OWNING THE MAFIA BOSS
EPISODE 8
ATHENA CANTIAN’S POINT OF VIEW.
“WHERE’S DAD!? I want to talk to him!”
Pumunta ako sa mansion at nang makapasok ako sa loob ay agad kong nakita si Mom na kasama ang bunso naming kapatid na si Avery sa may living room. Pareho silang na patayo at humarap sa akin na may halong pagtataka.
“Athena, what’s the matter? Bakit ang pula ng mga mata mo ngayon? Kagagaling mo ba sa pag iyak? Bakit ka umiyak?” sunod-sunod na tanong ni Mom sa akin ng makalapit siya at hinawakan niya ang aking magkabilang pisngi.
Huminga ako ng malalim at pinakalma ko ang aking sarili, pero hindi ko na napigilan ang sarili kong maiyak ulit sa harapan ni Mom ngayon.
“M-Mommy….”
Nanlaki ang kanyang mga mata sa gulat ng makita niya akong umiiyak.
“Anak! Why are you crying? What’s wrong? Sabihin mo sa akin ang totoo?!” taranta niyang tanong sa akin.
Napahikbi ako at niyakap ko si Mom at sumiksik ako sa kanyang balikat. Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin pabalik at hinagod-hagod niya rin ang aking likuran.
“What’s wrong here?”
Napakalas ako sa pagkakayakap mula kay Mom nang marinig ko ang boses ni Dad.
“Daddy!” patakbo na lumapit si Avery kay Dad at niyakap niya ito at hinalikan sa pisngi.
Pinunasan ko muna ang aking mga luha bago ako humarap kay Dad at tinignan siya ng seryoso. Kumunot ang kanyang noo habang nakatingin sa akin. Nang matapos na silang magyakapan ng bunso kong kapatid na si Avery ay nakita kong humakbang palapit sa amin si Dad.
“Why are you crying, Athena Cantia?” tanong sa akin ni Dad.
Huminga ako ng malalim bago ako magsalita at sabihin sa kanya ang katotohanan kung bakit ako umiiyak ngayon.
“I went to Lorenzo’s company, and he didn’t recognize me at all,” seryoso kong sabi kay Dad.
“Athena! Bakit ka pumunta doon?!” narinig ko na tanong ni Mommy sa akin.
Hindi naalis ang tingin ko kay Dad ngayon at hinintay ko ang magiging sagot niya sa aking tanong. Malamig ang tingin ni Daddy habang nakatingin siya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya ngayon dahil ang hirap niyang basahin.
“I told you to forget about him. Why are you so stubborn, Athena Cantia?” malamig na sabi ni Dad.
Napayukom ako sa aking mga kamao at tinignan ko ng masama si Dad.
“You can’t make me follow your orders, Dad! I need to know the truth! Why… Why did he forget me? What happened to him? And… Why is he mad at you?! Did you do something, Daddy? Did you do something bad to his family?!” hindi ko na napigilan ang aking sarili na mapataas ang boses sa magkahalong emosyon na aking nararamdaman ngayon.
“Athena! Why are you thinking like that to your Dad?!” sabi ni Mom at lumapit siya kay Dad at pinanlakihan niya ako ng kanyang mga mata.
“I can handle our daughter, Mi esposa. Ako na ang kakausap sa kanya,” malambing na sabi ni Dad kay Mom at hinalikan niya ito sa noo.
Bumuntong-hininga si Mom at umalis na siya sa harapan namin ni Dad at kasama niya rin si Avery sa pag-alis kaya kami na lang ang natira rito ni Dad sa living room ng mansion.
“What did you do to his family?” tanong ko kay Dad nang makaalis na ng tuluyan si Mom at ang kapatid ko.
Nakita ko ang bahagyang pagtaas ng kanyang kilay at bumuntong-hininga siya bago maglakad papunta sa may couch at umupo rito. Humarap ako kay Dad at mas lumapit pa ako lalo sa kanya.
“I didn’t do anything to his family, Athena. The truth is, Dennis betrayed me.”
Bahagya akong nagulat sa sinabi ni Dad sa akin. Tito Dennis betrayed him? In what aspect?
“Dad—”
“Please, Athena, just this once… makinig ka sa akin,” seryosong sabi ni Dad.
Umiling-iling ako.
“Ayoko, Dad.”
Napahawak siya sa kanyang noo at napapikit sa kanyang mga mata.
Muli akong nagsalita. “I love him, Dad! Alam niyo naman kung gaano ko siya kamahal, diba? Hindi ko kaya na mawala sa akin si Lorenzo!”
“You already lost him, Athena.”
Natigilan ako ng sabihin ‘yun ni Dad sa akin. Hindi ko maigalaw ang aking mga paa at natulala ako.
Tumayo si Dad at humakbang siya palapit sa akin. Hinawakan niya ang magkabila kong balikat at ipinantay niya ang kanyang mukha sa aking mukha at muli siyang nagsalita.
“You lost him nine years ago, anak. Wala na ang Lorenzo na minahal mo noon. Ang nakikita mo ngayon, it’s the new Lorenzo. At sasaktan ka lang niya. Papaiyakin ka lang niya ng paulit-ulit. And I don’t want you to get hurt because of that man, Athena. You know how much I love my children—you… my daughter.”
Muli akong napaiyak sa sinabi ni Daddy at tuluyan na akong napahagulgol. I both love ny parents, pero mas close talaga ako kay Daddy. And hearing those words from him makes me cry again.
Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at naramdaman ko ang kanyang paghalik sa aking noo at niyakap niya ako. Sumiksik ako sa dibdib ni Dad at mas lalo akong naiyak.
“Hindi ako makakapayag na mapahamak ka sa lalaking ‘yun, Athena,” mahinang sabi ni Dad habang yakap niya ako.
PUMUNTA AKO club kung saan ako nagtatrabaho. Nang matapos kaming mag-usap ni Dad sa may living room, lihim akong umalis sa mansion upang makapunta rito sa club. Nagulat si Nathalie nang makita niya ako na naglalakad dito sa hallway.
“M-Ma’am A! Anong ginagawa niyo rito?” tanong ni Nathalie sa akin at mabilis siyang lumapit sa akin ngayon.
Sa susunod na araw pa ang schedule ni Aphrodite kaya nagulat si Nathalie nang makita niya ako rito.
“I need to work,” malamig kong sabi ni Nathalie at nagpatuloy ako sa aking paglalakad papunta sa aking kwarto. Nakita kong sumunod sa akin si Nathalie hanggang sa makapasok na ako sa loob ng kwarto kung saan ako nagma-makeup at nagpapalit ng damit.
“P-Pero hindi niyo pa po schedule ngayon—”
“May problema ba, Nathalie?” humarap ako sa kanya at tinaasan ko siya ng aking kilay.
Napalunok siya sa kanyang laway at sunod-sunod siyang umiling.
“W-Wala po, Ma’am A. Kausapin ko lang po ang naka schedule ngayon sa pole dancing na ikaw muna ang gagawa,” sabi nito at nagmamadali siyang lumabas sa kwarto upang gawin ang kanyang trabaho.
Kailangan ko munang alisin si Lorenzo sa aking utak at ibaling sa iba ang aking atensyon. Mas mabuti ng nandito ako sa club dahil nakakakuha pa ako ng mga compliments sa mga customers namin kaysa naman maglasing ako. Sasakit lang ang ulo ko sa alak. Kaya ang gagawin ko na lang ay ang magsayaw.
Nag-ayos na ako ng aking sarili at isinuot ko na rin ang aking maskara.
Saktong-sakto nang matapos akong mag-ayos ng aking sarili ay bumukas na ang pinto ng kwarto at nakita kong pumasok si Nathalie.
“Ma’am A, okay na raw po. Pwede na kayong pumunta doon sa stage,” nakangiti na sabi ni Nathalie.
Ngumiti naman ako sa kanya at tumango.
Lumabas na ako sa kwarto upang makapunta na sa may backstage. Agad kong narinig ang mga ingay sa labas kaya hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at agad na akong pumunta sa taas ng stage. Mas lalong lumakas ang hiyawan at kita kong parang nababaliw ang mga lalaki ngayon ng makita ako.
Ngumiti ako at nagsimula na akong gumiling at humawak na ako sa pole at nagsimula na akong umikot-ikot at gawin ang aking trabaho. Habang abala ako sa aking pagsasayaw, may nararamdaman akong matalim na tingin sa akin kaya hinanap ko ito sa crowd kahit na napakaraming tao sa paligid.
Natigilan ako at nanlaki ang mga mata sa gulat ng makita ko kung sino ang nakatitig sa akin…
Si Lorenzo.
Nandito siya sa loob ng club!
TO BE CONTINUED...