Chapter 19

1187 Words
Serenity POV* Lumapit saakin ang isang gwardya. "Di bale na yang ginawa mong pagsira sa pintuan simulan na natin silang patayin." sabi nung kumausap sa akin kanina. Ngumiti ako at tumango at nakita ko ang paglunok ni Arch at Jin pero si Shin di ko mabasa titig na titig pa din siya sa akin. Don't tell me nainlove siya kay Juan! Waaaa! Wag sa lalaki! Yaoi na toh! Lumapit kami sa isang machine baka ito siguro ang gagalaw sa kanila papunta sa lava. Agad may pinindot ang lalaking iyon sa machine at biglang gumalaw ang lubid ng dahan dahan. "Ayan..." patay! Paano toh ngayon... Biglang may pumasok na isang gwardya. "May nakapasok hulihin natin!" sabi nung kakadating lang. "Sige. Ikaw na bahala dito, Juan." tumango nalang ako mukhang close atah kami ni Tadhana ha. Nag wave ako at umalis na yung kasama ko. Kami nalang ang naiwan dito. "Pakawalan mo kami! F*ck!" sigaw ni Arch. Grabe makamura ha. Malayo layo pa naman sila sa lava. "Gagawin namin ang lahat!" sagot naman ni Jin sa gilid. Napangiti ako at umiling iling. Mukhang pagtitripan ko muna sila. Mukhang may naisip akong ideya. "May mga itatanong muna ako sa inyo at sagutin niyo ng maige. Sino ang mga crush niyo ngayon." sabi ko. Bwaahahahaha... Alam na this pati sila gulat na gulat sa tanong ko. Sino bang matinong tao na magtatanong ng ganun. Ahhh basta! "Baliw ka ba? Wala kaming oras sa mga ganyang bagay." sigaw ni Arch. "Hmm... Mabuti nga na masabi niyo kung sino ang gusto niyo bago kayo mamatay. Para alam nila na gusto niyo sila." "Baliw ka na talaga..." naiiling na sabi ni Jin. "Ahh okey..." pinindot ko ang button na may nakalagay na X2 at biglang bumilis ng kaunti ang galaw ng lubid. "Sh*t!!! Aamin na!" sigaw ni Arch. Napangiti ako sa sinabi niya. "G-gusto ko si Louise!" mahinang sabi nito pero naririnig ko naman. "Ano?" pauulit ko sa kanya. "Binge ka?" "Ah ganun..." pipindutin ko sana nang sumigaw siya. At lihim akong tumawa. "Si Louise nga! Paulit ulit." sigaw niya. Oh... Halata naman na magkakagustuhan sila dahil para silang aso at pusa sa pagbabangayan. Napatingin ako kay Jin. "Ikaw" tanong ko. "Yona." sabi nito agad. Tumango tango naman ako. Napatingin ako kay Shin. "Ikaw sinong gusto mo." tanong ko. Sana ako nalang... Pero kung meron mang iba ay masakit iyon sa akin na may iba siyang iniibig. "None." malamig na sabi nito. Makikita sa mukha niya na totoo ang sinasabi niya. Wala talaga... "Sh*t! Umamin ka na Primo. Madedehado tayo nito eh! Baka matuluyan tayo niyan!" agad na sigaw ni Arch. Nakayuko akong pinindot ang isang button at pinababa naman sila. Ginamitan ko sila ng isang mahika na makakabalik sa kanila sa dati. Nakita ko na nakakagalaw na sila ng maayos. "Nandito na kami! Tayo na alis na tayo." agad na sabi ni Zack at dala na niya sila Lou. At di pa din nagbabago ang itsura niya. Kaya binalik ko ang totoong mukha namin sa dati. "Teka! Serenity at Zack!!" gulat na sigaw nila. Ngumiti nalang ako. "Teka paano kaya napunta dito?" agad na tanong ni Lou. "Mahabang estorya. Mamaya na namin ikukwento." sabi nalang ni Zack. Agad naman lumapit si Jin at Archer sa akin. At dinala ako sa di kalayuan na kinagulat ng mga kasamahan namin. "Wag mong ipagsasabi ang sinabi namin sa iyo kanina ha." sabi ni Arch. Lumayo ako sa kanila ng kaunti. "Depende." sabi ko at humarap sa iba. "Tayo na." walang ganang sabi ko at umunang lumakad. "Sinong may sabi na makakaalis kayo?" sabi ng isang boses sa likuran namin. Nakita namin ang hari. Makikilala naman agad siya dahil may korona ito. May mga kawal ito sa paligid niya na nakahanda na sa paglaban. Aatake sana kami nang may biglang pumagitna na isang matandang lalaki at may malaki siyang sumbrero at agad nilabanan ang mga gwardya at nakanganga akong nakatingin sa kanya. Ang galing niya! Napahinto siya dahil ubos na niya ang mga kawal at ang naiwan nalang ay ang hari. Magpapalabas sana ang hari ng kapangyarihan nito pero agad iyong pinigilan ni Shin. At parang sa hari tumalab ang kapangyarihan nito na di siya makagalaw. Teka yun ba ang sinasabi ni Zack noon na kaya niyang mapabalik ang kapangyarihan sa umatake sa kanya? Wow amazing!!! Nagpalabas ng isang portal si Shin. Teka para saan iyon? "Teka! Ibaba mo ko! Wala kayong karapatan na gawin ito saakin dahil ako ang hari dito." sigaw ng Hari. "Not anymore." malamig na sabi ni Shin bago siya pinasok sa loob ng portal. "Teka saan mo siya dinala, Shin?" tanong ni Zack. "Sa Demon Penal Colony." sabi nito. Demon Penal Colony ngayon ko pa iyon narinig meron palang ganun? "Doon itinitipon ang lahat ng mga masasama at hindi na kailanman magbabago na mga kriminal. Lahat ng mapupunta doon ay masasali sa araw araw na p*****n sa loob." kwento ni Yona. Nakakatakot naman doon. Pero araw araw na labanan? Okey din dun ha. Pero ayoko makakita ng kalansay. "Ehem... At sa mukhang tapos na ang inyong paghahanap maaari na kayong umuwi." napatingin kami sa matandang nagsasalita. Pamilyar ang mukha niya parang nakita ko na. "Po? Uhmm... Hindi pa po namin nahahanap ang matandang---" agad nitong pinutol ang sasabihin ni Arch. "Alam ko. At ako ang hinahanap niyo kaya maaari na kayong umuwi. At susunod nalang ako sa inyo." sabi nito. Bigla nitong pinagalaw ang kamay at isang iglap bigla kaming parang hinigop ng portal at pagmulat ko nasa iisang kubo ako. Nilibot ko ang paningin ko at ang nakikita ko lamang ay si Shin at ang matanda. Teka asan sila? "Asan po sila?" agad na tanong ko sa kanya. "Nandoon na sa Academia ninyo." nakangiting sabi niya. "Teka bakit kami nandidito pa?" tanong ko sa kanya. Tiningnan niya kaming dalawa ni Shin. Ang awkward lang ha. "Dahil kakailanganin ko kayong dalawa sa gagawin ko." "Kayong dalawa ang pinili ko para sa isang mission." mission? Kaming dalawa ni Hottie?! Pero ang katauhan ko! "Po? Eh normal na estudyante lang po ako. Bakit po ako nasama sa missiong ito?" naguguluhang tanong ko. "Sinasabi ng tadhana na kasali ka sa mga mangyayari sa hinaharap. Malaki ang tulong mo na makompleto ang propesiya." seryosong sabi niya. Hala ka. "Propesiya... Ibig niyong sabihin konektado ito sa mangyayaring pulang buwan." seryoso ding sabi ni Shin. Tumango ang matanda. Pamilyar talaga siya sa akin eh saan ko nga ba siya nakita? Tutok na tutok ako sa kanya na kinatingin ng matanda sa akin. "Bakit, Iha?" Teka... Tama naalala ko na! "Teka po kayo po ba ang ama ni Jade?" tanong ko na kinatingin nilang dalawa saakin. Ngumiti siya at tumango. "Ako nga." waaaa!!! "Mukhang nakita mo na ang anak ko." tumango ako. "Ibig po bang sabihin hindi po iyan ang tunay na anyo niyo? Ibig sabihin gwapo din po kayo kagaya kay Jane na maganda" tanong ko pa. Baka talaga gwapo din siya! "Oo. Hahaha nakakatuwa ka." Biglang lumiwanag at isang iglap naging gwapong lalaki na ito at di masyadong matanda. "Woah!!!" "Ako Jonathan ang future teller ng Magica Academia." Woah! Isa siyang future teller! Ang cool! ****** LMCD
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD