I inhaled and exhaled before going out from the taxi. I feel nervous right now. Nandirito na naman ako. Kailan lang ng umapak ako dito muling. Iyong excitement at kaba ay naririto pa rin sa puso ko. Alam ko parami ng parami ang nagbabago dito sa bawat buwan na pagpunta ko dito. There are malls, town houses, condominiums, different establishments and of course houses that are new from my eyes.
Ano nga bang inaasahan kong makikita ko dito pagbalik ko ng lugar na ito? Na ganoon pa rin ng lumayas ako? Siyempre marami ding pagbabago at magbabago gaya ng marami ding nagbago at magbabago pa sa akin.
Inayos ko ang suot kong antipara habang iginagala ko ang paningin ko sa taas ng building na siyang pansamantala muna naming tutuluyan. Maganda ang building na ito mula sa labas. And I'm sure it is more beautiful inside.
Ofcourse, pipili ba naman ako ng titirahan namin na pipitsugin lang? No, because I want it too be big, comfortable and cozy para sa taong pinakaimportante sa buhay ko. I smirked. Kayang-kaya kong gumastos ng mas mahal na tirahan pa kaysa dito. Anong ginagawa ng mga milyones ko sa bangko kung buburuhin ko lang ito doon. Pansamantala lang naman ang pagtira namin dito sa condong ito dahil magpapatayo ako ng bago kong mansiyon kapag nakahanap na ako ng lote. Sa ngayon, magtitiis na muna kaming mag-ina dito.
Sapat na ang condong ito para sa amin. Maayos naman ito mula sa labas kaya nakakasigurado akong safe ang makakasama ko dito. Dapat na maging maayos ang titirhan namin lalo na at pinoprotektahan ko siyang hwag masaktan. Napakahalaga niya sa buhay ko at hindi ko hahayaang makita siyang nahihirapan at napapabayaan.
"Yaya let's go." Aya ko kay Nana Maring na nasa loob ng sasakyan, kalong ang aking anak na mahimbing na natutulog. Lumamlam ang paningin ko ng makita kong payapang natutulog ito. Dumukwang ako para titigan ang bata. Napakagwapo talaga ng anak ko, parang si... Napasimangot ako ng may maalala sa mukhang iyon. Kaagad na pinilig ko ang aking ulo ng may maalala ako sa mukhang tinititigan ko. Hanggang ngayon hindi ko pa siya nakakalimutan. Paano ko nga naman gagawin iyon kung nasa akin ang iniwan niyang kawangis niya.
"Ingatan niyo pong hwag magising si Clex. You know him Ya, magwawala iyan kapag naistorbo ang tulog." bilin ko sa yaya ko ng alisin ko ang pagkakadukwang sa loob ng taxi.
Pinagmasdan ko muna ang batang masarap pa rin ang tulog. Saka lang ako gumilid at hinayaang mailabas ng yaya ko ang buhat-buhat niyang bata ng magsawa ako sa pagtitig. Ang bodyguard ko naman ay mabilis niyang nailabas ang lahat ng gamit namin sa trunk. Binitbit niya ito patungo sa bukana ng building at hinintay kami doon.
Pagkatapos kong makapagbayad sa taxi ay kaagad na kaming tumuloy sa loob ng building para mahanap na ang unit na ipinaasikaso ko pa kay Alley para siyang tirhan namin habang inaasikaso ko ang pagpapatayo ng ika50th branch ng fast food ko sa kabilang town.
Doon kasi sa lugar na iyon ko naisipang pagtayuan ng bago kong branch. Doon ko naisip ang pagpapatayo ng ika-50th branch dahil maganda ang lokasyon para sa fast food chain ko. Umuunlad na kasi ang bayang kinalakhan ko at magiging city na rin ito balang araw. Tsaka gusto ko dito medyo malapit kay Mommy, para madalaw ko naman siya paminsan-minsan. Nag-iisa na siya sa buhay at mga katulong na lang ang kasama sa bahay. Si kuya Jupiter naman ay matagal ng bumukod sa kanya at naninirahan naman sa lupang naipamana ni Daddy sa kanya.
Miss na miss ko na sina Mommy at kuya Jupiter ngunit hindi ko pa magawang makipagkita sa kanila. Kahit buwan-buwan akong nandito ay hindi ako nakipagkita sa kanila. Once a month lang naman ako naririto at hindi ako nagtatagal dito ng isang oras. Alam kong malaki pa rin ang hinanakit nila sa akin dahil sa paglalayas ko five years ago. Sobra kasi akong nasaktan that time kaya naglayas ako. Hindi ko akalain magagawa akong saktan at lokohin ni...ama ni Clex. Hindi ko alam na paghihiganti ang dahilan niya para paibigin ako at saktan pagkatapos. Hindi ko alam na ako gagamitin niya para makaganti sa kuya ko. Hindi ko mapigilang mapangiti ng mapait kapag naaalala ko siya at ang panggagagong ginawa niya sa akin.
Five years is long enough to forget the past. Yeah, nakapagmove na ako. Nakalimutan ko na siya, pero iyong pilat na nagawa niya sa puso ko ay naririto pa rin. I've been in hell for the past few years. Masyado akong nasaktan dahil sa kanya. Samantalang siya ay masaya sa piling ng iba at malapit ng ikasal. I never stalk his life, sadyang sikat lang siya sa buong bansa kaya nakakahagip ako ng mga balita tungkol sa kanya.
I sighed. Sabi ko kakalimutan ko na ang pag-alala sa kanya at sa nakaraan. Bakit ngayon ay pilit ko itong sinasariwa? Ayoko naman talagang bumalik sa lugar na ito dahil babalik lang iyong mga alaalang pilit ko ng ibinabaon sa ilalim ng dagat. Ngunit parang may nag-uudyok sa akin na bumalik ako dito. Hindi ko alam kung ano iyon ngunit sinisiguro ko na hindi si...hindi siya ang dahilan.
"Yaya, pakilagay nalang po si Clex sa kama niya at pagkatapos po ay magpahinga na kayo sa kwarto ninyo." Sabi ko kay Nana Maring ng magtungo kami sa magiging kwarto namin ni Clex.
Sumalampak ako sa isang couch at doon ipinahinga ang pagal kong katawan. Napakahaba ng biyaheng binyahe namin bago nakarating dito sa Santa Catalina. Ramdam na ramdam ko ang pagod.
Galing pa kaming Palawan at sampung oras ang binyahe namin. Nagcommute kami papunta dito dahil ayokong magdala ng kotse. Mapapagod ang driver ko lalo na at matanda na ito. Si Manny na bodyguard ko naman kasi ay hindi ko mapagkatiwalaan sa pagmamaneho. Reckless kasi siya at hindi ko naman kayang ipagkatiwala ang buhay namin sa kanya.
"Ipaghahanda na muna kita ng tanghalian Sasa bago ako magpahinga." Aniya sa mahinang boses. Inayos niya ang pagkakahiga ni Clex sa kama saka hinalikan ito sa noo pagkatapos. Napangiti ako sa ginawa ng matanda. Nakagawian na kasi iyon ng matanda kay Clex. I know napamahal na siya kay Clex kaya naman kahit gustung-gusto na niya magpahinga at umuwi nalang ng probinsiya niya ay nanatili siya sa tabi ko. Sa tabi namin ni Clex na siyang naging pamilya niya sa nakalipas na mga taon.
Si Nana Maring ay yaya ko ng bata palang ako. Hindi na siya nakapag-asawa dahil mas pinili niyang alagaan kami ng kuya ko. Siya iyong kasama ko ng mga panahong naglayas ako. Nagkusa siyang sumama dahil sobrang nasasaktan at litung-lito ako noon. Hindi ko matanggap na na-grounded ako at hindi pinalabas nina Mommy at kuya Jupiter ng bahay. Kaya naman naisipan kong tumakas at sumama siya sa akin. Siguro kung wala siya ng mga panahong iyon sa tabi ko ay hindi ko makakayang lahat ng ito. Hindi ako makakasurvive mag-isa.
May napala naman ako sa paglalayas ko dahil tumayo ako sa sarili kong mga paa. Nagamit ko iyong trust fund na ipinamana sa akin ni Daddy. Naisip kong magnegosyo at fast food ang naisip kong mabilis na lumago at mabilis kumita ng pera. Hindi naman ako nabigo dahil kitang-kita naman ang ebidensiya ng mga branches ko sa iba't ibang panig ng Pilipinas. Forty nine lahat ang mga ito at magiging fifty na ang branch nito kapag nabuksan na ang isa pa dito sa amin.
Sinimulan na itong itayo last, last month. Malapit-lapit na itong matapos kaya naman kailangang personal ko ng asikasuhin ang ilan sa mga supplies na kakailanganin sa nalalapit nitong opening. Hindi sapat na once a month lang ang inilalagi ko rito at isang oras lang. Kaya naman naisipan kong manirahan pansamantala dito para personal ko itong maasikaso.
Wala naman akong balak manirahan ng matagal dito. Lalo na at itinatago ko si Clex sa kanyang ama. Hindi naman kasi niya alam na nabuntis niya ako. Hindi ko ipinaalam dahil wala din naman siyang pakialam. Matapos na malaman ko ang buong katotohanan sa bibig niya ay hindi na ako naglakas-loob na sabihin sa kanya ang kalagayan ko. Para saan pa at ipaalam ko sa kanya. Baka nga pagtawanan pa nga niya ako dahil sobra-sobra iyong paghihiganti niya sa akin. Baka ipagtabuyan niya ako at maisipan pang ipalaglag ang anak ko. Sa sama ng ugali niyang natuklasan ko ay hindi ko na talaga naisipan pang magmakaawa at lumuhod sa harapan niya para panagutan lang ang bata.
Dadalawin ko nalang si Mommy once a week dito kapag bumalik na kami ng Palawan. Nagbago na ang isip ko na magpatayo ng mansiyon dito dahil delikado si Clex. Mahirap ng malaman niyang buhay ang kanyang Daddy lalo na at sabik na sabik niya itong makilala.
"Sige po Ya kayo po bahala. Pagkatapos po ninyo makapagluto ay magpahinga na rin po kayo. Dito na po kayo sa kwarto magpahinga dahil lalabas po kami ni Manny. Pupunta pa ako sa site at titingnan ko kung ano ang mga kailangan pa nilang materyales doon. Gagabihin po kami dahil daan pa kami ng mall." Mahaba kong lintanya.
"Mag-ingat kayo hija. O siya labas na ako para makapagluto na ako at makakain na kayo bago kayo umalis."
"Mabuti pa nga po." Naghihikab na sabi ko. Ngumiti siya ng tipid sa akin bago tumalikod at tinungo ang pintuan.
Naghikab pa akong muli saka nilapitan si Clex na mahimbing ang tulog. Inaantok pa yata ako dahil napakaaga naming umalis kanina ng Palawan. Konti pa naman ang itinulog ko sa bus dahil hindi ako kumportable sa posisyon ko na nakaupo habang natutulog.
Ang sakit ng ulo at likod ko. Alam ko kailangan kong magpahinga ngunit wala akong oras para diyan ngayon. Kailangan kong maggrocery ng mga gamit ni Clex dahil nakalimutan naming dalhin ang bag niyang naglalaman ng mga gatas, diapers at iba pang baby things. Mabuti nalang at may extra pa siyang bottle ng gatas kaya naman hindi bitin iyong dede niya. Hindi naman kasi niya gustong kumain kapag nasa biyahe dahil mas gusto nitong dumede. Matakaw kasi ang batang iyon sa dede. Apat na taong gulang na siya ay gusto pa rin niyang dumede.
"Sleep well baby...alis muna si Mama mamaya ha? Be good to Yaya. Babalik din agad ako." Bulong ko malapit sa kanyang tenga. Hinaplos ko ang mukha niya saka kinintalan ng halik sa noo. Nahiga ako sa tabi niya at ipinikit saglit ang aking mga mata.
Napasarap ang pag-idlip ko at hindi ko namalayan na kanina pa pala ako ginigising ni Nana Maring. Mabuti nalang at sa pangatlong balik niya sa kwarto namin ni Clex ay nagising na ako. Dali-dali akong bumangon ng masipat ko ang oras sa aking relo. Isang oras pala akong nakatulog at wala na akong time para pumunta ng site. Bukas nalang siguro dahil mas importante ang mga gamit ni Clex.
Mabilis na nagpalit ako ng damit saka nagpaalam kay Nana Maring na baba na ako para kumain. Hinalikan ko pa si Clex na mahimbing pa ang tulog bago ako tuluyang lumabas ng kwarto. Minadali ko din ang pagkain dahil gahol na ako sa oras para makapamasyal pa sa mall. Bibyahe pa ako ng isang oras at alam kong gagabihin na talaga ako sa pag-uwi.
Nag-aabang na sa labas si Manny ng lumabas ako ng unit namin. Nasulyapan ko din ang nakaabang na rin na taxi na alam kong inarkila na niya habang kumakain ako. Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng makalapit ako. Tipid akong ngumiti saka nagpasalamat. Nang nasa biyahe na kami ay hindi ko maawat ang sarili kong pagmasdan ang paligid. Napakarami na talagang nagbago sa lugar namin. Nalungkot ako ng madaanan namin ang mansiyon namin. Parang gusto ko tuloy ipatigil ang taxi para bumaba ako at sumaglit saglit kay Mommy. Ngunit pinigilan ko ang sarili ko dahil kailangan ko munang mag-ipon ng lakas ng loob. Nahihiya pa ako sa kanya dahil sa laki ng galit niya sa paglalayas ko.
Hindi kasi nila ako natuntong agad ng maglayas ako. Nalaman lang nila ang kinaroroonan ko ng mapabalita sa telebisyon kung gaano ako kasuccessful sa negosyong itinayo ako. Tinawagan ako ni kuya Jupiter that time at pinauuwi ako. Gusto daw akong makita at makausap ni Mommy ngunit wala pa akong lakas ng loob ng mga oras na iyon. Hindi din ako magkaroon ng time dahil marami akong inaasikaso at hindi ko maiwan si Clex. Nangako ako sa kanya na uuwi ako ngunit napako ang pangakong iyon. Hanggang sa makalimutan ko na dahil sa pagiging abala sa trabaho.
"Pakihintay mo nalang ako dito Manny, hindi ako magtatagal." Wika ko sa bodyguard ko ng makababa na kami ng taxi. Naririto na kami sa harap ng mall at sobrang dami ng taong papasok. Naisip ko, linggo nga pala ngayon kaya maraming namamasyal.
"Yes Ma'am."
"Okey."
Nakipagsiksikan ako sa mga tao papasok para lang makarating agad sa may grocery section. Halos maipit pa nga ako dahil nagtutulakan na iyong iba. Grabe naman kasi ang dami ng tao ngayon. Iisa nga pala ang mall dito sa Santa Catalina kaya ito ang dinadayo ng karamihan. Sa ibang town kasi naroroon ang iba. Tinatamad naman akong magtungo doon dahil masyadong malayo at talagang gagabihin na ako.
"Huh! Hah!" Hinga ko ng malalim ng makatakas ako sa alon ng maraming tao. Nahahapong sumandal ako sa pader na siyang naisipan kong sandalan para makapagpahinga ako saglit. Kung hindi lang kailangan ni Clex ang mga bibilhin ko ay uuwi nalang sana ako at babalik nalang bukas.
Nang mahimasmasan ako ay dumiretso na ako papasok ng grocery. Kumuha ako ng cart at nagsimulang kumuha sa rack ng mga kakailanganin naming supplies. Sa milk section at diaper section ang last destination ko ng makuha ko na ang ilang kakailanganin namin sa bahay.
Busy ako sa paghahanap ng brand ng gatas ni Clex ng walang anu-ano'y bumangga ako sa isang matigas na bagay, mali pala. Sa tao ako bumangga. Sa lakas ng impact ng pagkakabangga ko ay muntik na akong matumba. Mabuti nalang at maagap ang nakabangga sa akin at agad na hinigit ako sa bewang at niyakap ako.
Tatalakan ko na sana ang kung sino mang nakabangga sa akin ng marinig ko siyang magsalita.
"Careful." Aniya sa malamig at walang kaemo-emosyong boses.
Nanlamig at pinagpawisan naman ako ng marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Alam ko kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon at kinakabahan akong lingunin siya at makumpirma ang hinala ko. Pero bakit sa ganitong araw at sitwasyon kailangan naming magkita? Bakit sa dami ng mababangga ko ay siya pa?
"B-Bitiwan mo ako." Sabi ko sa galit at nanginginig na boses. Lahat ng galit at sakit na nararamdaman ko noon ay biglang bumalik. Nanariwa sa alaala ko ang sakit at pait ng nakaraan. Mapaglaro talaga ang tadhana.
"Sure Sasa." aniya sa galit na himig. Binitiwan niya ako at agad na sana akong tatalikod ng bigla niya akong higitin sa braso dahilan para mapatigil ako. "Wait." sabi niya sa mas galit na boses.
Kumunut na ang noo ko. Bakit nahihimigan ko ang galit sa kanya? Dapat nga ako ang magalit sa kanya dahil niloko niya ako.
"What do you want?" tanong ko na hindi kababakasan ng emosyon ang mukha ko. Pinilit kong pinapatatag ang boses ko dahil konting-konti nalang ay bibigay na ang emosyong itinago ko ng napakatagal.
Nakita kong biglang nagbago ang habas ng mukha niya. Napalitan ito ng paglamlam ng kanyang mga mata at ang lungkot na hindi ko kayang isalarawan. Bakit naman siya malulungkot? Bakit siya makakaramdam ng ganoon? Nalilito ako sa mga emosyon niya. Kanina galit na galit siya ngayon naman ay nalulungkot siya.
"I need to talk to you Sasa." Sagot niya na hindi pa rin nagbabago ang ekspresiyon ng kanyang mukha.
Tumaas ang kilay ko. Ano ang kailangan naming pag-usapan? As far as I remember tapos na ang pag-uusap namin noon. Tinapos niya ito pagkatapos niyang aminin sa akin na pinaglaruan at niloko niya ako, bilang ganti sa kuya ko. Hindi ko na inalam kung ano iyon dahil masyadong masakit malaman iyon sa kanya. Minahal ko siya at pinagkatiwalaan ngunit hindi ko pala dapat iyon ibinigay sa kanya.
"Wala tayong dapat pag-usapan Crayon." Galit na utas ko habang pilit kong hinihila ang braso ko sa kanya. Nasasaktan na ako dahil pahigpit ito ng pahigpit. Napapangiwi na nga ako dahil masakit na. "Bitiwan mo nga ang kamay ko bago ako magsisigaw dito na hinaharass mo ako!" Ipinagpag ko ang kamay niya ngunit gago lang talaga siya dahil hinigpitan pa niya ang kapit dito ng mabuti.
"Ayoko." Galit din na utas niya. Nag-init ang ulo ko sa sinabi niya. Sinusubukan talaga ako ng lalaking ito. Tingnan natin kung hindi ka mapahamak sa gagawin ko. Luminga-linga ako sa paligid tsaka nagsmirk sa kanya ng makita kong maraming taong tutulong sa akin.
"TULONG HINA---" Naputol ang pagsigaw ko ng bigla niya akong hinila at pinatahimik ako gamit ang kanyang mga labi.