KABANATA 2: NIGHTMARES

1153 Words
OWNING THE MAFIA BOSS EPISODE 2 ATHENA CANTIA’S POINT OF VIEW. “Athena, help me. Don’t leave me!” “Look what have you done! Kung hindi ka lang sana nagmamatigas ng ulo, hindi mangyayari sa akin ‘to!” “You’re a f*****g killer, Athena. Mamamatay tao ka! You selfish b***h!” “No… please, please come back! Don’t do that!” “ATHENA!” Napamulat ako sa aking mga mata habang hinihingal at naninikip din ang aking dibdib ngayon sa sakit na aking nararamdaman. Napatingin ako sa aking tabi at nakita ko ang aking kapatid na si Artemis na nag-aalala na nakatingin sa akin. “Binabangungot ka, Athena,” mahina niyang sabi. Napahilamos ako sa aking mukha at ngayon ko lang din napansin na pinagpapawisan ako at may tumulo rin na luha sa aking mga mata. Another nightmare, the same scenario. Kailan ba ako matitigil sa bangungot na ‘yun? “May kailangan ka ba?” muling sabi ni Artemis. “Water… water, please,” nanghihina kong sabi. Tumango si Artemis at mabilis niyang sinunod ang aking inutos sa kanya. Napasapo ako sa aking noo at napatulala sa nangyari sa akin kanina. Every night, I have nightmares. Hindi ito nawawala at nagigising na lang ako sa madaling araw at ang aking nagagawa na lang ay ang maiyak at tahimik na humingi ng tawad sa lahat ng nagawa ko sa nakaraan. Ang nakaraan na hinding-hindi ako nilulubayan. “Athena, inom ka muna ng tubig.” Nakita kong dumating na si Artemis habang may dala siyang tubig. “S-Salamat, Artemis,” mahina kong sabi at kinuha ko na sa kanya ang tubig at ininom ko ito ng diretso. Nang maubos ko ang tubig ay nakaramdam ako ng konting ginhawa. Huminga ako ng malalim at inayos ko ang aking sarili at humarap ako kay Artemis. Alam kong nag-aalala siya nang sobra sa akin sa nangyari sa akin kanina. Ngayon lang ata niya ako nakitang binabangungot dahil hindi naman kami magkasama sa iisang kwarto, ngayon lang na nandito kami sa iisang hotel room at isa lang din ang room. “Thena, okay ka lang ba? May sinasabi ka kanina habang binabangungot ka….” Bahagyang nanlalaki ang aking mga mata ng sabihin ‘yun ni Artemis. “A-Ano ang sinabi ko?” tanong ko sa kanya. “Parang please, come back, iyon ang narinig ko kanina habang sinasabi mo. Parang takot na takot ka rin, Athena. Naalala mo ba kung ano ang panaginip mo?” sabi ni Artemis. Napakurap kurap ako sa aking mga mata at umiwas ako ng tingin sa kanya. “N-Not anymore, Artemis. Sa pagod ko lang siguro ‘to kaya ako binangungot. Punta lang muna ako sa may CR,” sabi ko sa aking kapatid at bumangon na muna ako sa kama at naglalakad papunta sa may CR. Ni-lock ko ito at mabilis akong dumiretso sa may sink at binuksan ko ang faucet at binasa ko ang mukha ko ng tubig. Nang mapatingin ako sa may salamin ay napasigaw ako sa gulat ng may makita akong babae na duguan sa aking likuran. Pero nang tingnan ko ulit ito sa may salamin at sa aking likuran ay wala na akong nakita… wala akong nakita na babae. Napahawak ako sa aking dibdib at huminga ng malalim. Minumulto na ba ako ng nakaraan? It’s been nine years since that traumatic incident happened, haunting me until now. Kailangan ko na atang pumunta sa therapist para mawala na ‘tong bangungot at hallucination ko gabi-gabi. Hindi na normal ‘to, kailangan na itong mawala. “ATHENA, kanina pa tayo palakad-lakad dito! Sure ka ba talaga na nandito ang bahay nila Lorenzo sa Florence? May picture muna tayo rito sa mga tourist spots, please!” reklamo ng aking kapatid na si Artemis. Ito ang unang araw ng paghahanap ko kay Lorenzo. May address na ako rito kung saan ang bahay ng kanyang Dad na si Tito Dennis. At sigurado rin ako na nandoon din si Lorenzo at ito na ang pinuntahan namin ni Artemis dito sa Florence, Italy. Kanina pa kami palakad-lakad dahil nandito lang daw malapit sa sentro ang bahay nila Lorenzo ngunit wala pa akong nahahanap. “Athena naman eh!” muling sabi ng aking kapatid at nagpapadyak na siya ngayon habang nakasimangot. Tumigil ako sa aking paglalakad ng makarating kami sa isang malaking bahay at nang tingnan ko ang address ng bahay at dito sa hawak kong papel ay same lang. Ito na ang bahay nila! “Athena—” “Nandito na tayo, Artemis. Nandito na tayo sa pamamahay nila,” nakangiti kong sabi at sinulyapan ko si Artemis. Mabilis akong nag doorbell dahil nakasara ngayon ang malaking pintuan ng bahay. Nagsisimula ng lumakas ang pagtibok ng aking puso ngayon sa kaba. Pagkatapos ng isang doorbell ay hindi pa rin bumubukas ang pinto kaya muli akong nag doorbell sa pangalawang beses. “Thena, parang wala nang nakatira diyan,” narinig ko na sabi ni Artemis. Umiling-iling naman ako. “Hindi… baka busy lang sa loob. Nandito pa sila,” sabi ko at muli akong nag doorbell sa pangatlong beses. “No one lives in that house anymore!” someone shouted. Pareho kaming natigilan at napatingin sa aming likuran ni Artemis nang may magsalita na isang matandang babae. Isa rin itong Italian at lumapit ito sa amin. “That house is abandoned.” Kumunot ang aking noo at napasulyap ako sa may bahay bago muling tumingin sa matanda. “Where are the people who live in this house? Why was this house abandoned?” tanong ko. The older woman shrugged. “I don’t know, Miss. Since 2016 no one has lived in that house. Whoever you are looking for, he no longer lives there,” sabi nito at umalis na siya sa aming harapan ni Artemis. Napakurap kurap ako sa aking mga mata at nakaramdam ako ng panghihina. Lumapit sa akin si Artemis at naramdaman ko ang kanyang paghawak sa aking balikat kaya muli akong napatingin sa kanya. She smiled at me. “Makikita mo rin si Lorenzo, Athena. Makakakuha rin tayo ng ibang impormasyon kung saan siya nakatira rito sa Italy. Sasamahan kita at I will try my best na hindi magreklamo,” wika ni Artemis at ngumiti siya sa akin. Kahit na nakakaramdam ako ng lungkot ngayon at panghihina, nakaramdam din naman ako ng konting saya dahil suportado ako ng aking kapatid at nandito siya para iparamdam sa akin na hindi ako nag-iisa. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. “Thank you so much, Artemis. Hindi ako susuko sa paghahanap kay Lorenzo.” Hindi ko sasayangin ang pagkakataon na ito. Ito ang unang beses na magkaroon ako ng oras para sa aking sarili… para sa pagmamahal ko kay Lorenzo. At hindi ko ito babaliwalain. Hindi ko hahayaan ang sarili ko na manatili lang sa dilim palagi. I don’t want to let the darkness rules my life. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD