KABANATA 6: FORGOTTEN

1555 Words
OWNING THE MAFIA BOSS EPISODE 6 ATHENA CANTIA’S POINT OF VIEW. “WHO THE hell are you?” Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan ngayon ng dahil sa gulat. Si Lorenzo na ba talaga itong nasa aking harapan ngayon? Oh my God! “I’m asking you again, woman. WHO. THE. HELL. ARE. YOU.” madiin na sabi ni Lorenzo habang nakatingin siya sa akin. Napalunok ako sa aking laway at napa kurap kurap sa aking mga mata. Ibinuka ko ang aking bibig ngunit walang lumalabas na boses galing dito. What happened? Bakit hindi ako makapagsalita ngayon? Tinaasan niya ako ng kanyang kilay at humakbang siya palapit sa akin. Ipinantay ni Lorenzo ang kanyang mukha sa aking mukha at muli siyang nagsalita. “You introduced yourself to my guards that you’re my fiance. How can that happen if I don’t even know what you’re saying? I dont even know you,” malamig na sabi ni Enzo habang nakatingin siya sa aking mga mata. Hindi niya na ba talaga ako kilala? Impossible! Yes, it’s been nine years, but I’m still the same—hindi ako nagparetoke ng aking mukha. Kamukhang-kamukha ko pa rin ang younger self ko noong magkasama pa kaming dalawa ni Enzo. Pero bakit hindi na niya ako maalala? “E-Enzo… si Athena ‘to,” mahina kong sabi habang nakatingin sa kanya. Naiiyak na rin ako ngayon dahil kahit na anong tingin ko sa kanyang mga mata, hindi ko makita dito na nakikilala niya ako. I’m a complete stranger to Lorenzo. Kumunot ang kanyang noo habang nakatingin sa akin… parang kinikilala niya ako, pero kahit na anong gawin niya ay hindi niya pa rin ako maalala. “E-Enzo—” “Stai zitta!” he shouted. Nakita ko ang pagkairita sa ekspresyon sa kanyang mukha ngayon habang nakatingin sa akin. “No one calls me that name, woman. If you call me that again, I will f*cking kill you. Do you understand me?” galit na sabi ni Lorenzo. Sa takot na aking nararamdaman ngayon ay sunod-sunod akong tumango at yumuko dahil hindi ko kayang salubungin ang kanyang tingin sa akin—ang talim… nakakapatay. “I don’t want you to see you again here at my building. If you come back here, I will throw you away by myself,” malamig niyang sabi at umalis siya sa aking harapan at tuluyan na siyang pumasok sa loob ng building. Nang makaalis si Lorenzo ay doon na nagsilabasan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Dahil sa hiya na aking nararamdaman ay napatakbo na ako palayo sa building at papunta sa aking sasakyan. Agad akong umalis sa location ng kompanya ni Lorenzo at nang makalayo-layo na ako ay itinigil ko na muna ang aking sasakyan sa gilid ng daan at doon ko na binuhos ang aking mga luha… ang paninikip ng aking dibdib na kanina ko pa nararamdaman. Bakit… bakit hindi na ako kilala ni Lorenzo? Kahit mamukhaan man lang niya ako—pero wala! Parang ibang tao ako sa kanya na ngayon niya lang nakita. What happened to him? What happened to Lorenzo after he lost his family? Huminga ako nang malalim at itinigil ko ang aking pag-iyak. Pinunasan ko muna ang mga luha na kumalat sa aking mukha at pinakalma ang aking sarili. Nang tuluyan na akong kumalma ay kinuha ko ang aking phone at tinawagan ko ang aking kapatid na si Artemis. Mabilis niya lang nasagot ang aking tawag at bago pa ako makapagsalita ay nagsalita na kaagad siya. “Oh, Athena! How was it? Nagkita ba kayong dalawa ni Lorenzo? Ano ang sabi niya? Nagkausap ba kayong dalawa?” sunod-sunod na tanong sa akin ni Artemis. Nang dahil sa kanyang mga naging tanong sa akin, muli na naman akong naging emosyonal ng maaalala ko ang nangyari kani-kanina lang. “Artemis! Hindi niya ako kilala!” sabi ko sa aking kapatid at muli akong naiyak. Pero hindi na katulad ng iyak ko kanina na para bang para akong namatayan. Ngayon ay para akong nagsusumbong habang umiiyak sa aking kapatid. “A-Artemis, sinigawan ako ni Lorenzo kanina. He even threatened to kill me if I ever call him Enzo again! Eh yun naman ang tawag ko sa kanya dati eh. Hindi ko na alam ang gagawin ko, Artemis. Naguguluhan ako! Naguguluhan ako kung bakit hindi ako kilala ni Lorenzo. Impossible! What happened to him?” umiiyak kong sabi sa aking kapatid habang nakahawak ako ngayon sa aking noo. “Athena, where are you now? Nagda-drive ka ba ng car mo?” “N-No. Itinigil ko na muna ang sasakyan ko sa gilid ng daan. Why?” “Stay there! Susunduin ka namin ni Apollo—Diyan ka lang, Athena! Papunta na kami ni Artemis! Keep your GPS open. We will locate you.” Hindi ko rin mapigilan na mapangiti dahil sa pagiging concern ng aking triplets sibling. Inaamin ko na mahina ako pagdating sa pag-ibig. All these years, I only love Lorenzo. I don’t know why I’m like this. Marami namang lumalapit sa akin na mga lalaki, pero hindi ko kayang mag-entertain ng ibang lalaki dahil si Lorenzo lang talaga ang lalaking pinakamamahal ko. Makalipas ang ilang minuto na paghihintay, dumating na rin si Apollo at Artemis. Nagpahatid lang sila sa driver namin sa mansion at agad silang nag transfer dito sa aking sasakyan. Si Apollo ang nagda-drive ngayon habang si Artemis naman ay nandito sa aking tabi ngayon habang pinapalakas ang aking loob. Hindi na muna nila ako iuuwi sa mansion dahil nandoon ngayon si Mommy at Daddy. Sigurado ako na kapag nakila nilang namumula ang aking mga mata at namumugto, hindi nila ako titigilan hanggang sa malaman nila ang totoong rason kung bakit ako umiyak. Baka dumating pa sa punto na ipapatay ni Dad si Lorenzo kapag malaman niya na binantaan ako nito na patayin kapag tinawag ko ulit itong Enzo. Dad will never hesitate to kill someone who hurt his family. Kaya alam na alam na namin na mga anak niya ang gagawin… ang hindi sabihin sa kanya ang totoo. “Paanong hindi ka nakilala ni Lorenzo, Thena? Eh hindi ka naman nagbago,” nakakunot ang noo na sabi ni Apollo. Nandito kami ngayon sa kanyang condo unit. Dito na rin siya nakatira at katulad ni Kuya Ambrose, nakabukod na rin si Apollo at minsan na lang siyang umuwi sa mansion. Himala nga at magkasama sila kanina ni Artemis eh. Huminga ako ng malalim at napasandal ako sa headboard ng couch at napainom sa alak na nasa laman ng hawak ko na baso at nagsalita. “I don’t know, Apollo. That’s why I’m also shocked. Kayo… sa tingin niyo, bakit hindi ako nakilala ni Lorenzo? Imposible naman diba? O baka naman ay nagpapanggap lang siya—but the way he looked at me earlier is like he doesn’t know me at all; that I’m complete stranger for him,” sabi ko sa aking triplets. Nagkatinginan naman silang dalawa ni Apollo at ni Artemis na may seryosong ekspresyon sa mukha. “Baka sa sobrang pagka busy ni Lorenzo ay tuluyan ka niyang nakalimutan, Athena?” patanong na sabi ni Artemis. “That’s complete bullshit, Artemis!” “Or maybe because of the traumatic incident that happened to his family, he lost some of his memories in the past.” Pareho kaming napatingin ni Artemis kay Apollo nang sabihin niya iyon. Apollo is a BS Psychology graduate, but he didn’t pursue working on it because he wants to focus on the business world. “Is it really possible for that thing to happen, Apollo?” seryoso kong tanong sa kanya. Tumango naman siya. “Yes, Athena. Some people used to do that because it’s the only thing to cope with their traumas. According to McLaughlin, if the brain registers an overwhelming trauma, it can essentially block that memory in dissociation—or detachment from reality,” seryosong sabi ni Apollo. Nakaramdam naman ako ng lungkot ng sabihin ‘yun ng aking kapatid. “Pero hindi naman kasama si Athena sa nangyari, Apollo! Bakit pati si Athena ay kakalimutan niya?” tanong ni Artemis kay Apollo. Apollo shrugged. “Dissociation causes a lack of connection in a person’s thoughts, memory, or sense of identity, and it’s prevalent to experience a case of mild dissociation.” dagdag pa ng aming kapatid. “Ano ba ‘yan, Apollo! Wala kaming maintindihan sayo eh. Pinapairal mo na naman ang pagiging BS Psychology major mo. Diretsuhin mo na kasi!” nakasimangot na sabi ni Artemis. “The brain will attempt to protect itself. Lorenzo definitely has a Dissociation. Did he change his attitude also, Athena?” seryosong tanong ni Apollo sa akin. Hinay-hinay naman akong napatango. “He threatened to kill me if I called him Enzo again. Parang… parang nag-iba na talaga siya—hindi ko na siya makilala,” mahina kong sabi. Tumango-tango si Apollo na para bang sigurado na siya sa kanyang iniisip. “Pero hindi ako sigurado kung iyon talaga… it’s just my prognostic,” sabi ni Apollo at kumuha siya ng alak at ininom niya ito. Nanahimik ako at hindi na ulit makapagsalita. Tama nga ba ang prediction ng kapatid ko tungkol sa nangyari kay Lorenzo? Kailangan kong malaman kung ano ang nangyari sa kanya sa loob ng siyam na taon na hindi ko siya nakasama. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD