“SHEILA may boyfriend ka ‘no?” Lunch break at umiinom siya ng juice nang itanong iyon ng kaibigan niyang si Sylve kaya nahirinan siya at napunta sa ilong niya ang iniinom niya. Naubo siya at naluha. Naramdaman niya ang magaan na tapik ni Jesilyn sa likod niya. “Ito tubig o,” sabi naman ni Lyn na bagong hire nilang office assistant. Tinanggap niya ang inalok nitong tubig at uminom pero matagal pa rin bago siya nahimasmasan. “s**t, muntik na akong mamatay ‘don, Sylve!” reklamo niya. Tumaas ang kilay ng babae. “Aba, nagtatanong lang ako. So?” “Anong so?” “May boyfriend ka.” Umubo si Sheila at pinanlakihan ng mga mata si Sylve. “Wala ‘no.” Pagkatapos pasimple niyang sinulyapan si Jesilyn. Ilang buwan na mula nang ikasal ito at balik na sa normal ang bawat araw nila. Araw-araw pa rin si