OWNING THE MAFIA BOSS
EPISODE 4
ATHENA CANTIA’S POINT OF VIEW.
“DAD! Dad, Mom, open the door! This is urgent. I need to talk to Dad right now!” sigaw ko habang sunod-sunod kong kinakatok ngayon ang pintuan ng kwarto ng aking mga magulang.
Nang malaman ko na nandito sa Pilipinas si Enzo, agad akong umuwi rito sa mansion upang makausap si Daddy. Kailangan ko siyang makausap. Kung may tao man na alam ang lahat, ang Daddy Adler ko ‘yun.
“Daddy—”
“What the f*ck, Athena Cantia Montenegro Miller?! It’s already 2 AM! What do you want?!” galit na sabi ni Dad nang mabuksan na niya ang pinto ng kanilang kwarto ni Mom.
Napatingin naman ako sa loob ng kwarto nila at nakita ko ngayon si Mommy na nakahiga sa kama habang nakasimangot na nakatingin sa akin. Hindi na ako bata para hindi malaman kung ano ang ginagawa ng mga magulang ko ngayon. Wala naman akong pakialam sa ginagawa nila eh, pero ngayon ay kailangan ko talagang makausap si Daddy dahil kung hindi… hindi ako makatulog kaiisip.
“Is Lorenzo in the Philippines right now?” tanong ko kay Dad.
Nakita ko ang bahagyang pagkagulat sa mukha ni Dad nang itanong ko iyon sa kanya. Napahagod siya sa kanyang buhok at lumabas siya sa kwarto nila ni Mom at sinira niya ang pinto at hinawakan ako ni Dad sa aking braso at dinala niya ako papunta sa kanyang opisina at tahimik naman akong sumunod.
“Why did you ask that, Athena?” tanong ni Dad sa akin nang makapasok na kami sa kanyang opisina.
Humalukipkip naman ako at tinignan ko siya ng seryoso.
“I saw him kanina, Daddy. Akala ko ay namamalikmata lang ako, but I was right; he’s here! And here’s more… how true na ikakasal na siya?” sabi ko kay Dad at napataas ako sa aking kilay habang nakatingin sa kanya.
Kinatatakutan sa lahat ng mga tao ang Dad ko. They called him the Devil Billionaire, but as his daughter, I’m not afraid of him.
“Athena, calm down and sit here besides me,” malumanay na sabi ni Dad habang nakaupo sa kanyang couch dito sa opisina habang nakatingin sa akin.
Hindi ko sinunod ang sinabi ni Dad. Hindi rin naman ako magtatagal eh. May gusto lang akong makuha na impormasyon galing sa aking ama ngayon.
“No need to sit down, Dad. I need your answers now. Bakit hindi mo sinabi sa akin na nandito na si Enzo sa Pilipinas? Dad, I love him! Alam mo naman ang tungkol doon, diba? Enzo is the love of my life. Dapat ay hindi niyo ito nililihim sa akin!” sabi ko kay Dad at bahagyang tumaas ang boses ko dahil sa magkahalong emosyon na aking nararamdaman ngayon.
Seryoso ang tingin ni Dad habang nakatingin sa akin.
He sighed. “His family died, Athena.”
Na estatwa ako sa aking kinatatayuan at nanlalaki ang mga mata ko sa sinabi ni Daddy.
“W-What?” nauutal kong tanong kay Dad.
“Your Tito Dennis and Tita Georgina died in an ambush in Italy, Athena. No one survived. Only Lorenzo survived because he was out of town for a school trip,” seryosong sabi ni Dad.
Hina akong napaupo sa couch na nasa aking tabi at muling napatingin kay Dad.
Bakit ngayon ko lang nalaman ang tungkol dito? Bakit hindi sinabi kaagad ni Dad sa akin? Edi sana ay nasamahan ko si Lorenzo sa pagluluksa niya! Edi sana ay hindi siya mag-isa at natulungan ko siya.
“Why didn’t you tell me about all of this, Daddy? It’s important information that I should have known!” galit kong sabi sa kanya.
“You were too young when it happened, Athena. It’s been five years since Lorenzo’s family died. He came back here to the Philippines this year to personally operate the Dela Valle Company,” muling sabi ni Dad na ikinagulat ko.
Five years?! Limang taon na pala simula nang mawala ang mga magulang ni Lorenzo, pero hindi ko man lang nalaman?! Oh my God! Ang dami kong hindi alam! Naiinis ako. Bakit ginawa ni Dad sa akin 'to? I should know about all of this.
Ang daming alam ni Dad na hindi niya man lang sinabi sa akin. Nakaramdam ako ng tampo sa aking sariling ama ngayon dahil alam na alam niya kung gaano ko kamahal si Lorenzo. Alam niya na kapag tungkol na kay Lorenzo ang pag-uusapan namin ay makikinig ako ng mabuti sa kanya.
Lorenzo is everything to me.
“Dad…. Why did you do this to me? I feel betrayed by my own father!” malungkot kong sabi kay Dad.
Bumuntong-hininga siya at muling nagsalita.
“Because I don’t want you to get in trouble, Athena. Wala na rin si Dennis kaya wala nang koneksyon ang namamagitan sa mga Miller at Dela Valle.”
Napasinghap ako sa sinabi ni Dad at hindi ako makapaniwala.
“W-What? What do you mean na wala nang koneksyon ang namamagitan sa pamilya natin sa kanila? Enzo is still there, Daddy! What about him, huh?” napatayo na ako ngayon habang nakatingin pa rin kay Daddy.
“Don’t be stubborn, Athena Cantia. Lorenzo is not the same Lorenzo you have known long ago. He has changed a lot. So please, for your own safety, kalimutan mo na ang kabaliwan mo sa Dela Valle na iyon. Besides, he’s engaged to Elizabeth Ivanov, a daughter of a Russian businessman. Lorenzo will never be yours, darling,” seryosong sabi ni Dad sa akin ngayon, parang wala siyang pakialam kung masaktan man niya ang aking damdamin.
Tahimik lang ako ngayon habang nakatingin kay Dad. Naramdaman ko ang pagtulo ng aking mga luha galing sa aking mga mata at agad ko rin itong pinunasan. Umiwas ako ng tingin kay Dad at huminga ako ng malalim bago ako matapang na muling tumingin sa aking ama.
“I hate you for doing this to me, Daddy. But I want you to know that I will not stop loving Lorenzo. He’s mine, Dad. Hindi ako makakapayag na ikasal siya sa iba,” malamig kong sabi sa aking ama at tumalikod na ako sa kanya at naglalakad na ako ngayon palabas sa kanyang opisina.
Bago ako tuluyan na makalabas sa opisina ni Dad ay narinig ko pa ang kanyang huli na sinabi sa akin.
“You will regret not following what I have said to you, Athena Cantia!”
Ngumisi ako at umiling-iling hanggang sa tuluyan na akong makalabas sa opisina ni Dad.
No, Dad… hinding-hindi ko pagsisisihan itong gagawin ko.
Hindi ako susuko.
TO BE CONTINUED...