita, our precious Serenity."
****
LMCD22