KABANATA 7: APPOINTMENT

2322 Words
OWNING THE MAFIA BOSS EPISODE 7 ATHENA CANTIA’S POINT OF VIEW. HINDI MAWALA sa aking isipan ang sinabi sa akin ng aking kapatid na si Apollo tungkol sa posibleng nangyari sa aking pinakamamahal na si Lorenzo. Is it really possible that he forgot me? Kung totoo man ito, parang hindi ko kayang tanggapin ang nangyari kay Lorenzo. We had a promise when we were kids! Pati ba ‘yun ay nakalimutan niya pa rin? Kailangan ko ulit siyang makausap. Kailangan kong kompirmahin kung ano ba talaga ang nangyari sa kanya. Hindi ako mapakali kaya ang aking ginawa ay kumuha ako ng appointment sa kompanya ni Lorenzo upang makausap ko siya. Ang hirap kumuha ng appointment kay Lorenzo lalo na’t sobrang busy nito as the CEO of the Dela Valle Company. “Athena, nababaliw ka na talaga! He threatened to kill you. Tapos magpapakita ka ulit sa kanya? Hindi ka na niya kilala!” Minsan talaga ay nagdadalawang isip ako kung kapatid ko ba talaga itong si Artemis. Lagi siyang kontra sa aking mga pinaplano at binu bwisit niya rin ako palagi. Bakit ba kasi wala rito si Apollo? Dapat siya na lang ang kausap ko ngayon eh. Matutulungan pa siguro ako ni Apollo dahil may mga scientific explanation pa siyang binibigay sa akin. Hindi kagaya nitong si Artemis na pagtutol na lang lagi ang ginagawa. “Come on, Artemis! Paano natin malalaman ang katotohanan kung hindi kami magkikita ulit, diba? We need to talk—I need to talk to him. Kailangan ko lang ma-confirm kung nakalimutan na ba talaga ako ni Lorenzo, o umaarte lang siya na hindi ako kilala,” sabi ko sa aking kapatid na si Artemis. Ngumuso naman siya at wala siyang magawa kundi ang tumango. Buti naman at hindi na siya tutol pa sa aking sinabi. Siguro ay napagod na siya. “At paano mo siya makakausap? Diba sabi mo ay strikto sa kanilang kompanya? Hindi ka na naman papapasukin!” Ngumisi ako kay Artemis at nagsalita. “Not until I have an appointment with him in his office, my sister!” nakangisi kong sabi sa kanya at kinindatan ko pa siya. Unti-unting nanlalaki ang mga mata ni Artemis sa gulat na para bang hindi siya makapaniwala sa aking sinabi. “Oh my God! Really?! Wow! Congratulations, Athena. Ipagdarasal ko na lang din na sana ay maging normal ang pag-uusap niyong dalawa. Baka iba na ang pagbabanta na ibigay sayo si Lorenzo kapag binuwesit mo siya,” sabi ni Artemis. Inirapan ko naman siya. Akala ko pa naman ay maayos na sa kanya. May pahabol pa rin palang pangbubwisit sa akin. “Wait ka lang talaga! Magiging okay rin kami ni Lorenzo kapag nakapag-usap kaming dalawa,” sabi ko sa aking kapatid at napangiti na ako, iyong totoong ngiti na may halong excitement din. Buti na lang talaga at tinulungan ako ng aking manager na si Zack para lang makakuha kami ng appointment with Lorenzo. At pumayag din sila, binigyan ako ng isang oras para makausap ko si Lorenzo sa opisina nito. Ang ikli lang ng isang oras para sa akin—para sa pag-uusap namin ni Lorenzo. Pero okay na rin ‘to kaysa naman sa wala, diba? Susulitin ko na lang siguro ang isang oras na kasama ko siya at eh sho-shortcut ko na lang din ang lahat ng aking sasabihin sa kanya upang hindi na lumagpas sa isang oras ang lahat. sh*t This is it na talaga! Magkikita na ulit kaming dalawa ni Lorenzo. At labis ang aking pagdarasal ngayon na sana ay makilala na ako ni Lorenzo. Nang matapos na akong makapaghanda ay lumabas na ako sa aking kwarto upang makaalis. Habang pababa ako sa hagdan, nakita ko si Dad na paakyat na rin. Hindi ko mapigilan ang aking sarili na kabahan ng sobra. Natigil ako sa aking pagbaba at napatingin ako kay Dad. “Thena, where are you going?” tanong sa akin ni Dad. Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa kanyang pisngi. “Hey, Dad! I-I’m going to the mall and shopping. May gusto ka bang ipabili sa akin?” sabi ko sa kanya habang nakangiti. I hope he believes what I’m saying right now. Ang bilis lang kasing makaalam ni Dad kung nagsisinungaling kami o hindi. Sana ay hindi na siya magtanong pa ng marami dahil kung mangyari man iyon, sigurado akong mabubuking ako sa aking gagawin. Matagal na hindi nakasagot si Dad at nakatingin lang siya sa akin ngayon kaya nagsimula na akong kabahan ng sobra. Makalipas ang ilang minutong katahimikan, tumango si Dad at nagsalita. “Just be careful, Athena. You know your mother, she will freak out when something happens to her children,” wika ni Dad. Nakahinga ako ng maluwag ng sabihin niya ‘yun. Buti naman at hindi na siya nag tanong ng kung anu-ano pa. Muli akong lumapit kay Dad at niyakap ko siya at hinalikan sa kanyang pisngi. “Okay, Dad! Thank you so much. Uuwi rin ako mamaya,” sabi ko kay Daddy Adler at nagmamadali na ako sa aking pagbaba at sa pag-alis. Ginamit ko ang aking sariling sasakyan papunta sa kompanya ni Lorenzo. I’m confident to get inside of his building because I already have an appointment with him. Oo, nakakahiya ang nangyari sa akin noong una kong punta doon. Hindi ko naman kasi alam na kailangan pa pala ng appointment eh, kahit na pumasok ka lang sa loob. Kailangan pa rin talaga na may appointment ka sa loob at ito kaagad ang aking ginawa. Hindi na talaga ako mapagtatawanan ng mga guards doon sa kompanya niya. Nang makarating ako sa harapan ng kompanya ni Lorenzo, pinark ko na muna ang aking sasakyan at pagkatapos kong magawa ‘to ay lumabas na ako at nagsimulang maglakad papunta sa entrance ng building. As usual, hinarang na naman ako ng mga guards sa pagpasok ko. Iba na ang nakabantay rito sa entrance at hindi na ‘yung mga guards na tinawanan ako. “Ma’am, bawal po kayong pumasok sa loob ng Dela Valle Company kung walang appointment,” wika ng guard na humarang sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya at nagsalita. “Actually, I have an appointment with Mr. Lorenzo Dela Valle—yes! The CEO itself. You can search by name, Athena Cantia Montenegro Miller,” nakangiti kong sabi sa guard. Agad naman nilang chineck ito upang makompirma kung totoo ba ang aking sinabi. May tinawagan siya sa telephone at ng matapos na ito ay muling humarap sa akin ang guard at tinaasan ko naman ito ng aking kilay. “Now, what? Papapasukin niyo na ba ako sa loob?” tanong ko rito. Tumago ang guard at binigyan ako ng space upang makadaan ako papasok. “Nasa 65th floor ang office ni Sir Lorenzo, Ma’am. Magtanong na lang kayo sa loob kung hindi niyo alam kung nasaan ‘to,” sabi ng guard. Ngumiti naman ako rito at tumango. Pumasok na ako sa loob at parang gusto kong maiyak sa sobrang tuwa. Sa wakas! Nakapasok na rin ako rito sa loob ng Dela Valle Company. Nasa opisina na kaya niya si Lorenzo ngayon? It’s almost 9 AM at ito ang schedule ng meeting naming dalawa. Agad din akong pumunta sa may elevator at pinindot ko ang 65th floor kung nasaan ang office ni Lorenzo. Habang hinihintay ko na makarating ako sa floor kung nasaan ang office ni Enzo, nag retouch na muna ako at nag-ayos ng aking sarili. Ayoko naman na maging haggard ako sa paningin niya. I should look beautiful in his eyes. Kailangan niya akong makilala. Tumunog ang elevator at bumukas na rin ito. Nandito na ako sa 65th floor kung nasaan ang office ni Lorenzo. Nakita kong may isang information desk na malapit lang sa elevator kaya lumapit ako doon at nagtanong. “Hello? Is this the floor of Lorenzo Dela Valle’s office? I have an appointment with him at 9 AM,” sabi ko rito. “What’s your name po pala, Ma’am? Para ma-check ko po rito.” “Athena Cantia Montenegro Miller.” Nakita ko ang gulat sa mukha nito ng sabihin ko ang buo kong pangalan. Siguro ay kilala niya ang pamilya ko at nagulat ito dahil yun ang aking apelyido. “N-Nasa loob na po si Sir Lorenzo, Ma’am Miller. He’s waiting for you.” Kinabahan ako bigla ng sabihin nito na he’s waiting for you. Oh my God. Sana nga ay totoo na naghintay talaga siya sa akin. Dahil ako? Naghintay ako sa kanya hanggang sa makabalik siya rito sa Pilipinas. At ngayon ay nandito ako para sa kanya. “O-Okay, thank you so much.” Nagsimula na akong maglakad papunta sa harapan ng office ni Lorenzo. Kumatok muna ako ng dalawang beses bago ko unti-unting binuksan ang pinto at pumasok na sa loob. Agad na bumungad sa aking pagpasok ang nakaupo na si Lorenzo sa kanyang swivel chair habang may mga pinipirmahan na mga papeles. Ang linis ng loob ng kanyang opisina at plain lang ang colo nito. “Miss Miller.” Bahagya akong napatalon sa gulat ng magsalita si Enzo. Muli akong napatingin sa kanya at hindi ko namalayan na nakatayo na pala siya habang nakatingin sa akin. Napahawak ako sa aking dibdib at naramdaman ko ang malakas na pagtibok ng aking puso ngayon. Oh my God. Feeling ko ay mahihimatay ako ngayon. “M-Mr. Dela Valle!” Humakbang ako palapit sa kanya at bahagya akong yumuko upang batiin siya. Ngumiti rin ako sa kanya ngayon kahit na labis na ang kaba na aking nararamdaman. Wala akong nakuhang ngiti galing sa kanya. Nakatingin lang siya sa akin ng seryoso na mas lalong ikinadagdag ng aking kaba. “I-I’m so happy that we can now have time to talk with each other—” Pinutol ni Enzo ang aking pagsasalita at nagsalita siya na ikinatigil ko. “You were the one saying outside of my company that you’re my fiance,” malamig niyang sabi. Nanlaki ang aking mga mata at natigilan. He remembered! “L-Lorenzo….” “I know you.” Muli akong nagulat ng sabihin niya ‘yun. He knows me! Ibig sabihin ba nito ay naaalala niya ako? Ang tungkol sa amin ng mga kabataan? Did he just test me? Ngumiti ako sa kanya at tumango. “B-Buti naman at naalala mo na ako, Enzo. Akala ko talaga ay tuluyan mo na akong nakalimutan. Sobrang nasaktan ako ng hindi mo man lang ako na-recognize—” “WHAT THE HELL ARE YOU TALKING ABOUT, WOMAN?!” sumigaw siya ng malakas. Nakaramdam ako ng matinding galit. Tuluyan ng nakalapit sa akin si Lorenzo at bahagya akong nagulat ng bigla niyang hawakan ang aking braso ng mahigpit at pakiramdam ko ay mababalian na ako ng buto sa kanyang ginagawa. “L-Lorenzo, masakit….” Matalim ang kanyang tingin sa akin at wala akong nakikitang awa sa kanyang mukha ngayon habang nakatingin siya sa akin. Hindi ko na siya kilala. “I only know you as Damon Adler’s daughter, woman. Nothing else. Are you here to spy on me? Are you going to tell your father about my plans for my business? You can’t bring me down, Miller. Say that to your father,” malamig at madiin na sabi ni Lorenzo habang nakatingin siya sa aking mga mata na puno ng galit. Binitawan niya na rin ang aking braso at bahagya siyang umatras palayo sa akin habang malamig pa rin ang kanyang tingin sa akin. Kinakalaban ba siya ni Dad sa negosyo? Bakit parang ang lalim ng galit ni Lorenzo ngayon sa pamilya ko? Umiling-iling ako habang nakatingin sa kanya. “L-Lorenzo, hindi ko alam ang pinagsasabi mo! I’m here to make you remember me. Hindi mo na ba talaga ako naaalala? I’m the girl you promised to get married with! Sinabi mo ‘yun sa akin bago ka umalis dito sa Pilipinas… bago mo ako iwan. Hindi mo na ba talaga ako naaalala, Enzo?” naiiyak kong sabi habang nakatingin sa kanya. Malamig pa rin ang ekspresyon sa kanyang mukha habang nakatingin sa akin. “Stop making things, woman. I will never believe everything you’ve said.” Humakbang ako palapit kay Lorenzo at walang pasabi na hinalikan ko siya sa kanyang labi. Mabilis akong naitulak palayo ni Lorenzo at dahil sa lakas ng kanyang pagtulak sa akin ay napahiga ako sa may sahig. Nanlaki ang kanyang mga mata na para bang gulat na gulat siya sa mga nangyari. “You kissed me!” sigaw niya sa akin. Pinilit ko na tumayo ulit at humarap sa kanya. “I want you to remember me, Lorenzo! I’m Athena… your Athena! Please, remember me,” nanghihina kong sabi habang nakatingin sa kanya. Umiling-iling siya at mabilis niyang nilabas ang kanyang cellphone at may tinawagan siya. “Call the securities. Palabasin mo ‘tong babaeng nasa opisina ko,” malamig na sabi ni Lorenzo sa kausap niya sa phone habang nakatingin pa rin sa akin. Muli akong lumapit kay Lorenzo at hinawakan ko ang kanyang kamay. May binunot akong bagay sa aking bulsa at binigay ko ito sa kanya. “L-Lorenzo, please! Maniwala ka sa akin. Magkakilala tayong dalawa—I was your girlfriend! Please, remember me—” Hindi ko na naipagpatuloy ang aking pagsasalita ng may mga pumasok ng securities sa loob ng kanyang opisina at hinawakan ang magkabila kong braso at sapilitan akong pinalabas sa opisina ni Lorenzo. Bago ako tuluyan na makalabas, nakita ko siyang tiningnan ang papel na binigay ko sa kanya. It was a picture of him and I when we were kids. Kinasal kami sa isang marriage booth at pinilit ko si Lorenzo noon kaya naiyak siya. Nakangiti ako sa picture habang pinapakita ang singsing, habang siya naman ay umiiyak. It was one of the most memorable moments between me and Lorenzo. At nagbabakasakali pa rin ako sa sa susunod… totoong kasalan na ang mangyayari. Hindi ako susuko sayo, Enzo. Not now. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD