“I’m serious, Sheila. You can call me anytime,” giit ng binata na mukhang nabasa ang iniisip niya. “We are no longer enemies, remember? We are…” “We are what?” nakangising tanong niya. Tumikhim ito, namula na naman ang mga tainga bago sumagot, “We are… friends.” Natawa siya. “Ah. So hindi na tayo enemies-with-benefits ngayon. Friends-with-benefits na.” Sumimangot si Apolinario at inilapit sa kaniya ang isa sa mga pagkain na inorder nila. “Kumain ka na nga lang.” Natawa na naman siya pero tinanggap naman ang pagkain. Kasi alam na niya ngayon na kapag sumisimangot ito ng ganoon at umaaktong naiinis ay nahihiya talaga ito at hindi lang alam kung paano sasagot. Nagdesisyon si Sheila na tigilan na ang pang-aasar bago pa ito mapikon talaga. Kaya magana na lang siyang kumain at dinala sa sa