KABANATA 5: FUTURE WIFE

1340 Words
OWNING THE MAFIA BOSS EPISODE 5 ATHENA CANTIA’S POINT OF VIEW. “If dad said you should stop chasing Lorenzo, do it. He knows everything, Athena. Sigurado akong may nakitang mali si Dad kay Lorenzo kaya niya ito pinapalayo sayo,” seryosong sabi ni Artemis. She’s so annoying. Sinabi ko sa kanya ang pinag-usapan namin ni Dad at iyong kaganapan na nakita ko si Lorenzo sa isang bar. Pero hindi ko sinabi kay Artemis kung saan na bar dahil malalaman niya ang sikreto ko. “I hate you! Naguguluhan na ako sayo, huh? Are you really on my side, or you’re on the opposite side?!” inis kong tanong sa aking kapatid. Inirapan niya ako. “There’s no opposite side, Athena. I’m just telling the truth! Ayoko naman na magsinungaling sayo. Sinasabi ko lang kung ano ang nasa utak ko.” “At minsan mas maganda na tumahimik ka na lang at ‘wag mong sabihin ‘yang nasa isipan mo!” inis kong sabi at sumimangot ako. Bumuntong-hininga siya at muling nagsalita. “Look… I’m sorry, Athena, pero sa totoo lang, may tama si Daddy. Hindi mo na kilala si Lorenzo. It’s been nine fvcking years, sister! Nagbago ka na nga eh, si Lorenzo pa kaya?” sabi ni Artemis na ikinatahimik ko. She’s right. Nagbago nga ako—marami ngang nangyari sa buhay ko… siya pa kaya? He lost his family. Sobrang sakit na nun. Ako nga na… nevermind. Pero hindi naman siguro nagbago si Lorenzo in a bad way… right? Huminga ako ng malalim at napahilamos ako sa aking mukha bago muling mapatingin kay Artemis. “Help me, Artemis.” Kumunot ang kanyang noo sa aking sinabi. “Huh? Help you from what?” nagtataka niyang tanong sa akin. “Help me to find Lorenzo.” Mas lalo siyang naguluhan. “Huh? Diba nandito na siya sa Pinas? Umalis na naman ba?” “Duh?! Yes, nandito siya sa Pinas, pero hindi ko alam kung saan siya nakatira,” inis kong sabi. Inilabas ni Artemis ang kanyang phone kaya nakakunot din ang aking noo. “Anong gagawin mo? Tatawag ka na ba ng private investigator?” tanong ko sa kanya. Natigil siya sa kanyang ginagawa at nag angat siya ng tingin sa akin. “Huh? Anong private investigator ang pinagsasabi mo riyan, Athena? Hinahanap ko si Lorenzo sa internet!” sabi niya. Inirapan ko siya. “Bakit, mahahanap ba ang bahay ni Lorenzo dyan sa internet? My Gosh, Artemis!” “Ang kompanya niya ang hinahanap ko ngayon, Athena. My Gosh! Naturingan kang matalino, pero pagdating kay Lorenzo ay ang bobo mo!” Hindi ako makapagsalita ulit nang sabihin ‘yun ni Artemis. Nakakabobo talaga ang pag-ibig. Hinintay ko na lang si Artemis kung ano ang susunod niyang gagawin. Makalipas ang ilang minuto na nakatutok siya sa kanyang phone, bigla siyang sumigaw at ngumiti. “Bingo!” “What?” tanong ko sa kanya at lumapit ako kay Artemis. Ngumiti sa akin si Artemis at iniharap niya sa akin ang screen ng kanyang phone. “Sabi ko naman sayo eh… mahahanap natin si Lorenzo sa internet!” nakangiting sabi ni Artemis. Kinuha ko naman sa kanya ang kanyang phone at tinignan ko ng maigi ang nakasulat sa kanyang screen sa phone ngayon… ang address ng Dela Valle Company. Napangiti ako at muli akong nag-angat ng tingin kay Artemis at lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit at sunod-sunod ko siyang hinalikan sa kanyang pisngi. “I love you so much, Trippy! Ikaw talaga ang the best kahit na nakakainis ka!” nakangiti kong sabi habang nakayakap ako sa aking kapatid. Maghahanda na ako sa aking sarili… pupuntahan ko si Lorenzo sa kompanya niya. NANG malaman ko kung nasaan ang kompanya ni Lorenzo, agad akong naghanda sa aking sarili. Hindi na ako magpatumpik-tumpik pa. Kailangan ko nang pumunta doon at kausapin siya. Alam kong naalala niya pa ako… naalala niya pa ang kanyang pangako sa akin. Huminga ako ng malalim at tinignan ang repleksyon ko sa salamin. Nagsusuklay ako ngayon sa aking mahabang buhok. Ngumiti ako sa aking sarili. “Magkikita na rin tayo, Enzo ko.” Nang matapos na akong mag-ayos ng aking sarili ay agad din akong lumabas sa aking kwarto at bumaba. Nang makababa ako sa may hagdan ay agad kong nakita sa may living room si Artemis na nakahiga sa may couch habang may pinapanood sa kanyang Ipad. Natigil naman siya sa kanyang ginagawa at napatingin siya sa akin. “Oh, aalis ka na? Sigurado ka bang papapasukin ka doon sa kompanya nila?” tanong sa akin ni Artemis. Tinaasan ko naman siya ng aking kilay. “At bakit naman hindi nila ako papasukin doon? I’m Athena Cantia Montenegro Miller! I’m Damon Adler’s daughter. Impossible naman kung hindi nila ako kilala ‘no,” sabi ko sa aking kapatid. Nagkibit balikat naman siya. “Hmm, tingnan lang natin….” Iniinis na naman ako ni Artemis. “Alis na nga ako! Binubwisit mo na naman ako, Artemis. Araw-araw na lang!” sabi ko at padabog na umalis. Narinig ang malakas niyang pagtawa habang papalabas ako sa mansion. Ginamit ko ang aking sariling sasakyan at hindi na ako nagpahatid sa mga drivers namin. Sinunod ko na lang kung saan ang itinuturo ng map sa akin kung nasaan ang location ng company ni Lorenzo. Makalipas ang isang oras, nakarating na rin ako sa sobrang laki na building ng Dela Valle Company. Bakit ngayon ko lang nalaman na may ganito pala sila rito sa Pilipinas? Kasalanan ko rin naman kung bakit hindi ko alam ang tungkol dito dahil masyado akong naging busy sa aking dalawang mundo. “Ma’am, may appointment na po ba kayo sa loob?” hinarang ako ng guard na nakabantay sa entrance ng kumpanya na pagmamay-ari ni Lorenzo. Tinaasan ko naman ito ng aking kilay. “Kailangan pa ba ng ganyan?” Tumango ito. “Yes, Ma’am. Bawal pong pumasok dito sa kompanya kapag walang appointment at hindi empleyado ng kompanya,” sagot nito. Humalukipkip naman ako at ngumiti ako kay Kuya Guard. “No need na ng appointment, Kuya Guard! Kilala ako ng may-ari ng kompanyang ito. Actually, I’m his future wife!” nakangiti kong sabi. Nagkatinginan sila ni Kuya Guard sa isa niya pang kasama na guard at sabay silang tumawang dalawa. Nawala ang ngiti sa aking labi at kumunot ang aking noo habang nakatingin sa kanila. “Why are you both laughing? Walang nakakatawa!” inis kong sabi sa kanila. “Ma’am, kilala namin ang fiance ni Sir Lorenzo… at hindi ikaw ‘yun! Hindi mo na kami madadala sa ganyan, Ma’am. Pang ilang babae na po sa nagsasabi ng ganyan para lang makapasok sa loob,” nakangising sabi ni Kuya Guard habang napailing-iling. Napaawang naman ang aking bibig ng dahil sa kanilang sinabi. “W-What the… totoo ang sinasabi ko! Iyong alam niyo na fiance ni Lorenzo, hindi totoo ‘yun! Ako ang pakakasalan ni Lorenzo!” napalakas ang boses ko dahil sa inis na aking nararamdaman. Nakita kong tumahimik ang dalawang guard kakatawa at bahagya silang yumuko. Kumunot naman ang noo ko habang nakatingin sa kanila. Siguro ay na-realize na sila na tama ang aking sinabi. Napahawak naman ako sa magkabila kong bewang at ngumisi ako sa kanila. “Ano, natahimik kayo diyan? Totoo kasi ang sinabi ko… ako ang future wife ni Lorenzo—” “Future wife ko?” Natigil ako sa aking pagsasalita ng marinig ko ang boses na iyon. Parang biglang nag-slow mo ang paligid nang marinig ko ang boses na iyon. Unti-unti ring nanlalaki ang aking mga mata at slow mo rin akong napaharap sa kanya at… at… nakita ko siya—nandito siya sa aking harapan ngayon! Nakahalukipkip siya ngayon habang malamig ang ekspresyon sa kanyang mukha habang nakatingin sa akin. Tinaasan niya ako ng kanyang kilay. “Who the hell are you?” Na estatwa ako sa aking kinatatayuan at parang bigla akong napipi. Si Lorenzo ba talaga itong nasa aking harapan ngayon? Oh… Oh my God…. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD