CHAPTER 10

1343 Words

Ilang minuto na tahimik lang silang kumakain at inoobserbahan ang mga tao sa paligid. Komportable si Sheila kahit hindi sila nag-uusap at alam niyang ganoon din ang nararamdaman ni Apolinario. Kasi relaxed na ang facial expression nito. Napangiti siya. “O, ‘di ba masaya rin naman kumain sa ganitong lugar? Parang fiesta.” Tinitigan nito ang mukha niya. “You like crowded places?”  “Oo. Lalo na ‘yong mga ganitong masaya ang ambiance. Ikaw mas gusto mo sa tahimik ‘no?” tanong niya sabay kagat at nguya sa burger na hawak niya. Natigilan siya nang imbes na sumagot agad ay umangat ang kamay nito at hinaplos ng hinlalaki ang gilid ng kanyang mga labi. Nanlaki ang mga mata ni Sheila nang marealize na pinahid nito ang ketchup na naiwan sa bibig niya. Uminit ang mukha niya at parang hinalukay an

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD