Chapter 7

1366 Words
Serenity POV* Maaga palang sa umaga tumatakbo na ako kahit di pa nagpapakita ang araw. Nasasanay na ang katawan ko dahil simula bata pa ako sinasanay na nila ako. Kung tinatanong niyo kung nasaan si Zack isa lang ang masasagot ko sa inyo baka nag one night stand na naman iyon di ko kasi siya nakita sa kwarto niya ganyan kababaero ang anak ni Tito Zeus. Kaya heto ako nagsosolo sa pagtakbo. Habang tumatakbo napatingin ako sa parke ng school nakita ko si Hottie na nag ehersisyo din doon. Bigla nanamang bumilis ang t***k ng puso ko at kinikilig akong tumingin sa kanya. Agad akong lumapit sa kanya. Feeling ko close kami dahil magkaparehas kasi kami! Hehehe ngayon lang ako nakakita ng kaparehas ko. "Good Morning, Hottie!!" masayang sigaw ko. Ang malamig na mukha niya ay naging cold nang makita ako. "You again." Nakangiting tumango naman ako. "Nagehersisyo ka din pala araw araw?! Sabay naman tayo araw araw ano para di ka mabobored sa pag ehersisyo." Di naman siya sumagot. At tumakbo na siya napapout naman ako at nakisabay sa kanya tumakbo. Ngayon ko lang kasi nakasalamuha na katulad ko dahil noon pa man pakiramdam ko naiiba na ako sa lahat. "Hottie, ano ba ang power mo?" tanong ko sa kanya habang tumatakbo. Di naman siya sumagot at nagpatuloy padin sa pagtakbo. "Pwede ba kitang maging kaibigan? Ha pwede ba?" Tanong ko sa kanya at dala ap cute pa sa harapan niya. "No," malamig na sabi niya. "Sige na." Pangungulit ko pa sa kanya. "Will you please shut up and please leave me alone." malamig na sabi niya at huminto sa pagtakbo at napahinto naman ako at pilit ngumiti. Hindi... Hindi ako susuko. "Kahit anong gawin mo mangungulit ako wala kang magagawa." Nakangiting sabi ko. "You're really stupid." sabi niya at nagpatuloy sa pagtakbo at sumunod pa din ako sa kanya. Habang tinitingnan ko ang likuran niya habang tumatakbo at iniisip ko kung bakit parateng mainit ang ulo niya. Baka may problema siya. Ano kaya ang problema niya? Sa kakaisip ko di ko napansin ang ugat ng puno na natamaan ng paa ko kaya ang resulta natapilok ako. Napapikit ako at di lumikha ng ingay. Napatingin si Hottie sa akin at nag acting lang ako na walang nangyari at inayos ayos ko ang sapatos ko at nagpatuloy ulit siya sa pagtakbo at tumayo ako at itatakbo ko sana nang biglang sumakit ang paa ko kaya napaupo ako sa batuhan at hinimas himas ang paa ko. Papagalingin ko sana nang makita ko na lumapit si Hottie. "You're really stupid." Yan na lang ba ang parateng sasabihin niya? "Ayos lang ako. Promise, malayo lang toh sa bituka---" Bigla niyang pinisil ang paa ko na kina igik ko sa sakit. "Ayos lang talaga ha," umiiling na sabi niya. Pinagaling niya ang paa ko at nakita ko na unti unting nawala ang sakit sa paa ko. Ginamot ako ni Hottie. Mas lalo akong nainlove sa kanya at naaamoy ko pa ang pabango niya. Ang bango niya kahit pawisan pa. "Salamat, Hottie," nakangiting sabi ko sa kanya. Di niya ako pinansin at umupo patalikod sa akin. "Eh?" "Sumakay ka," sabi niya. Teka maayos lang ang paa ko. Pero opportunity na toh! Once in a blue moon lang ito nangyayari kaya grab na agad wag ng pabebe. Walang dala dalang isip na sumakay ako sa likuran niya at pinalibot ko ang kamay ko sa leeg niya para mayakap siya. Ang bango niya at ang balikat niya ang macho. Nagulat ako nang bigla siyang lumipad kaya napakapit ako sa kanya ng maayos. Baka ihulog pa niya ako bigla pero di ako nag aalala doon sana huminto ang oras ngayon na yakap yakap ko siya. Namamangha akong napatingin sa ibaba wow ang daming ilaw! "Wow ang ganda," masayang sabi ko. "Hottie, ang ganda ng boung Academia." "....." As usual di siya nag iingay. Niyakap ko siya ng maigi at inilagay ko ang mukha ko sa leeg niya at pumikit ako. Pakiramdam ko na safe ako sa tabi niya. Naramdaman ko na inilapag na niya ako at nasa labas na kami ng dorm building namin. "Pumasok ka na," sabi niya at binaba ako. Tumango ako at tiningnan siya. "Salamat, Hottie," sabi ko sa kanya habang tinitingnan ko ang mga mata niya na nakakaakit tingnan. "Don't call me that," ani niya na kinapout ko. "Eh ano naman ang itatawag ko sayo," tanong ko agad sa kanya. Tinalikuran niya ako. "Shin," tawag ko napahinto naman siya. "Shin na ang itatawag ko sayo. Ayoko ng Primo marami ng tumatawag sayo nun gusto ko ako lang ang may special name na tatawag sayo. Salamat ulit, Shin," sabi ko sabay takbo papasok ng dorm. Ang good ng araw ko ngayon. Nakatingin ako sa guro namin dahil nakaka amaze ang topic ngayon tungkol kasi sa Gods. "May tinatawag tayong Gods and Goddesses na nakatira sa Olympus at mayroon pang mas mataas sa kanila at yun ang tinatawag na Deity of Creation na nakatira sa taas at siya ang gumawa ng lahat at di din mawawala ang Deity of Destruction na nakatira din sa baba." Paliwanag sa amin ng guro sa harapan namin. Narinig ko na ang Deity noon. Ang sabi ni Tito Ares walang kahit sino ang nakakatalo sa Deity of Creation kahit siya. "May tanong ako." Napatingin ulit ako kay Maam dahil sa sinabi niya. "May nakakakita na ba sa kanila o wala pa." Ang sabi nila sa akin di pa nakikita kung ano talaga ang mukha ng Deity kaya wala pang nakakakita. "Wala pa maam," ani ko. "Tama ka, Miss Serenity. Wala pang nakakakita sa kanila." Ano kayang itsura nila noh? Parang ang gaan ng loob ko at naaamaze ako pag Deity na ang pag uusapan na topic? Lumabas na kami at nakita ko na may kaakbay si Zack na babae. Lumapit ako sa kanya at napatigil naman silang dalawa. "Oh! Bakit anong kailangan mo?" sabi ni Zack. "Babe, who's she?" maarteng sabi nung babae. Napakunot ang noo ko at nakangiting lumapit sa kanila at isang iglap hawak ko na ang tenga ni Zack. "Aray aray! Ang sakit!" daing niya. "Uhmm... Miss. Mamaya na lang ulit kayong mag kita ng cassanova na toh okey. Pagsasabihan ko muna toh," sabi ko sabay alis naming dalawa ni Zack doon habang hawak ko padin ang tenga nito. "Bitaw na ang sakit!" daing pa din niya. "Nambababae ka na naman! Tigilan mo na nga ang paglalaro sa mga babae. Gusto mo isumbong kita kay Tito Zeus na nandidito ka?" Maamong tuta naman siyang napayuko saakin. "Sorry na, Serenity. Wag mo kong isumbong please." "Di mo ko madadala sa ganyang estratehiya." "Sige na." Nagpapuppy eyes pa siya. Tiningnan ko siya ng mabuti at nagbuntong hininga. "Pasalamat ka malakas ka sa akin." "Don't worry pag may kailangan ka tutuparin ko agad," nakangiting sabi niya sabay pat sa ulo ko. "Sabi mo yan ha." Tumango naman siya nang napahinto siya dahil may tinitingnan siya. Tiningnan ko naman ang tinitingnan niya at si Louise iyon yung kasama ni Hottie parate. Napatingin si Lou saakin at nakangiting kumaway at iniwan ang dalawang kasama niya na babae at lumapit saakin. "Hello! Serenity!" hyper na sabi niya. Naiilang naman akong mag response sa kanya. Dahil di pa ako sanay na may ibang kumakausap sa akin. "Ang cute! Wag kang mahiya," sabi niya at napatingin ako sa kasama ko na nakatulala padin. Natulala siya sa kagandahan ni Lou. "Lou, bakit mo kami iniwan?" nakapout na sabi ng kasama ni Lou. "Hehehe By the way Yona at Rika this is Serenity siya yung sinasabi ko na tinawag niya si Primo ng Hottie. Bagay sila diba?" nakangiting sabi nito sa mga kasama. "Wow ang ganda mo naman, mala Goddess ang ganda mo." nakangangang sabi ni Rika tulalang tumango tango naman si Yona. Napatingin sila sa kasama ko. "Sino siya Serenity? Di naman siya ang bf mo diba?" tanong ni Lou. Bigla na lang akong inakbayan ni Zack. "Girlfriend ko siya," nakangiting sabi niya. Napatingin naman ako sa kanya. Siniko ko naman siya "Wow God at Goddess ang beauty pero sayang si Primo sana yun eh." nang hihinayang na sabi ni Yona. Sinamaan ko ng tingin si Zack. Pinagsasabi ng lalaking ito? ******* LMCD22
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD