Malumanay ang tono ni Apolinario, hindi nangaakusa at halatang nagtatanong lang talaga. Pero nagpantig pa rin ang tainga ni Sheila. Kumuyom ang mga kamao niya at tumaas-baba ang dibdib niya sa sobrang galit. “Huwag ka lalapit sa akin kasi masusuntok talaga kita, Montes! Ang kapal mo rin ‘no? Mukha ba akong desperadang mapalapit sa’yo para isipin mo na planado ko lahat? Ikaw ang lumapit sa akin. Ikaw ang unang nakipag-usap sa akin. Sinasabi mo ba na pati ang nangyari sa atin, plano ko rin? Ako lang ba ang may gusto ‘non? Ikaw rin ang naunang humalik sa akin baka nakakalimutan mo! Pareho natin ‘yon ginusto. Kaya huwag mo ako pagbintangan ng kung anu-ano kasi ikaw ang huling lalaki na gugustuhin kong akitin, okay?” Nanlaki ang mga mata ni Apolinario, halatang nagulat. Pero san