OWNING THE MAFIA BOSS
EPISODE 1
ATHENA CANTIA’S POINT OF VIEW.
“CONGRATULATIONS, Athena! Sobrang smooth ng rampa mo sa runway kanina sa Versace! Ikaw na talaga,” nakangiting sabi ng aking kapatid na si Artemis. Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit.
“Thank you so much, Artemis! Hindi mo alam ang kabang nararamdaman ko kanina. Ang daming mga sikat na mga personalities sa front row seat at kinukunan nila akong lahat ng mga litrato at videos!” sabi ko at pinaypayan ang aking sarili.
“You killed it, Thena!” masayang sabi ni Artemis at muli niya akong niyakap.
Habang magkayakap kami ni Artemis ngayon, nakita kong papalapit sa amin si Mom at Dad at kasama rin ang iba ko pang mga kapatid. Oh my gosh! Kumpleto sila!
“Mommy! Daddy!” patakbo akong lumapit sa kanila at pareho ko silang niyakap dalawa.
Mom kissed me on my cheeks. May binigay naman sa akin si Dad na bouquet of flowers at masaya ko itong tinanggap at hinalikan ko siya sa kanyang pisngi.
“Congratulations on your successful runway, baby ko. We’re so proud of you,” nakangiting sabi ni Mommy sa akin.
Dito sa Milan, Italy ginanap ang runway show at hindi ako makapaniwala na pumunta ang kumpleto kong pamilya ngayon dito sa Milan, Italy. Busy silang lahat, lalo na ang mga kapatid kong lalaki.
“Congratulations, baby. You did a great job,” nakangiting sabi ni Dad at hinalikan niya ang aking noo.
“Aw! Thank you so much, Mom and Dad.” I can’t help myself getting emotional right now because of the undying support from my family.
Lumapit din ako sa aking mga kapatid na si Kuya Ambrose na may dala rin na bulaklak para sa akin. Ang ka-triplets namin ni Artemis na si Apollo ay nandito rin ngayon kahit sobrang busy niya. The twins are also here, Ares and Anais, and our bunso Avery.
Seven kaming magkakapatid, pero never pa kaming nag-aaway dahil pinalaki kami ng tama ng aming mga magulang kahit na ang daming nangyari sa nakaraan.
“What’s your plan that the runway is already done, anak? Are you going back to the Philippines?” tanong ni Mom sa akin.
Pagkatapos ng event ay agad kaming pumunta sa isang luxury restaurant na malapit lang din sa hotel na tinutuluyan ko rito sa Milan, Italy.
Natigil ako sa aking pagkain at nag angat ako ng tingin kay Mommy at nginitian ko siya.
“I will stay here po muna like one week? I want to have a vacation, Mom. Masyado rin kasi akong nag focus para rito sa runway show. Kaya naisipan ko na bigyan muna ng break ang sarili ko,” sagot ko sa naging tanong ng aking ina.
Napatango-tango naman si Mommy at ngumiti rin siya pabalik sa akin.
“Kailangan mo rin talaga ng pahinga, Anak. Just enjoy your stay here for a while. Alam naman namin ng Dad mo na safe ka rito,” muling sabi ni Mommy at tumango rin si Dad bilang pagsang-ayon sa sinabi nito.
Pagkatapos naming kumain for our dinner ay nagpaalam na sila sa akin. Si Mom at Dad ay naisipan na munang mag date at magbakasyon din dito sa Italy. Habang ang iba ko namang kapatid kagaya ni Ares, Anais, at Avery ay kailangan ng bumalik sa Pilipinas. Si Kuya Ambrose naman ay didiretso na sa Spain, habang si Apollo naman ay pupunta ngayong New York for his work.
Si Artemis lang ang natatangi na walang gagawin and she wants to be with me kaya pinayagan ko na rin ang aking kapatid.
Sa lahat ng magkakapatid ay si Artemis ang pinaka-close ko—kasi triplets kami ni Artemis kasama si Apollo.
“Gusto mo lang ba talaga mag bakasyon dito sa Italy, Athena… o may hinahanap ka rito?”
Nandito na kami ni Artemis sa loob ng aking hotel room.
Natigil ako sa aking pagsusuklay sa buhok ng sabihin iyon ni Artemis sa akin. Tinaasan ko siya ng aking kilay.
“Anong gusto mong marinig galing sa akin, Artemis?”
Nagkibit balikat siya, pero nakangiti pa rin hanggang ngayon.
Inirapan ko siya at wala akong magawa kundi ang umamin.
“Fine! Ang dahilan kung bakit in-extend ko ang vacation ko rito sa Italy ay para hanapin si Lorenzo. Ano, masaya ka na?!” inis kong sabi sa aking kapatid.
Humalakhak siya at nahiga siya sa aking malaking kama.
“I knew it! Oh my God, Athena… It’s been nine years since he left the Philippines. Baka wala na rin siya rito, Athena. Bakit, namumukhaan mo pa rin ba si Lorenzo? Eh sixteen pa lang tayo nung huli nating nakasama si Lorenzo eh!” sabi ng aking kapatid at sumimangot siya.
Huminga naman ako ng malalim at nginitian ko siya.
“I will never forget the face of my one true love, Artemis; tandaan mo ‘yan! Palibhasa wala ka pang nagugustuhan na lalaki eh,” sabi ko kay Artemis at sinimangotan ko siya.
Inirapan niya ako. “Hindi naman ako magiging katulad mo na desperada ‘no!” aniya.
Tinignan ko siya ng masama at hinagis ko sa kanya ang hawak kong suklay. Mabilis niya naman itong naiwasan at muli siyang humalakhak ng malakas.
Bakit pa ba nandito ang babaeng ‘to?! Hindi tuloy ako magkakaroon ng mapayapang gabi ng dahil sa kanya. Pero kahit na lagi akong naiinis kay Artemis, siya rin ang bestfriend ko at sumbungan.
Totoo ang sinabi ko kanina kay Artemis… hahanapin ko nga si Lorenzo.
It’s been nine years at siya pa rin ang tinitibok ng aking puso. Ang daming mga nangyari sa loob ng siyam na taon nang magkalayo kaming dalawa, pero itong nararamdaman ko para kay Lorenzo ay nandito pa rin.
Hahanapin ko siya kahit na anong mangyari; kahit na libutin ko pa ang iba’t ibang lugar dito sa Italy ay gagawin ko upang mahanap ko lang siya.
Natigil ako sa aking pag-iisip nang tumunog ang aking phone. Nang makita ko kung sino ang tumatawag sa akin ay bahagya akong napalayo sa aking kapatid ngayon na nanonood ng palabas sa malaking TV dito sa loob ng aking hotel room.
Pumasok ako sa loob ng CR upang masigurado na hindi marinig ni Artemis ang pag-uusap namin nitong tumatawag sa akin ngayon.
“Anong kailangan mo, Nat? Diba sabi ko sayo na hindi ako available—”
“Sumugod dito kanina sila Rigor sa club, Ma’am A. Gusto ka nilang makita at makausap. Anong gagawin namin? Baka muli na naman silang bumalik,” sabi ng kausap ko sa kabilang linya.
Humigpit ang pagkakahawak ko sa aking phone at napahawak din ako sa sink at napatingin sa repleksyon ko sa salamin na nasa aking harapan ngayon.
“H’wag niyo silang papasukin. Kung makulit, alam niyo na ang gagawin, okay? ‘Wag mo na akong guluhin!” sabi ko at pinatay ko na ang aking cellphone.
Binuksan ko ang tubig dito sa faucet at binasa ko ng tubig ang aking mukha at huminga ako ng malalim bago muling mapatingin sa aking repleksyon sa salamin.
Sa loob ng siyam na taon ay ang daming nangyari sa buhay ko na walang sino man ang nakakaalam sa aking pamilya.
I don’t want them to know my darkest secret.
Dadalhin ko ito hanggang sa ako’y mamatay.
Walang makakaalam kundi ako lang.
TO BE CONTINUED...