SI SHEILA ang naunang nagising kinabukasan, katulad ng dati. Sabi sa mga nabasa at napanood niya, ang morning after s*x daw ang pinaka-awkward na sandali sa pagitan ng dalawang tao na walang label ang relasyon. Pero sa kaso niya, iyon ang pinakapaborito niyang moment kapag magkasama sila ni Apolinario. Gustong gusto niya kapag nagigising siya at ito ang una niyang nakikita. Sinasadya niyang mauna magising para matitigan niya ng matagal ang natutulog nitong mukha. Ginagawa niya ang lahat para hindi maistorbo ang tulog nito kasi kapag tulog si Apolinario ay palagi itong nakayakap sa kaniya. Sigurado siya na ginagawa nito iyon unconsciously kasi kapag gising ito hindi naman siya niyayakap ng binata before o after s*x man. Sa umagang iyon, mas mahaba ang oras ni Sheila para namnamin ang