MEBG CHAPTER 2

1289 Words
"How dare you!'' Galit na singhal ko sa kanya pagkatapos niya akong bitawan at bigyan ko siya ng malakas na sampal sa mukha. Nanggagalaiting tinitigan ko siya habang siya naman ay sapo ang kanyang pisnging nasaktan at matalim na nakatitig sa akin. Hinihingal ako sa matinding galit at parang gusto ko pa siyang saktan ng isang beses. Mabuti nalang na kahit marami ang tao sa paligid ay wala man lang nakapansin ng maliit na palabas namin ng lalaking ito. Nakakahiya pa naman kapag may nakakita na hinalikan ako ni Crayon. Marami ang nakakakilala dito sa lugar namin at natatakot ako na malaman ito ng kanyang fiancee at sugurin nalang ako. Hindi ko pa naman nais ng gulo tsaka natatakot akong maungkat ang nakaraan namin ng lalaking ito. Hindi malabong hindi ito alam ng kanyang fiancee dahil kalat na kalat ito sa lugar namin na pinaglaruan at niloko lang ako ni Crayon. Nakakahiya pero iyon ang katotohanan. Tanggap ko naman na iyon. Sabi ko nga nakapagmove on na ako. Natuto ako sa kanya. Ang daming nagtangkang manligaw sa akin ngunit isa man sa kanila ay hindi pinalad. Hindi ko binigyan ng pansin ang ibang lalaki dahil baka maulit iyong ginawa sa akin ni Crayon at mabigo na naman ako sa pangalawang pagkakataon. He wanted me for revenge na dapat sana ay hindi ako ang kinasangkapan niya para makaganti sa kuya ko. Hindi ko na inalam ang rason sa kanya at maging kay kuya ay hindi na. Sapat na iyong malaman ko na laro lang ang lahat. Ang laki ng hinanakit ko kay kuya Jupiter ng mga panahong iyon. Siguro kung hindi dahil sa nagawa niya kay Crayon ay hindi ko makikilala si Crayon at hindi ako mahuhumaling sa kanya. Hindi niya ako lalapitan at paiibigin. Masaya sana ako ngayon at tapos na sa kursong nais ko. Kapiling ko sana silang dalawa ni Mommy at hindi sana ako nabuntis ng maaga. Napahinga ako ng malalim ng maalala ko si Clex. Hindi ko pinagsisihan ang pagdating niya sa buhay ko. Kahit napakalupit ng tadhana sa akin ay hindi ko naisip na isa siyang hadlang sa buhay ko. Mahal na mahal ko si Clex at siyang dahilan ng lahat ng ito. Siya ang pinakaimportanteng biyaya ng Diyos sa akin. At siya ang nagmulat sa akin para lumaban at ipagpatuloy ko ang aking buhay. I've been in hell for so many years but my baby pulled me to that to hell and lead me to this heaven. He is my angel, my strength, my happiness and ofcourse my everything. "Why? Wala na ba akong karapatan na halikan ka?" Ngumisi siya sa akin na tila nang-aasar. Napatiim-bagang ako sa sinabi niya. Gusto ko siyang sampalin ulit. Nakakainis talaga siya! "You don't have the right to do that to me Mr. Diaz! Baka gusto mo talagang kasuhan kita ng harassment?" Nagpupuyos ang loob na sabi ko. Pinahina ko ang aking tinig para hindi kami makaagaw ng atensiyon. Gustung-gusto ko na naman siyang sigawan ngunit nagpigil ako. It's for my own good anyway. "Wow! Mr. Diaz? Harassment? Sa tingin mo may maniniwala sa'yong hinaharass kita? They knew my reputation here Sasa. Alam nilang babae ang lumalapit sa akin." Ngumisi siya sabay pasada ng malagkit na tingin sa katawan ko. Kinilabutan ako sa mga tinging iyon. Pakiramdam ko hinuhubaran ako ng mga mata niya at nakikita niya ang mga itinatago ko. Minamanyak niya ako sa isip niya at sobrang ipinagngingitngit ko iyon. "Hindi mo ba hinahanap-hanap ang mga halik ko Sasa? Ang yakap at mga haplos kong nagpapakilabot sa'yo at ang pagtatalik natin na madalas nating gawin sa condo ko." Napasinghap ako sa walang kiyemeng tabas ng kanyang dila. Napakagago nga naman talaga niya. Bakit kailangan niyang ipaalala ang mga katangahan ko noon sa kanya? Nakakainis isipin na nahulog ako sa mga kamay niya. Kung hindi dahil sa kagustuhan kong magpapansin kay kuya ay hindi sana mangyayari ang lahat ng ito sa akin. Pero bakit ko nga naman isisisi sa kanya ang lahat kung ako naman ang may gustong magrebelde. Dahil sa kapusukan ko ay napahamak ang kinabukasan ko. Magkaganoon man ay malaki naman ang ikinabuti nito sa akin. "Sa totoo lang namimiss ko ang mga iyon...sayang lang dahil kailangan kong putulin ang masasarap na araw na iyon sa kandungan mo." Ngumisi siya ulit ngunit nakita kong nabahiran ng lungkot ang kanyang mga mata. Ewan ko ba pero parang pakiramdam ko may nagpapahirap sa kanya. Ngunit di iyon sapat para hindi ako magalit sa sinabi niya. "Napawalanghiya mo talaga!" Nangilid ang luha ko. Sinugod ko siyang muli ng sampal ngunit mabilis na napigilan niya ang palad ko. Pinilipit niya ito dahilan para impit akong mapasigaw. "Gago ka bitawan mo 'ko! Nasasaktan ako!" Angil ko sa kanya at pilit na binabawi ko ang aking palad. Naiiyak na talaga ako. Ang sakit, napakabrutal naman niya. "Hwag mo ng ipagduldulan sa akin kung gaano ako kawalanghiya at kagago! Matagal ko ng alam 'yan Sasa! Now, if you don't want to get hurt. Sumunod ka sa akin ng tahimik at hwag kang papalag. Ayaw mo naman sigurong maeskandalo, hindi ba?" Matigas niyang sabi sa akin. Hinila niya ako palabas ng grocery at kinalakad papuntang exit ng mall. Pinagtitinginan kami ng mga tao habang papalabas kami. Gustung-gusto ko sumigaw ngunit hindi ko naman magawa dahil takot akong makaagaw kami ng eksena. Kaya naman pagdating namin sa parking lot ay gigil ko siyang hinarap bago pa man niya ako maipasok sa kotse niya. "HINDI AKO SASAMA SA'YO!" Sigaw ko na nagpapikit sa kanya. Sa lakas ng sigaw ko ay malamang natulig siya. Safe naman kami sa eskandalo dahil wala namang katao-tao sa parking area dito sa likod ng mall. "Ayaw mong sumama?" Tumaas din ang tono ng boses niya. Salubong ang mga kilay at matiim na nakatikom ang kanyang mga labi. "Mas gusto mong masaktan kung ganoon?" Nakakapangilabot na sabi niya sa akin. Dumiin ang pagkakahawak niya sa braso ko at muling pinilipit na naman ito. Pagigil na nagtagis ang mga ngipin ko sa inis. Tinatakot ba niya ako? Wala siyang karapatan na takutin ako! "Gago ka! Bitawan mo ko!" Umiiyak ng sigaw ko. Tinatadyakan ko na siya ngunit wala yatang saysay ang ginagawa ko dahil hindi siya natitinag. Ano bang gusto niyang mangyari? Bakit gusto niyang isama ako? Hindi kaya may balak siyang gahasain ako? Sa naisip ko ay sinikap ko talagang makawala sa kanya. Ininda ko ang sakit ng pagkakalipit ng braso ko. Patuloy ko siyang tinatadyakan habang pilit niya akong hinihila patungo sa kotse niya. "Mapapagod ka lang sa ginagawa mo. Kung ako sa'yo ititigil ko iyan at sumunod nalang sa gusto ko. Masasarapan ka naman sa gagawin ko sa'yo!" Natatawang sabi niya habang patuloy akong nagmamatigas para hindi kami makarating sa naghihintay na niyang sasaktan. Napahumindig ako sa tinuran niya. Papalapit ng papalapit kami sa kotse niya at nauubusan na rin ako ng lakas. Gusto ko na nga lang magpatianod dahil nanghihina na ako ngunit hindi ko naman gustong mangyari iyon. Pagtatawanan na naman niya ako panigurado dahil panalo na naman siya. Tsaka baka kapag nagtagal pa na kasama ko ang lalaking ito ay mas masaktan ako. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan niya. Baka gusto lang niya akong maikama talaga na hindi malabong mangyari dahil iyon ang nakikita kong dahilan para kaladkarin niya ako at piliting sumama sa kanya. Tsaka iyon ang ipinupunto ng sinabi niya. Kung ganoon nga ang nais niya bakit hindi iyong fiancee niya ang ayain niya? Siguro naman willing itong ipatikim sa kanya ang pintuan ng langit. Napasimangot ako sa isiping pinagtataksilan niya ito sa pamamagitan ko. Nakaramdam ako ng pamilyar na sakit sa puso. Umisip ako ng paraan para matigil ang binabalak niya. Napangiti ako ng may maisip akong magandang ideya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD