SIMULA
OWNING THE MAFIA BOSS
SIMULA
ATHENA CANTIA’S POINT OF VIEW.
BATA pa lang ako ay may gusto na ako sa lalaking nagngangalan na Lorenzo Silvano Dela Valle. He’s the only son of my father’s friend, Tito Dennis Christian Dela Valle. Magkasing edad lang kami ni Lorenzo at dahil magkaibigan ang mga Dad namin ay lagi rin kaming magkasama.
“Artemis, I think Lorenzo is the one….”
Napatingin ang aking kapatid na si Artemis habang nakakunot ang kanyang noo. Artemis, Apollo, and I are triplets. Pero ang mas close ko talaga sa kanilang dalawa ay si Artemis dahil pareho kaming babae, pero close rin naman namin si Apollo pero iba talaga ang bonding namin ni Artemis dahil magkasama rin kami sa iisang kwarto.
“Athena, bata pa tayo para mag-isip ng ganyan. Hindi mo alam ang plan ni God sa life mo!” wika ng aking kapatid.
Napasimangot naman ako at humalukipkip.
“I know naman eh. Pero na fe-feel ko na talaga na si Lorenzo ang the one, Artemis. He’s such a gentleman! Pinapansin niya ako kapag binabati ko siya. Hindi rin siya snob, hindi kagaya ng ginagawa niya sa ibang girls sa school!” kinilig naman ako habang kinukwento ko iyon sa aking kapatid.
Umiling-iling si Artemis habang nakatingin siya sa akin kaya pinanlakihan ko siya ng aking mga mata.
“Don’t look at me like that!” inis kong sabi.
Nagkibit balikat siya at bahagyang ngumisi. “What? Ano ba ang uri ng tingin ko sayo at nainis ka bigla sa akin?”
“Parang tingin na masyado akong nag a-assume! I thought you would always support me, Artemis.”
“Of course, I will always support you because you’re my sister, Athena. Pero ayoko lang na masyado kang umasa kay Lorenzo. Mabait lang siya sayo dahil takot siya kay Daddy! Magkaibigan si Dad at si Tito Dennis kaya kailangan niya rin na maging gentleman sayo at hindi maging rude,” seryosong sabi ni Artemis.
Tumayo at tinignan siya ng masama. Nakaramdam ako ng sakit at inis sa sinabi ng aking kapatid sa akin ngayon.
“Stop, Artemis! Hindi ko gusto ang mga sinasabi mo sa akin ngayon.”
“Athena—”
“I don’t care! Mahal ko si Lorenzo at mahal niya rin ako!” sigaw ko at patakbong lumabas sa aming kwarto.
Sa sumunod na araw ay hinintay ko na makalabas si Lorenzo sa kanilang classroom. Hindi kasi kami classmate, pero malapit lang naman ang room ko sa room nila. Naghintay ako ng ilang minuto sa labas hanggang sa nakita ko na ang paglabas ni Lorenzo at bitbit niya na rin ang kanyang bag. Napangiti ako at patakbo akong lumapit sa kanya.
“Lorenzo! Enzo!” tawag ko sa kanya.
Nag angat siya ng tingin sa akin at tumigil din siya sa kanyang paglalakad. Lumapit ako sa kanya at huminto sa kanyang harapan habang nakangiti pa rin ako sa kanya ngayon.
“Hi, Enzo!” nakangiti kong bati sa kanya.
I love calling him Enzo kasi ako lang ang nag-iisang tao na tumatawag sa kanya ng ganun. Hindi niya naman ako pinagbabawalan kaya ipinagpapatuloy ko na lang ang pagtawag sa kanya ng Enzo.
“Hello, Athena,” bati niya pabalik sa akin, pero straight face lang siya ngayon habang nakatingin siya sa akin.
Ang cold ng ekspresyon ng kanyang mukha. Never ko pang nakita na ngumiti si Enzo. Kailan ko kaya siya makikita na ngumiti?
“Enzo, pwede ba tayong mag-usap?” tanong ko sa kanya.
Bahagyang kumunot ang kanyang noo at nagsalita ulit. “Nag-uusap na tayo ngayon, Athena.”
“I-I mean in private, Lorenzo! Gusto ko sana na makausap ka in private,” sabi ko at napakagat sa aking labi.
Matagal ang naging tingin niya sa akin bago siya tumango. Nakaramdam ako ng tuwa at hinawakan ko na ang braso ni Enzo at dinala siya sa tahimik na lugar kung saan malaya kaming makapag-usap dalawa.
Dinala ko siya sa may garden area ng aming campus kung saan maraming mga malalaking kahoy at mga bulaklak sa paligid. May mga bench din na pwedeng upuan sa paligid pero nakatayo pa rin kami ni Lorenzo habang magkaharap dalawa.
“Ano ang gusto mong pag-usapan nating dalawa, Athena?” tanong niya sa akin.
Napalunok ako sa aking laway at napatitig sa kanya.
Naalala ko na ang ginawa ko noong bata pa kaming dalawa. Hinila ko siya sa isang marriage booth at kahit na inis na inis na si Lorenzo at naluluha na ay pinilit ko pa rin siyang pakasalan ako. Pumirma kami sa isang papel kung saan nakalagay na kasal na kaming dalawa. Alam ko naman na walang katotohanan ang ginawa namin noon dahil bata pa kaming dalawa, pero hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na iyon dahil sa araw na iyon ko napagtanto na mahal ko si Lorenzo at siya lang ang lalaking mamahalin ko forever.
“Lorenzo, alam mo naman na may gusto ako sayo diba?” patanong ko na sabi sa kanya.
Nakita ko ang pagtaas ng kanyang kilay na parang sinasabi niya na… then? Ano naman ang pakialam ko? Pero hindi iyon sinabi ni Enzo sa akin dahil mabait siya sa akin.
“Yes, why?” sambit niya.
Muli akong napalunok sa aking laway at ipinagpatuloy ang aking sasabihin.
“G-Gusto ko lang malaman kung gusto mo rin ba ako? May gusto ka rin ba sa akin, Enzo? Mahal mo ba ako? Gusto ko lang malaman kung mutual ang nararamdaman natin sa isa’t-isa…” naiiyak na ako ngayon habang sinasabi ko iyon sa kanya.
Handa na akong masaktan kung ano man ang kanyang sasabihin ngayon. Kailangan ko nang malaman ang totoo kung nag a-assume lang ba talaga ako, o mutual talaga ang nararamdaman namin sa isa’t isa?
“Athena, anak ka ni Tito Adler….”
Parang nawala bigla lahat ng pag-asa ko sa sinabi ni Lorenzo ngayon.
My sister was right… kaya mabait sa akin si Lorenzo dahil nirerespeto niya lang si Daddy—dahil anak ako ni Daddy Adler. Pina pakisamahan niya lang ako dahil anak ako ng kaibigan ng kanyang Dad. Iyon lang ang dahilan at wala nang iba.
Ako ang assuming.
“Y-You don’t like me?” mahina kong tanong habang nakatingin pa rin sa kanya.
Ito na ang huling beses na magtanong ako sa kanya.
Napahawak si Lorenzo sa kanyang noo at huminga siya ng malalim bago muling tumingin sa akin ng seryoso at sagutin ang aking tanong.
“I’m sorry, Athena, pero hindi kita gusto.”
Tuluyan na akong naiyak sa sinabi ni Lorenzo at patakbo akong lumayo sa kanya.
“Athena!” narinig ko pa ang pagtawag niya sa aking pangalan pero hindi ko ito pinakinggan.
Ang sakit… sobrang sakit!
Akala ko ay mutual na ang nararamdaman namin sa isa’t isa—ako lang pala ang nagmamahal sa aming dalawa.