Chapter 8

1430 Words
Serenity POV* Nakatingin ako kay Hottie na tumatakbo. Hinihintay ko siya kanina pa at oras na para tumakbo din ako katabi niya. "Good Morning, Hottie!" masayang sabi ko pero di niya ako pinansin. Mas gusto ko pa ding sabihan siya ng Hottie. "Hottie--" "What's good in the morning?" Napaisip naman ako sa sinabi niya. Ano nga ba... "Dahil maganda ako," sabi ko. Umiling ilig naman siya at nagpatuloy pa din sa pagtakbo na kinangiti ko. Maganda naman talaga ako. "Hmm... Hottie, pwede bang sabay tayong mag lunch mamaya." pakapalan na ito ng mukha. Gusto ko siyang makasabay kumain. Gusto kong bilhan siya ng pagkain. Pero di pa din niya ako sinagot. "Silent means yes. So, see you mamaya, Hottie!" masayang sabi ko. At tumakbo ng mabilis. Dahil kailangan ko pang mag bihis para magtraining. At dahil na din sa kahihiyan na ginawa ko ngayon. Di ko inexpect na nakaya ko yung sabihin sa kanya. Dumiretso ako sa training room dahil mag eensayo kami ni Zack dito na walang nakakaalam. Pagkapasok ko agad na akong napailag dahil itinapon niya sa akin ang bolt of thunder. Agad akong pumasok agad at inatake siya agad ng mabilis. Sisipain ko sana ang mukha niya nang masangga niya iyon gamit ang kamay niya. "Sayang di natamaan ang mukha mo." "Not that fast..." napangiti ako at di niya napansin na ginamitan ko nang sticky liquid sa paa niya at nagpalabas ako ng apoy at tatalon sana siya nang di siya makagalaw dahil sa ginawa ko. "What the..." "Not that fast to escape." Malakas ko siyang sinuntok na kinapunta niya agad sa dingding at lumubog pa siya doon. Napahinga nalang ako ng maluwag. Natawa siya at agad umalis doon at lumapit saakin. "Walang kupas ang lakas mo, Serenity." napangiti ako sa sinabi niya. "Oo nga eh. Sana may makita na akong makakatalo sa akin. Gusto ko siyang makalaban ang taong yun," nakapout na sabi ko. "Grabe ang iba nagtatago pa para di matalo tapos ikaw naghahanap ka na makakatalo sayo." Simula bata pa kasi ako hindi ko na sila natatalo at kahit ang mga Tito at Tita ko ay nahihirapan din sa akin. Ako nga ang favorite kalaro ni Tito Ares di siya titigil hanggang di niya ako matatalo at tatlong araw din kaming naglalaban nun mabuti pinigilan ni Tita Hera at Tita Athena si Tito Ares. "Hmm... Tayo na nga para makapag almusal na ako," sabi ko at umuna na nang lakad. "Psst." Napatingin ako sa kanya. "Bakit nanaman." Nginuso niya ang boung training room at alam ko na ang ibig sabihin niya. Kasi sirang sira ang boung training room na parang dinaanan ng bagyo. Kaya pinitik ko ang daliri ko at isang iglap bumalik sa dati ang lahat. "Una na ako," sabi ko at pumikit ako at nasa dorm na ako. Forward.... Excited akong tumakbo papuntang canteen eh sa sabay kami ngayon ni Hottie! Pagkarating ko doon hinanap ko siya pero mukhang wala pa siya. Asan na kaya yun? Baka may ginagawa pa hihintayin ko nalang siya. Umupo ako sa isang mesang walang estudyante at tumingin tingin ako sa paligid at hinihintay siya. Baka talaga na marami siyang ginagawa o nag eensayo pa. Mahigit isang oras na ako doon kakahintay sa kanya pero di pa din siya dumating. Nang makita ko si Louise kasama ang mga kasama niya. "Lou," tawag ko. Napatingin naman ang mga estudyante sa akin at nakakunot ang mga noo nila. Teka anong nangyayari dito? Bakit ang sama ng mga tingin nila sa akin. "Serenity!!" masayang sabi ni Lou nang makita ako agad silang lumapit sa akin at niyakap ako. "Teka nag iisa ka lang ba o may kasama ka," tanong niya habang tinitingnan ang paligid ko. Tiningnan ko ang likuran nila pero wala ang hinihintay ko kanina pa. Nasaan siya? "Teka sinong hinahanap mo?" tanong ni Yona. "Asan si Hottie? Sabay kasi kaming kakain ngayon eh. Asan ba siya? Sinabihan ko naman siya kanina nung nag jojogging kami," tanong ko. "Si Primo ba? Teka may gusto ka kay Primo?" sabi ni Archer. Kilala ko na ang mga kaibigan ni Hottie kaya wag na kayong magtaka na alam ko ang mga pangalan nila. Binatukan naman siya ni Lou. "Aray! Ano ba anong masama sa tanong ko. s*****a ka talaga," reklamo ni Archery kay Lou. Mukhang malakas kasi ang pagkabatok nun. "Bobo ka kasi obvious naman diba?!" Nag aaway na naman silang dalawa. "Pero akala namin boyfriend mo yung Zack?" sabi pa ni Yona. "Sira ang ulo nun. Kababata ko yun at parang Kuya ko na yun." "Nakita ko si Primo kanina na may kasamang babae at ayon sa nakalap kong impormasyon Fiancee niya iyon." Natigilan ako sa sinabi ni Jin. Nakita kong siniko naman siya ni Rika at sinamaan siya ng tingin nito. "What?" Napayuko ako so hindi siya makakapunta dahil may iba pala siyang kasama at Fiancee niya pa. May nakatadhana na sa beloved ko. Ibig sabihin hindi siya ang beloved ko. "Serenity... Ano kase..." napangiti ako kay Lou. "Ah eh... Hehehe sige una na ako nakalimutan ko may gagawin pa pala ako sa library." Paalam ko at nagmamadaling umalis. Tumakbo ako at di ko alam kung saan pupunta. Bakit parang kumirot ang dibdib ko nang marinig ko na may fiance na siya? Bakit ang sakit? Di ako ininform ni Tita tungkol sa ganito? Masakit sa puso. Napahinto ako sa isang puno at doon umupo. Di ko alam kung ano ang irereact di pamilyar sa akin ang pakiramdam na toh. At may mainit na tubig ang naramdaman ko sa pisnge ko at doon ko nalaman na umiiyak pala ako. Hinawakan ko ang luha sa mga mata ko. Umiiyak ako dahil sa pag ibig... Ito ba talaga ang nararamdaman pag masasaktan ka tungkol sa pag ibig? Kinagabihan... Nag eensayo ako sa loob ng training room gamit ang illusion na kapangyarihan ko. Nalalabanan ko talaga sila dahil iba ang illusion na magagawa ko dahil nahahawakan nila ako at ganun din sila. Di ako gumamit ng kapangyarihan at sipa at suntok ang ginawa ko. Niramihan ko pa ang mga kalaban sa paligid. Gusto ko mawala tong nararamdaman kong sakit sa dibdib ko. Gusto kong ilabas lahat ayokong maramdaman ito. Gusto ko na bumalik ako sa dati yung walang Shin na nakilala. Mabilis akong tumakbo at tinapos ang mga buhay nila hanggang maubos sila. Napaupo ako habang hinihingal. "Malaki atah ang problema mo." Napatingin ako sa nagsalita. "Bakit ka nandito, Zack," sabi ko at umupo sa sahig. Ngumiti siya at lumapit saakin at umupo din sa harapan ko. "Tell me," sabi niya saakin. Tiningnan ko ang mga mata niya. "Masakit dito at ngayon ko lang ito naramdaman. Zack, please tulungan mo kong mawala ang sakit dito." itinuro ko ang puso ko. At mukhang naintindihan niya iyon. "Siya ba?" tumango ako. "May Fiancee na siya. Diba ang Fiancee yun yung magpapakasal na kayo pagkatapos." Tumango siya at niyakap ako at nakikita ko na parang nasasaktan din siya sa nangyayari sa akin. "Marami pang iba jan." "Gusto ko siya at ang sabi ng puso ko na siya lang daw ang mamahalin ko. Parang pakiramdam ko mamamatay ako pag ikinasal na siya sa iba." Napabuntong hininga siya at humiwalay ng yakap saakin. "Beloved eh." "B-Beloved? Magiging beloved ko siya kung ganun din ang nararamdaman niya saakin. Pero hindi eh may Fiancee na siya," nakayukong sabi ko sa kanya. Ayoko ng ganito parang mamamatay ako pag magpatuloy ang pag kirot ng puso ko. "Anong plano mo?" "Ang sabi ni Tita Aphro ipaglaban mo ang lalaking iyon kung mahal mo talaga siya," sabi niya pero pinutol ko ang sasabihin niya. "Pero kung masaya na siya sa piling ng ibang babae ngayon di ko na sila papakealaman," sabi ko sabay tayo at pinunasan ang luha ko at ngumiti sa kanya. Pagod na akong ngumiti bumabalik pa din sa malungkot ang mukha ko. Pakiramdam ko ang down ko parang di na ako aangat. "Alam ko bukas wala na toh. Ayoko maramdaman toh." sabi ko sa kanya at lalakad sana ako nang biglang nanghina ang tuhod ko na kinaluhod ko at sunod sunod na tumulo ang luha ko at di ko iyon napipigilan. "Gusto mo tulungan kita?" sabi niya napatingin naman ako sa kanya bigla siyang lumapit at idinikit niya ang palad niya sa noo ko na kinagulat ko. Mukhang alam ko na ang gagawin niya pero makakatulong ba talaga ang gagawin niya? Pero bakit sinasabi ng puso ko na wag. Ayoko siyang kalimutan. "Kalimutan mo siya at hindi siya makakatulong sa mission mo dito sa mundo na toh," yun ang huling sinabi niya bago ako mawalan ng malay. 'Hottie.. ' ****** LMCD
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD