Chapter 18

1101 Words
Yona POV* Kainis naman tong buhay na toh di namin alam kung bakit kami dinakip ng mga panget na toh. How dare them na hawakan kami! "Pakawalan niyo nga kami wala naman kaming masamang ginawa ha! At pwede ba pagalayain niyo na kami!" galit na sabi ni Lou. Kahit kailan ang init ng ulo niya. "Di ko talaga alam na may kapangyarihan din pala ang mga tao." nagtatakang tanong ni Jin. Isa pa toh oh kanina pa paulit ulit tinatanong ang tungkol sa bagay na yan. "Di niyo ba nagagamit ang kapangyarihan niyo? Eh kasi ako hindi eh." sabi ko sa kanila. Umiling din naman sila at sabay kaming tumingin kay Primo na nakapikit. Nako nagawa pa niyang matulog. Bakit always kalma ang isang ito? "Primo, nakatulog ka pa sa nangyari sa atin? Grabe lodi ka talaga Primo!" sabi ni Arch. "Tumahimik ka nag iisip ako." malamig na sabi nito na kinalunok namin. Nako naman pambihira kase tong si Arch ang kati ng dila. Sinamaan ni Lou si Arch ng tingin at tinapakan ang paa nito na kinaigik sa sakit. "May naramdaman akong malakas na enerhiya na nandidito sa palasyo." sabi nito habang nakapikit pa din. Teka kaninong enerhiya yun sana di siya kalaban. "Anong klaseng kapangyarihan, Primo?" tanong ni Lou. "Disguise.." Eh? Disguise meron bang ganun? Biglang bumukas ang pintuan at may pumasok na sampung kawal at agad kaming hinawakan. Di pa din kami makagalaw dahil sa manhid ang mga katawan namin. "Saan niyo kami dadalhin!" sigaw ni Lou. At may dalawang nakahawak sa aming mga babae. Pero di siya pinansin. Louise POV* "Ang mga lalaki ay ipunta sa killing room at ang mga babae ay paliguan at pagandahan niyo ng maayos." nanlaki ang mga mata namin. Teka mukhang iba atah ang pagkasabi nila ha. Parang may masama akong nararamdaman. "Sh*t! Get off of me! Ayokong mamatay na Virgin!" sigaw ni Arch. "Bitiwan mo ako!" sigaw na din ni Primo. Wala kaming magawa kundi magpadala na lang dahil di naman gumana ang kapangyarihan namin at parang mortal na tao kami ngayon. "Louise!!! Sh*t!!!" rinig kong sigaw ni Arch. Teka minumura niya ba ako? "Naghahanap ka ba ng away Arch! Wag mo kong idadamay kung virgin ka pa." sigaw ko din sa kanya kasi narinig ko siya kanina. Di ko na siya nakikita dahil pinapalayo na kami sa mga lalaki. "Mag iingat ka! Ililigtas kita... Kayo ililigtas namin kayo!" sigaw nito na kina bilis ng t***k ng puso ko. Teka anong mali sa sinabi niya ganito mag react ang puso ko ang OA naman atah? "Ikaw din Panget! Ay este kayo pala maghihintay kami!" sigaw ko din. "I smell something ha." Mahinang sabi ni Rika. "Eehhh!!! Teka ano ba talagang gagawin niyo sa amin!" naiinis na sabi ni Yona. "Oo nga! Mga tao kayo at wala kayong kaya sa amin!" sigaw din ni Rika. Biglang napahinto ang nga humawak saamin. "Bakit di kayo makagalaw?" natatawang sabi nung isang lalaki. Natahimik naman kami at nagpatuloy sa paglalakad hanggang dinala nila kami sa isang kwarto. Napalunok ako dahil sa naiisip na gagawin nila sa amin. "Sana makaligtas tayo dito." mahinang sabi ko na lang di pa din kami makagalaw. Serenity POV* Nagkatinginan kami ni Zack nasa likuran namin ang isang gwardya. Nakita niya kami!!! Isip Serenity! "Anong ginagawa niyo dito!" sigaw nito. Agad akong humarap sa kanya. "N-nawawa kami sa mga kasamahan namin." matanda na pagkasabi ko. Kumunot naman ang noo nito na parang di naniniwala sa sinasabi namin. "Iho, maaari mo bang ituro kung nasaan ang lalagyan ng mga prutas baka nandoon ang mga kasamahan namin." napatingin ako kay Zack at muntik na akong matawa. Natanggap na siguro niya na matanda ang role niya ngayon. Napatingin kami sa dumating na kasamahan niya. "Bakit nandi dito ang dalawang matatanda na yan. Nasa fruits room ang mga kasamahan niyan." sabi nung kakadating lang. Woah save by the another guard! "Nawala daw sila eh." sabi naman nung isa. "Sige ituro mo sa kanila ang daanan." sabi nito at tumango naman ito at lumapit sa amin. Mabuti dumating ang kasama niya. "Sumunod kayo saakin." utos niya. Tumango nalang kami at lumakad na kami. Luminga linga ako baka makita ko sila o maramdaman nang biglang may narinig akong sumisigaw. "Bitawan niyo kami!" rinig kong sigaw ni Rika. Nagkatitigan kami ni Zack. Gumawa ako ng isang pusa at agad kong pinatakbo at nambasag ng mga vase na kina alerto ng kasama naming gwardya. "Sh*t! Kayong dalawa dumiretso kayo doon." sigaw nitong sabi at tumakbo sa kung saan pinakawalan ko ang pusa. "Oras na." sabi ko nang mawala ang gwardya sa harapan namin. Iniba ko ang itsura namin naging panget na gwardya kami at ginaya ang damit nila. Tumakbo kami at hinanap hanap namin kung saan nanggagaling ang boses pero wala na ang mga boses. Sana ayos lang sila. Pumikit ako at sinubukan kong kumunekta kay Shin. At nakita ko nga sila at sila ang nasa delikado na sitwasyon. "Ikaw na ang bahala kina Rika, Lou at Yona at ako na kina Shin, Jin at Arch." sabi ko at tumango naman siya at tumakbo na kami. Habang tumatakbo mas binilisan ko ang takbo ko hanggang makarating ako sa isang panget na bahay at inilibot ko ang paningin ko at dahan dahan na pumasok. Inilibot ko ang paningin ko at nanindigan ang balahibo ko dahil nakikita ko ang mga bungo na paligid. Gusto ko atang umatras. Waaahhh Tito Hades change naman tayo ng location! Sanay ka sa ganito eh! Nanginginig ang mga paa ko na umatras nang... "Aaaaaaaahhhhhh!!!!" napatingin ako sa pinakadulo na pintuan. Boses iyon nila Jin at Archer. Napalunok ako at pumikit. "Serenity, kailangan maligtas ang mga kaibigan mo. Kailangan talaga! Kainin mo muna ang takot mo." pangungubinsi ko sa sarili. At nagmulat ako at biglang gumalaw ang mga paa ko ang lakad ay naging takbo. Di ko pinansin ang mga nasa paligid ko makapunta lang ako doon sa pintuan hanggang sa sinipa ko iyon na kinatalsik ng pintuan at napatingin ang lahat saakin. Opppss... Nalakasan ko atah sa pagsipa. "Bakit mo sinipa ang pintuan, Juan!" sabi ng isang gwardya. So Juan pala ang pangalan sa na copy na mukha ko dito. Lumakad ako at nakita ko na nakatali silang tatlo at may lava sa ilalim na paghuhulugan nila. Paralyze pala ang katawan nila kaya nahihirapan silang makagalaw. Napatingin ako kay Shin na nakatingin saakin. At nakakunot ang noo niya. Nginitian ko siya na kinakunot ng noo niya. Kailan ko pa kaya makikita na ngumiti ang Hottie ko. Ngiti ka naman kahit hindi ako ang kaharap mo. Wala na mukhang suko na ako sa ngiti niya. ***** LMCD
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD