KABANATA 9: MY LADY

1360 Words
OWNING THE MAFIA BOSS EPISODE 9 ATHENA CANTIA’S POINT OF VIEW. ANONG GINAGAWA rito ni Lorenzo sa bar? At… at kilala niya ba ako? Napalunok ako sa aking laway at umiwas ako ng tingin sa kanya. Huminga ako ng malalim at ipinagpatuloy ko ang aking ginagawang pagsasayaw at pinilit ko na ngumiti sa mga customers ko na naghihiyawan sa akin ngayon. Ginawa ko ang lahat ng aking makakaya upang maiwasan ko ang mga tingin ni Lorenzo kahit na ramdam na ramdam ko pa rin ang malagkit niyang pagtitig sa akin. Hindi ka niya kilala, Athena. Kaya wala kang dapat ipag-alala kahit na nandito si Lorenzo ngayon. Siguro ay nandito lang siya upang magsaya kagaya ng ibang mga lalaki na nandito ngayon. Nang matapos na akong mag perform, agad akong dumiretso sa backstage at akmang maglalakad na ako paalis nang makita ko si Nathalie na papalapit sa akin at tumigil siya sa aking harapan. Kumunot nama ang aking noo habang nakatingin sa kanya. “What now, Nathalie?” tanong ko sa kanya. “Someone wants to meet Aphrodite in the VIP room, Ma’am A,” seryosong sabi ni Nathalie habang nakatingin siya sa akin. Bahagya akong nagulat sa kanyang sinabi. Napatingin na muna ako sa paligid at nakita ko na kami lang dalawa ni Nathalie ngayon ang nandito sa may backstage. Humakbang ako palapit sa kanya at hinawakan ko ang kanyang kamay at hinila ko siya papunta sa tahimik na pwesto kung saan walang makakarinig sa aming pag-uusap. “Sino ang gustong makita ni Aphrodite, Nathalie? Kilala mo ba ito?” seryoso kong tanong sa kanya. “I think I know him, and I also think you know him, Ma’am A,” sagot ni Nathalie. Nagsimula ng kumakabog ng malakas ang aking dibdib ngayon ng sabihin ‘yun ni Nathalie dahil parang alam ko na kung sino ang taong ‘to, pero kailangan ko pa rin na makasigurado. “He will pay one million just to meet Aphrodite, Ma’am A,” muling sabi ni Nathalie na muntik ko nang ikinatumba sa aking kinatatayuan. Buti na lang at napahawak ako sa may pader. Nanlaki ang aking mga mata at muli akong napatingin kay Nathalie. “And who the hell is that man, Nathalie?” “It’s Lorenzo Silvano Dela Valle, Ma’am A,” sagot ni Nathalie. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman ngayon ng mabanggit ni Nathalie ang pangalan ni Enzo. Naguguluhan ako—ang daming tumatakbo sa aking isipan ngayon. Nanlalamig na rin ang aking mga kamay at hindi na ako mapakali. He’s willing to pay a huge amount of money to see Aphrodite. Wala siya rito upang makita si Athena—si Aphrodite ang kanyang pakay. Kaya bakit kailangan kong kabahan ngayon? And besides, hindi niya rin naman kilala si Athena. Huminga ako ng malalim at napakagat ako sa aking labi. Naguguluhan ako sa aking magiging desisyon ngayon. Magpapakita ba ako kay Lorenzo? “Ma’am A?” tawag sa akin ni Nathalie kaya muli akong napatingin sa kanya. “W-What?” “He’s waiting inside the private room. At 30 minutes lang din naman ang nakuha niya upang makasama kayo. Hindi po ito tatagal. Sayang din po kasi ang pera,” mahinang sabi ni Nathalie at bahagya siyang yumuko. Parang handa na siyang sigawan ko siya ngayon ng dahil sa ginawa niyang pagdedesisyon. Muli akong huminga ng malalim at napahawak ako sa magkabila kong bewang at seryoso ko siyang tinignan. “I will accept the offer,” seryoso kong sabi kay Nathalie. Agad siyang napaangat ng tingin sa akin at nanlalaki ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. “T-Talaga po, Ma’am?” Tumango ako. “Yes. But give me a minute to prepare, okay?” sabi ko kay Nathalie at tumakbo na ako pabalik sa aking kwarto. Nang makarating ako sa aking room, ni-lock ko kaagad ang pinto at dumiretso ako sa harapan ng salamin at inalis ko ang maskara na nakatakip sa aking mukha. Huminga ako ng malalim at tinitigan ko ang aking sarili sa salamin. “Okay… Athena, kumalma ka muna dyan, okay? Enzo wants to meet Aphrodite and not you. ‘Wag kang kabahan. Hindi ka niya mamumukhaan dahil hindi niya makikita ang mukha mo,” mahina kong sabi sa aking sarili habang nakatingin ako sa aking repleksyon sa salamin. Nag retouch na muna ako ng makeup at hinay-hinay kong isinuot ang aking maskara na nagtatakip sa aking mukha. Tanging mapulang labi ko lang ang makikita ngayon. Tumayo ako ng matuwid at huminga ako ng malalim at tumango. “You can do this, Aphrodite,” mahina kong sabi at lumabas na ako sa aking kwarto. Nakita ko sa labas si Nathalie na naghihintay sa aking paglabas. Agad niya akong sinamahan papunta sa private room kung saan naghihintay sa akin si Lorenzo. Tumigil kami sa harapan ng Room Red—ang VIP ROOM ng club na pagmamay-ari ko. “Nasa loob na po si Sir Dela Valle, Ma’am A,” wika ni Nathalie. Tumango naman ako at pinaalis ko na siya. Huminga muna ako ng malalim bago ko binuksan ang pinto at pumasok sa loob. Madilim ang paligid at ang tanging ilaw na bukas ang iyon mga ilaw na may ilaw na kulay pula. Agad kong nakita si Lorenzo na nakaupo sa may mahabang couch habang umiinom siya ng alak. Sinara ko na ang pinto dahilan na marinig niya ito kaya natigil siya sa kanyang pag inom at nag angat siya ng tingin sa akin. Nang magka salubong ang aming mga tingin kay muli na naman akong nakaramdam ng kaba. Nakita ko ang bahagyang pag angat ng labi ni Lorenzo at sinenyasan niya ako na lumapit sa kanya at tinapik niya ang kanyang tabi… gusto niya akong paupuin sa kanyang tabi. Huminga ako ng malalim at humakbang na ako palapit sa kanya at hinay-hinay akong umupo sa kanyang tabi. Napalunok ako sa aking laway at tumingin ako sa kanya. “The famous Aphrodite of the Fantasy Night Club,” husky sabi ni Lorenzo habang nakatingin siya sa aking mga mata. Muli siyang uminom ng alak habang hindi pa rin naaalis ang tingin sa akin. Napalunok ako sa aking laway at mahigpit akong napahawak sa manggas ng suot ko upang dito kumuha ng lakas. “W-Why do you want to see me?” mahina kong tanong sa kanya. Bahagya ko rin na iniba ang aking boses upang hindi niya ako mabosesan. Nakita ko ang pangisi ni Lorenzo sa akin kaya bahagya akong nagulat ng makita ko ito sa kanya. Ito ang unang beses na makita ko siyang ngumisi. “Because I want something from you,” sagot niya sa aking tanong. Kumunot ang aking noo at nagtaka sa kanyang sinabi. “W-What?” Humarap siya sa akin at nagulat na lang ako ng bigla niyang hawakan ang aking pisngi kaya mabilis kong pinigilan ang kanyang kamay dahil baka bigla niyang alisin ang suot ko na maskara. “What do you think you’re doing?!” tanong ko sa kanya. Mahina siyang tumawa. “Don’t worry; I will not remove your mask, lady. I just want to touch your soft skin. Can I?” tanong niya sa akin at muli siyang napatingin sa aking mga mata. Para akong nahi-hypnotize sa tingin ni Lorenzo sa akin. Unti-unti akong tumango at inalis ko ang kamay ko na nakahawak sa kanyang kamay. Hinaplos niya ang aking pisngi hanggang sa bumaba ang kanyang hinlalaki na daliri sa aking labi at hinaplos niya ito. Namungay ang aking mga mata ngayon habang nakatingin sa kanyang ginagawa sa akin. “You have a soft lips, my lady,” malambing na sabi ni Lorenzo bago siya muling tumingin sa akin. Oh my God. I want to kiss him. “D-Do you want to taste it?” mahina kong sabi habang nakatingin din sa kanya. Naramdaman ko ang muli niyang paghaplos sa aking labi at bigla niya na lang pinabukas ang aking bibig kaya ginawa ko naman ito. Ipinasok niya ang hinlalaki ng kanyang daliri sa loob ng aking bibig at inilapit niya ang kanyang mukha sa aking mukha at bumulong siya sa akin. “I want you tonight… my lady.” TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD