"Mukhang ginabi ka yata hija?" Wika ni Nana Maring ng mapagbuksan niya kami ng pintuan ni Manny. Hindi ko naman siya nagawang pansinin dahil nagpupuyos ang loob ko. Kaagad na naupo ako sa sofa. Sumandal ako at sinapo ang gulung-gulong isip ko.
Bakit ba hinayaan kong mangyari iyon ulit? Nagawa ko namang manlaban pero bakit hindi ko tinodo ang panlalaban? Papaano na naman ako ngayon kapag...
Arggggghhhhhh! Damn him! Nakakabwisit siya! Bakit ba napakalupit ng tadhana sa akin? Bakit hanggang ngayon pinarurusahan niya ako sa ganitong paraan? Alam ko hindi ako naging mabuting anak at kapatid. Pero sana makita ng Diyos na pinipilit kong magpakabuting ina. Hwag naman sana niya akong muling biruin dahil hindi ko na kakayaning masaktan sa pangalawang pagkakataon.
"Ipaghahanda ba kita ng hapunan hija o matutulog na kayo? Alas diyes na ng gabi. Mabuti nalang hindi naghanap ng dede si Clex. Kumain kasi ng hotdog at kanin." Aniya pa ni Yaya na hindi ko na rin nagawang sagutin.
Dumiretso na ako sa kwarto namin ni Clex matapos kong marinig ang pangalan ng anak ko. Patakbo ko itong tinungo at halos mapatid pa ako sa mga display na muntik ko ng mahagip. Namiss ko siya agad sa konting oras na nawala siya sa paningin ko. Nasanay ako na lagi kaming magkasama ng anak ko kaya konting oras lang na hindi ko siya makita ay nalulungkot ako at hindi mapakali.
Maiintindihan naman ni Yaya na wala ako sa mood at pagod. Kabisado na niya ang ugali ko kaya hindi ako natatakot na magtampo siya sa akin. Kakausapin ko nalang siya ng maaga bukas at hihingi ng dispensa para sa inasal ko. Para ko na ring ina ang matandang iyon, higit pa marahil ang turing ko sa kanya dahil matagal ko siyang nakasama.
"Napakawalanghiya talaga ng ama mo baby ko!" Naiiyak na mahinang bulalas ko sa harap ng natutulog kong anak. Nakakaasar na nakuha niya lahat ang features ng lalaking iyon. Sana ako nalang ang kamukha niya para hindi ko nakikita ang nakakabwisit na mukha niya sa mukha ng anak ko. Pero anong magagawa ko, mas malakas ang dugo ng bwisit na lalaking iyon.
"Sinaktan na naman niya ako baby ko." Suminghot ako. "Hindi ko na talaga siya kaya pang patawarin pa. Pasensiya kana kung hindi mo makikilala ang Daddy mo. Ikakasal naman na siya sa iba kaya wala ng halagang makilala mo pa siya." Hinalikan ko siya sa noo saka umiiyak na tinalikuran ko siya.
Alam ko namang hindi siya pag-aaksayahan ng pansin ni Crayon. Paghihiganti iyong nag-udyok sa kanya na lapitan ako. Malas ko lang dahil nabuntis niya ako. Hindi na siguro mahalagang makilala siya ni Clex. Baka masaktan lang ang anak ko kapag itinanggi niyang anak niya ito. Hindi ko nais makitang masaktan ang anak ko lalo na at sabik na sabik itong makilala ang kanyang ama. Hangga't kaya kong magsinungaling sa kanya ay gagawin ko hwag lang siyang masaktan.
"Napakagago mo talaga Crayon! Hindi pa ba sapat ang ginawa mo sa akin noon para babuyin mo ako ng ganito!" Gigil na hinagpis ko.
Lumapit ako sa salamin at pagigil na iniinspeksiyon ko ang mga braso kong sinaktan kanina ng walang-hiyang lalaking iyon. Halos gusto kong magmura ng paulit-ulit ng makita ko ang malaking pasa sa braso ko. Mga pulang marka sa leeg ko at namumulang labi ko dahil sa kagagawan niya.
"I hate him! Damn him! Damn him!" Paimpit na hiyaw ko habang nagtatagis sa matinding inis ang mga ngipin ko.
Nakakainis! Gusto ko siyang paulit-ulit na patayin sa utak ko sa ginawa niya sa akin. Gusto ko siyang saktan ulit kanina ngunit wala akong laban sa pananakit niya sa akin. Nasasangga niya ang mga sampal, sapak, sipa at suntok ko sa kanya. Nakatikim pa nga ako ng suntok sa sikmura ng tangkain kong takasan siya. Ramdam ko pa rin ang pananakit ng kalamnan ng tiyan ko dahil sa ginawa niyang karahasan.
Gusto ko siyang idemanda gaya ng banta ko sa kanya, ngunit maimpluwensiya siya sa lugar namin kaya nagdadalawang-isip ako na pumunta ng presinto at magsampa ng kaso. At isa pa walang maniniwala sa akin dahil kilalang lapitin siya ng babae noon pa man.
Napahinga ako ng marahas. Gigil na gigil ako sa ginawa niya sa akin.
Arrrrggggghhh!
Hindi ko lubos maisip na papalpak ang naisip kong plano para makatakas sa kanya kanina sa parking lot. Nagkamali ako na hindi uubra sa lalaking iyon ang naisip kong paraan para lubayan niya ako. Alam ko lumang style na iyon at alam na niya na maaaring gamitin ko iyong self-defense sa kanya.
"Tatadyakan mo ako sa p*********i ko? Lumang style na 'yan Sasa. Umisip ka naman ng bago." mapanuya niyang sabi. Itinulak niya ako pasandal sa kotse at halos mapangiwi ako ng maramdaman ko ang sakit ng pagkakatulak niya sa akin. "Dapat himasin mo Sasa dapat alam mo na hindi ito tinatadyakan." Humalakhak siya ng malakas.
Napahinga ako muli ng marahas ng maalala ang sinabi niya. Nakakainis ang itsura niya ng mga oras na iyon. Mukha siya baliw na aso na nakatanghod sa akin. Tapos ay pagigil niya pang sinuntok ng mahina ang hita kong inipit niya sa dalawa niyang hita. Balak ko siyang tuhurin sa p*********i niya but sad to say, di ako nagtagumpay.
Sabi ko nga, alam niya ang gagawin ko sa kanya kaya inunahan na niya ako. Isang malaking kalmot naman ang isinukli ko sa pagsuntok niya sa legs ko. Sa mukha iyon at sobrang ikinadilim iyon ng kanyang mukha. Marahas niya akong ipinasok sa front seat at marahas ding hinila ang buhok ko at hinalikan ako ng madiin.
Tumigil lang siya ng malasahan na niya ang pinaghalong luha at dugo sa labi niya.
"Ano bang kailangan mo sa'kin?! Bakit mo ako ginaganito? Hindi pa ba sapat ang paghihiganting ginawa mo sa akin noon? Kaya sinasaktan mo na naman ako? Sobra-sobra na 'yong siningil mo sa akin noon Crayon. Sapat na iyon para sa paghihiganti mo sa kuya Jupiter ko!" Nanggagalaiting hiyaw ko sa kanya.
"Hindi pa sapat Sasa?! I need you in my life again!" Sinigawan din niya ako. Ako naman ay napanganga sa sinabi niya. Hindi pa sapat na nasaktan niya ako noon. Kulang pa ba iyon? Sobra na iyon. "You should fulfill my needs...I miss your yummy p*ssy... I miss f*cking you."
Pakkkkkkkkkkk!
Isang malakas na sampal ang pinadapo ko sa mukha niya. Hindi ko kinaya ang tahasang pagsasabi niya ng mga katagang iyon. Napakawalang modo talaga niya! Ang sarap balatan ng buhay! Paano ba ako nain-love sa lalaking ito?
"Palaban kana ngayon Sasa? Hmmnn...'yan na ang mga type ko ngayon. Mukhang mag-eenjoy ako sa'yo nito." Tumatawang sabi niya.
Napahagulgol na ako ng tuluyan. Naiiyak na sinapo ko ang p********e kong paulitt-ulit niyang pinagsawaang pasukin kanina. Ni hindi ko alam kung paano ako nakaalis sa mansiyon niya ng wala ako sa aking sarili.
Mabuti nalang at naisipan ko pang kontakin si Manny sa kabila ng pagiging lutang ko. Siya na ang namili ng mga kakailanganin sa bahay. Siya ang pinatakbo ko sa mall dahil wala na akong panahong bumalik pa ng mall. Alalang-alala nga siya sa akin dahil ang tagal daw niyang naghintay sa akin sa loob. Akala niya ay napaano na ako dahil dalawang oras akong naglagi sa grocery. Hindi niya alam ay may kumuha na sa akin at dinala ako sa isang lugar. Mas lalong lumakas ang paghagulgol ko.
Pikit matang sinariwa ko sa aking isip ang ginawa niya sa akin.