Chapter 20

1072 Words
Serenity POV* Nakasakay kami ni Shin sa isang napakalaking ibon papunta kami sa isang baryo kung saan pinapahanap sa amin ng matanda ang apat na elemento. Ang elemento ng Apoy, Tubig, Hangin, at Bato. Kakailanganin iyon sa pagsasama sama ng anak ng Deity Queen at anak ng Demon King. Di ko nga alam kung bakit ako kasama sa paghahanap nun eh. Pero ayos nadin iyon dahil kasama ko si Shin. Masaya ako dahil wala na siyang Fiancee at may pag asa na ako. Nakarating kami sa lugar kung saan sinabi ng matanda at ito ang tinatawag nilang Dewford Academia. "Nandidito na tayo." malamig na sabi ni Shin. Tumango ako at tiningnan ang nasa baba napanganga ako dahil ang ganda ng buildings! "Waaa!!! Shin, ang ganda!" masayang sabi ko at bumaba na ang ibon hanggang lumapag kami sa lupa. Bumaba ako at tiningnan ang paligid kahit di kapareho ng itsura sa Academia doon sa amin maganda din naman. "Pumasok na tayo." sabi niya at tumango ako at pumasok na kami. May nakita kaming babae na nakatingin saamin. Pamilyar siya? "Serenity! Mabuti nakarating na kayo!" masayang sabi nito. Napataas ang isang kilay ko. Kilala niya ako? Malamang sinabi niya ang pangalan mo ibig sabihin talaga kilala niya ako. "Grabe nakalimutan mo na agad ako?" nagtatampong sabi niya. Napakunot ang noo ko. Nanlaki ang mata ko nang makikilala ko na siya si Jade! "Jade!!!" masayang sabi ko at niyakap siya ganun din siya. "Serenity!!!" Humiwalay kami ng yakap at tiningnan ang isa't isa. "Mabuti at nakarating na kayo." Una akong napahiwalay ng yakap sa kanya. "Grabe naninibago talaga ako sa mukha mo ngayon hehehe. Matanda ka lang nung unang kita natin." "Oo nga original na mukha toh eh." sabi naman niya. "By the way muntik ko nang makalimutan siya pala si Shin kasama ko." sabi ko sa kanya. "Oh.. gwapo siya ha." napatingin ako sa kanya. Teka may gusto din ba siya kay Shin? "Hmm... Selos ka noh? Hahaha don't worry may ibang Prince Charming ako at sayong sayo na yan." mahinang sabi niya at kumindat. Uminit naman ang pisnge ko dahil sa sinabi niya. Baka marinig ni Shin! "Ehem.." napatingin kaming dalawa ni Jade sa umubo. "Where's the student information office." as usual malamig na sabi niya. Pero nakita ko na mukhang inaasahan na iyon ni Jade. Ngumiti si Jade at nagsalita. "Mainipin ka naman eh! Tayo na nga." sabi nito at nagsimula nang lumakad. Marami kaming pinag kwentuhan ni Jade habang naglalakad at nasa likuran lang namin si Shin. "And we're here!" masayang sabi ni Jade. Napatingin naman ako sa pintuan at kumatok agad si Shin at binuksan. "Excuse me.." magalang na sabi niya. "Oh you two must be the new students come here." nakangiting sabi ng babae na nasa mga 30's na atah ang edad. Umupo kami at tumabi sa akin si Jade habang nasa harapan ko naman si Shin. "Fill this information and you're done." tumango kami at sinulatan na namin. "Miss, sa section ko po sila ilalagay." agad na sabat ni Jade na kinatingin ko sa kanya. "Class E? Why? Mukhang matalino naman sila at may talento---" "Pero hindi po sila ordinaryo katulad ko." agad na sabi nito na kina tingin nito saamin. "It's that true?" alam ba niya kung ano kami? "Uhmm..." "Totoo po na mga anak po kami ng mga hackers." agad na sabat ni Jade. Mahina niya akong siniko agad naman akong tumango. "Opo, opo, totoo po yun." yun nalang nasabi ko. Ganun pala ang ibig sabihin niya di ordinaryo. Akala ko kung ano. "Hmm... I see." "I'm done." sabay lahad ni Shin ang paper sa babae at tumayo na siya. "Saan ka pupunta, Shin?" tanong ko. "None of your business." at umuna na siyang lumakad. Napatingin si Jade sa akin. Mapakla akong ngumiti at ipinagpatuloy ang pagsusulat. Nang matapos napagpasyahan ko na maglibot libot sa boung school. Saan saan ako nililibot ni Jade at doon ko nalaman na malayo talaga sa main building ang Class E. "Matanong ko lang paano mo minahal ang isang katulad ni Shin. Nakikita ko na ang lamig talaga ng pakikitungo niya sayo. Hindi ba minus yun sayo?" Tumingin ako sa kanya at pilit na ngumiti. "Kung mahal mo ang isang tao hindi mo na yun maiisip dahil kung gaano man siya ka negative sa tingin ng ibang tao ay para sa akin kahit anong mali niya ay tatanggapin ko." makahulugang sabi ko. "Paano kung makakita siya ng ibang babae at minahal niya iyon o kaya ayaw niya talaga sayo anong gagawin mo?" Natamaan ako sa ikadalawang sinabi niya. Ayaw niya saakin. "Kung ganun nga ang mangyayari ay ako na ang aalis sa buhay niya at gagawin ko ang lahat maging masaya lang siya kahit ako ay wasak na wasak na ang puso ko." di ko mapigilang lumuha dahil sa sinabi ko kasi nanggagaling ang mga iyon sa puso ko at hindi sa isipan. Niyakap niya ako. Ayan nanaman ang luha ko eh. Lumalabas nanaman! "Nararamdaman kita dahil naranasan ko na iyong nangyari sayo." napatingin ako sa kanya. Kung ganun magkakaintindihan pala kaming dalawa. "Lalaban tayo pero pag wala na talaga ay susuko na tayo para sa kasayahan nila sa iba." yun nalang lumabas sa baba ko. "Ohh... Who's here." agad kaming napapunas ng luha at humarap sa nagsalita. "Kilala mo." tanong ko kay Jade. "Class A students." mahinang sabi niya. Class A... Binubully daw nila ang mga taga Class E yun ang sabi ni Jade. "Maganda atah yang kasama mo. You want to join my group?" sabi ng babaeng nagsalita kanina. Tinuro ko ang sarili ko. "Me?" sabi ko. Tumango siya. "Newbee right? Kung ako sayo sumali ka sa grupo namin at magiging masikat ka sa boung campus IF payag kang makasali ka sa grupo namin." tiningnan ko si Jade at nakatingin siya saakin. "Hmmm... I don't want to." agad na sabi ko na kinanganga nila. "Isa akong Class E student at wala akong oras para sa popularity na iyan sagabal lang yan sa pag aaral ko." sabi ko. "Pagsisisihan mo na hindi ka sumali! Come on girls!" agad nila kaming sinugod at bigla niya akong itinulak at nang mahiga ako agad niya akong sinakyan at sasampalin sana ako ng makuha ko ang mga kamay na umaatake saakin. "What do you think you're doing!?" nangisa sila at agad napatingin sa nagsasalita. "President!" gulat na sabi nila. Agad umalis sa pagkakadagan saakin at tumayo naman ako at nagpagpag. Teka President? ****** LMCD
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD