SI SHEILA ang tipo ng tao na hindi attached sa cellphone o kahit ano pa mang gadget. Hindi siya mahilig mag social media, hindi mahilig makipagchat at lalong tamad tumawag o mag text. Kung hindi nga lang dahil sa trabaho at sa nanay niya ay hindi niya hahawakan o titingnan man lang ang cellphone niya. Pero ibang kaso na ngayon. Marami ka bang pasyente ngayon? Yes. But I can manage. Matamis siyang napangiti habang nakatitig sa conversation thread nila ni Apolinario. Mula nang mag dinner sila sa Chef Derek’s ay araw-araw na sila nagte-text. Mga simpleng kamustahan lang at madalas ilang words lang ang sagot ng binata pero kahit ganoon kinikilig pa rin siya sa bawat reply nito. Sa gabi rin na hindi sila naka-schedule na magkita ay tumatawag ito sa kaniya at lampas isang oras sila kung mag