OWNING THE MAFIA BOSS
EPISODE 3
ATHENA CANTIA’S POINT OF VIEW.
SA isang linggo kong pag-stay sa Italy ay hindi ko pa rin talaga nahahanap si Lorenzo hanggang sa tuluyan na akong sumuko. Naaawa na rin ako sa aking kapatid na si Artemis na hindi na ulit nagreklamo kahit na kitang-kita ko sa kanyang pagmumukha na pagod na pagod na siya sa ginagawa naming pagpunta sa iba’t ibang lugar dito sa Italy upang mahanap si Lorenzo.
Siguro ay wala na talaga siya sa Italy. Siguro ay nasa malayong lugar na siya at may asawa na siya. Imposible na hanggang ngayon ay single pa rin siya. Sobrang gwapo kaya ni Lorenzo! Kaya nga ako na inlove sa kanya, diba? Tsk! It’s been nine years at sigurado akong hindi niya na rin ako naalala at namumukhaan kung magkikita man kaming dalawa. Pero ako? Namumukhaan ko pa rin siya.
“Susuko ka na ba talaga, Athena?” tanong sa akin ni Artemis.
Napatingin naman ako sa kanya. Nandito kami ngayon sa loob ng eroplano at pauwi na kami ng Pilipinas. Haharapin ko na naman ang realidad.
Huminga ko ng malalim at malungkot akong ngumiti sa aking kapatid.
“Parang ganun na nga ang gagawin ko, Artemis. Ang hirap hanapin ng taong matagal nang lumayo sayo. Siguro ay hindi talaga kami para sa isa’t isa ni Lorenzo. Masakit… sobrang sakit dahil simula pa noong bata ako ay siya na ang lalaking minahal ko at saksi kayong lahat sa naging kalandian ko noong bata pa tayo. Pero wala na akong magagawa pa, Artemis. Titigil na talaga ako,” mahina kong sabi kay Artemis at bahagya akong napayuko.
Si Enzo lang talaga ang lalaking minahal ko at nagustuhan ko simula pa noon. Ngayon na isa na akong modelo, maraming mga lalaking gustong manligaw sa akin at ang iba pa ay mga sikat na personalities, businessmen, at mga artista. Pero ni isa sa kanila ay hindi ko binigyan ng atensyon dahil si Lorenzo Silvano lang talaga ang lalaking pinakamamahal ko.
Pero ngayon ay na-realize ko nang hindi talaga si Lorenzo ang para sa akin… na hindi kami para sa isa’t isa.
Wala sa bokabularyo ko ang sumuko sa aking pagmamahal kay Lorenzo, pero ngayon ay wala akong magawa kundi ang mag move on na lang. Hindi ko na rin naman siya makikita eh. Ano pa ba ang gagawin ko? Hindi habangbuhay ay maghihintay ako sa kanya.
“SIMULA ngayon ay mag mo-move on na ako kay Lorenzo Silvano De La Valle. Kaya kayo, ‘wag na ‘wag niyo nang mababanggit ang kanyang pangalan!” sabi ko sa aking mga kapatid.
Nang makauwi kami ni Artemis sa Pilipinas at makauwi na kami sa mansion ay agad kong tinipon ang buo kong mga kapatid sa theater room dito sa mansion upang kausapin ko sila. Buti na lang at nandito silang lahat sa Manila nang makauwi kami ni Artemis at hindi rin sila busy lalo na si Kuya Ambrose.
“What do you mean, Athena? Nalaman mo bang may girlfriend nang iba ang long time crush mo?” tanong sa akin ni Kuya Ambrose habang nakataas siya sa kanyang kilay. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Apollo na nasa kanyang tabi ngayon kaya pareho ko silang tinignan ng masama.
“Stop laughing, Apollo!” inis kong sabi sa aking kapatid na si Apollo, triplets namin ni Artemis. Tumigil naman siya sa kanyang pagtawa at umarte na zinipper niya ang kanyang bibig.
Huminga ako ng malalim bago ko sinagot ang tanong ni Kuya Ambrose sa akin.
“I realized that Lorenzo and I are not meant for each other. So I decided to finally move on and find my perfect match!” nakangiti kong sabi sa aking mga kapatid.
Walang nagsasalita ni isa sa kanila na aking mga kapatid. Nakita ko si Ares na napatingin sa kanyang phone. Nang tinignan ko naman ang aming bunso na si Avery ay nakita ko siyang ngumiti sa akin na halatang walang pakialam sa aking sinasabi ngayon.
Magsasalita na sana ako nang biglang magsalita ang kapatid ko na si Anais.
“So you’re now ready to marry Fabio, Ate Athena?”
Muntik na akong mabulunan sa sarili kong laway nang itanong iyon bigla ng aking kapatid na si Anais. Nakita kong napatingin na rin ang iba kong kapatid sa kanya at masama rin ang tingin ngayon ni Kuya Ambrose.
“Sinong ikakasal? Walang ikakasal sa inyo,” masungit na sabi ni Kuya Ambrose.
Sobrang protective ni Kuya Ambrose sa aming mga kapatid nyang babae. Well, sila namang lahat na mga lalaki kong kapatid ay protective sa aming mga kapatid nilang babae, lalo na sa bunso namin na si Avery. Kaya ganito ang reaksyon ngayon ni Kuya Ambrose sa naging biglaang tanong ni Anais sa akin.
“Anais, Fabio is just a friend of mine, okay? Ew! Never akong magpapakasal sa kanya,” sagot ko sa kanyang tanong.
Nakita ko naman ang malungkot na ngiti ni Anais sa naging sagot ko at bahagya siyang yumuko kaya nagtataka rin ako sa naging reaksyon niya. May gusto ba siya sa aking kaibigan na si Fabio? Imposible.
Nang matapos na kaming mag usap-usap na magkakapatid ay nagpaalam na ako sa kanilang lahat pati na rin kay Mommy at Daddy. Sa aking condo unit ako uuwi ngayong gabi, pero hindi pa ako didiretso doon dahil may iba pa akong pupuntahan.
“APHRODITE, hinahanap ka na sa labas.”
Hinanda ko na ang aking sarili para sa aking show ngayon. Napatingin na muna ako sa aking repleksyon sa salamin na nasa aking harapan bago ko isuot ang maskara sa aking mukha para matabunan ang buo kong mukha at tanging namumula kong labi lang at ang aking mga mata ang nakikita ngayon.
This is my other secret… I have a different personality and another name.
No one knows me here as Athena Cantia Montenegro Miller.
They have known me as Aphrodite, the s****l fantasy of every man in Fantasy Night Club.
“Coming, Nat!” sabi ko sa aking kasamahan ngayon na dancer dito sa club.
I am a pole dancer and I also seduce the male customers in this club too. Pero hanggang tingin lang silang lahat sa akin. Kahit na bayaran nila ako ng maraming pera ay hindi ako magpapahawak sa kanila.
Bakit ko nagawang pasukin ang trabaho na ito kahit na sobrang yaman na ng aking pamilya?
I have a deep reason why I entered this kind of job.
At ito ang isa sa mga hindi pwedeng malaman ng buo kong pamilya dahil sigurado akong magagalit sila, lalo na ang aking mga magulang at mga kapatid.
“Woah! Go, Aphrodite! Give us a hot damn show!” sigaw ng isang lalaki sa may crowd at napahiyaw na rin ang lahat.
Pumunta na ako sa may stage at nagsimula na akong gumiling at lumakas na rin ang tugtog ngayon para sa aking performance. Isang black bra na litaw na litaw ang aking dibdib at konting-konti na lang ang natatakpan ang aking suot ngayon at isang maikling black panty short. Nakasuot ako ng mahabang itim na boots.
Nagsisimula na akong sumayaw ngayon at kumapit na ako sa may pole at nagsimula nang umikot-ikot dito at ginawa ang mga sexy ko na mga moves at tricks na mas lalong nagpapahiyaw ng mga lalaki sa crowd ngayon.
Gustong-gusto ko ang mga hiyaw nila na ako ang dahilan. Gustong-gusto ko na sinasamba ako ng mga lalaki at naaakit ko silang lahat. Mas lalo akong naging makapangyarihan lalo na’t nakikita mo silang nagmamakaawa para lang makahawak sa akin.
I feel so powerful when I am Aphrodite and not Athena.
Habang sumasayaw ako rito ngayon sa may stage ay may nararamdaman ako na parang may nakatitig sa akin ngayon… nakakapasong titig. Hinanap ko ito sa aking paningin at nanlaki ang aking mga sa gulat at bahagya akong natigilan ng makita ko kung sino ang nakatingin sa akin ngayon.
Lorenzo?
Totoo ba ‘tong nakikita ko, o namamalikmata lang ako ngayon?
“Aphrodite, gumiling ka pa!” sigaw ng isang lalaki.
Na di-distract ako sa kanyang titig ngayon at hindi na ako naka pagsayaw. Huminga ako ng malalim at muli kong ipinagpatuloy ang aking pagsasayaw ngayon.
Siya ba talaga ‘yun? Kailangan kong makompirma kung si Lorenzo ba talaga ang nakita ko kanina sa crowd!
Nang matapos na ang aking performance ay agad akong umalis sa stage. Kailangan ko munang magpalit ng aking damit at bumalik sa pagiging Athena ko dahil hindi niya ako pwedeng makita bilang Aphrodite. Sinubukan akong habulin ng ibang mga lalaking customers, buti na lang at to the rescue kaagad ang mag bouncer dito sa club kaya mabilis akong nakapunta sa backstage at doon sa aking room.
Agad kong pinapunta si Nathalie at nang makapasok siya ay nagtanong kaagad ako sa kanya.
“Kilala mo ba kung sino ‘yung nakaupo sa VIP section sa labas?” tanong ko kay Nathalie.
Kumunot naman ang kanyang noo.
“Sino do’n, Ma’am A?” tanong niya sa akin.
“Sa may VIP table four, Nat. Pwede mo bang alamin kung may nagngangalan bang Lorenzo sa mga lalaking nakaupo doon? Please….” pakiusap ko sa kanya.
Napatango naman si Nathalie at lumabas na siya sa aking kwarto upang magawa ang aking inuutos sa kanya. Si Nathalie ang kanang kamay ko at isa rin siya sa mga part time dancer dito sa club. I have two personalities dito sa club at si Nathalie lang ang nakakaalam. I am Aphrodite and at the same time I am the owner of this Club Ma’am A is the name.
Inalis ko na ang maskara na suot ko at inalis ko na rin ang makapal na makeup sa aking mukha ngayon at nagbihis na rin ako ng damit.
Makalipas ang ilang minuto ay bumalik na si Nathalie at sinalubong ko naman siya ng tanong.
“So what? Nakakuha ka ba ng impormasyon sa natong ko kanina?”
Tumango siya. “Yes, Ma’am A. There’s a man named Lorenzo Dela Valle in the V.I.P table four. They are here to celebrate a bachelor’s party. Ang lalaking nag ngangalan na Lorenzo ang ikakasal, Ma’am A.”
Nanlalaki ang mga mata ko sa gulat ng sabihin ‘yun ni Nathalie sa akin. Hindi ma proseso ang lahat ng aking nalalaman ngayong gabi.
Nandito na sa Pilipinas si Lorenzo. All this time ay nandito siya?! Bakit hindi ko man lang alam? At… at ikakasal na siya? Kanino siya ikakasal?!
“I need to go there,” mahina kong sabi. Akmang lalabas na ako ng kwarto ng magsalita ulit si Nathalie na ikinatigil ko.
“Umalis na po iyong Lorenzo na sinasabi niyo, Ma’am A. Parang nagmamadali at may kausap din ito sa phone. Kaya kahit na lumabas kayo doon, hindi niyo na siya makikita.”
Napayukom ako sa aking mga kamao at huminga ng malalim upang pakalmahin ang aking sarili ngayon dahil naiinis na ako.
Dammit!
Kailangan kong makaharap si Lorenzo.
Kailangan ko siyang makausap.
TO BE CONTINUED...