Chapter 21

1043 Words
Serenity POV* President? Hmmm... Gwapo din naman siya. Tinulungan kong tumayo si Jade at inayos ang damit niya na gusot gusot. "Para kayong mga asong kalye sa pinaggagawa niyo." malamig na sabi nito. Nakita kong nakayuko silang lahat parang pinagalitan ng kanilang magulang dahil sa Student President nila? "Sorry po." sabay sabi ng mga Class A students. "Umalis kayo sa harapan ko." agad naman silang nagtakbuhan. Napatingin ako sa lalaking kakadating lang. "Pasensya na kayo dahil sa inasal ng mga kasamahan ko sa Class A." ramdam ko na tagos sa puso siyang humihingi ng tawad pero naiilang ako sa tingin niya. "A-ayos lang iyon." sabi ko nalang. Si Jade naman tahimik lang. Teka may pagtingin ba siya sa lalaking ito? "Ako nga pala si Gabby ako ang presidente ng Student Council." sabay lahad ng kamay saakin. Tinanggap ko naman iyon. "Serenity ang pangalan ko kaibigan ako ni Jade. Kinagagalak ko din kitang makilala." sabi ko. Ngumiti siya at ganun din ako. "Kailangan ko nang umalis. See you around." sabi niya at tumango naman ako. Alam naman namin na busy talaga ang mga SSG President. Mabait naman pala sila akala ko lahat sila minamaliit ang Class E. "Jade." tawag ko napatingin naman siya sa akin. "Bakit?" malungkot na sabi niya. Tungkol ba yun kanina? "May gusto ka ba sa lalaking iyon?" tanong ko. Nakita ko ang panik sa mga mukha niya nang marinig ang sinabi ko. Natawa nalang ako sa reaksyon niya. "Wag mo nang itanggi. Bagay naman kayo don't worry alam mo naman na may Shin na ako." natawa nalang kami sa sinabi ko parang inulit ko kasi ang sinabi niya sa akin kanina. "Oo nga. Kakainis di man lang ako pinansin ikaw lang. Panget ba ako?" tanong niya. Agad akong napailing napakaganda ni Jade at di siya pangit. "Hindi ka naman ganun sa katunayan nga ang ganda mo." napangiti nalang siya sa sinabi ko. Matapos kaming kumain at kanina ko pa napapansin ang mga tingin nilang kakaiba at di ko nalang pinansin ang mga sinasabi nila. 'Para siyang Goddess.' 'Nagpababa ang panginoon ng isang anghel!' 'Ligawan kaya natin?' Nakakailang kaya!! "Ay muntik ko nang makalimutan may gagawin pa pala ako! Nako ngayon ko pa naalala!!!" nagpapanik na sabi ni Jade. "Ayos ka lang ba na mag isa ka muna. Promise mamaya sasamahan ulit kita." "Nako, ayos lang unahin mo na yung trabaho mo." "Maiwan muna kita ha! Bye!" Ngumiti ako at tumango at tumakbo siya palabas. Importante atah iyon. Nagpatuloy ako sa paglalakad nang mapansin ko ang isang lalaki na kasama ang apat na lalaki at mukhang mga gangster atah sila. Sila yung kinwento ni Tito Hermes na mga hilig mag basag ulo at sila ang mga angas ang dating. "Ang ganda mo talaga, Serenity." sabi nito. Naalala ko isa sila sa mga kaklase ko. "Salamat." sabi ko nalang. "Pwede ka bang ligawan?" nagulat ako sa sinabi nung leader nila. Eh? Mukhang seryoso ito na humihingi ng pahintulot sa akin "Uhmm... Ano kasi..." "Kahit umayaw ka liligawan pa rin kita." sabi nito. Natigilan ako nang may nakita ako sa isang tenga niya. Teka pamilyar ang earing niya. Parang umiilaw yun sa paningin ko. Teka yan ba ang White Stone ng Wind Elements? "Gagawin ko ang lahat mapa oo ka lang." Nakangiting sabi nito sa akin. "Aalis na kami." nakangiting sabi niya at di ako makapagsalita dahil sa pagkakatulala. Nakita ko na ang isa! Hindi sa lalaking yun ang concentrate ko kundi doon sa earings niya. Tumakbo ako para hanapin si Shin pero di ko siya makita. Nasaan na kaya siya? Ay! Bahala na. Tiningnan ko kung saan dumaan yung mga lalaki at sinundan ko iyon. Nakita ko sila at ginamit ko ang invisibility ko at sinundan sila. Naalala ko ang sinabi ng Lolo ni Jade na kailangan ibibigay nila ang bato ng boung puso hindi ko dapat nanakawin. At di nila pwede malaman na may kapangyarihan iyon. Ang hirap diba? Hay napakahirap na assignment toh. Nakarating ako sa isang lumang gusali habang nakasunod pa din sa kanila. Umupo yung leader nila sa sofa habang naninigarilyo. "Ang ganda talaga niya Boss noh? Para siyang Anghel na pinababa dito sa lupa." sabi nung isang lalaki na kasama nila. "Yeah..." "Paano si Kia? Diba gusto mo din siya?" napatingin ito sa kasamahan niya. "Matagal tagal na din yun apat na taon din nyang nililigawan si Kia pero nagpapakipot pa kasi kay Boss." May gusto pala na iba ang Boss nila... Pero bakit sabi niya kanina na ako ang gusto niya? Dahil ba sa itsura ko? "Forget her. Tulungan niyo ko kung paano manligaw ng tama." nagulat ako sa sinabi niya. Tinutoo pala niya? Pero ang problema ngayon paano niya maibibigay saakin ang Gray Stone na yun? Napagpasyahan ko nalang umuwi makikita ko rin naman sila bukas. Nakarating ako sa Academia at napaupo sa may bench doon at tumingin sa kalangitan. "Serenity?!!" napatingin ako sa sumisigaw sa di kalayuan nakita ko si Shin na sumisigaw at pawisan siya ngayon dahil sa kakatakbo. Bakit naman siya tumatakbo? "Waaaaa!!!! Serenity! Andyan ka pala!" napatingin ako sa likuran ko si Jade pala. "Bakit?" "Shin! Andito siya!" tawag niya kay Shin. Nabigla ako nang magteleport siya papunta saakin at hinawakan ang mukha ko gamit ang dalawang kamay niya. "M-may sugat ka ba? Nasaktan ka ba?? Saan ka ba galing? Ano sumagot ka?" natulala ako sa sinabi niya. Siya ba ito? "A-ayos lang ako...." Nakahinga naman siya nang maluwag nang matigilan siya sandali at tumalikod sa amin. "Sh*t!" mahinang mura niya. "Sa susunod wag kang aalis na walang pasabi. Ako ang mananagot kung anong mangyaring masama sayo." malamig na sabi niya at naglakad na siya palayo saakin. "Teka Shin..." pero patuloy pa din siya sa paglalakad. Anong nangyari sa kanya? Galit ba siya dahil di niya ako nakita kanina? Tiningnan ko si Jade at nakangiti siya bago ako inakbayan. "Let's go home." sabi niya at tumango nalang ako. Someone's POV* Nandito ako sa rooftop ng isang building at kitang kita ko sila dito sa aking kinatatayuan. May kakaiba talaga sa bagong mga estudyante. At yun ang aalamin ko. Napatingin ako sa lalaki na si Shin. Napangiti ako dahil unang kita ko pa sa kanya ay nahulog na ang loob ko sa kanya. Gagawin ko ang lahat mapasaakin lamang siya. ****** LMCD

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD