Halos mamilog ang kanyang mata dahil sa mga nakikitang tanawin na kanyang nadaraanan habang sinusundan ang mga kalalakihan kanina. Pano ba naman, habang papalayo ng papalayo siya sa pinanggalingan lalo lamang gumaganda ang lugar. Pakiramdam tuloy niya nasa ibang daigdig siya. May iba't-ibang klase ng punong kahoy na namumunga ng kakaibang mga prutas. Nasabi niyang kakaiba dahil ngayon lamang siya nakakita ng ganitong klaseng mga prutas pero sa tingin naman niya ay masarap iyon kainin. Sa katunayan talagang nakakatakam ang itsura. Mga ibong tila sanay ng nakakasalamuha ng mga tao dahil heto at kahit malapit siya sa mga ito ay hindi manlang lumayo bagkus humapon pa ang isang kulay dilaw na ibon sa kanyang balikat.
Napangiti siya, parang feeling niya tuloy siya si Snow white. Dahil marami ring iba't-ibang klase ng hayop na nasa paligid, ang ilan ay nadadaanan niya pero ni hindi lumalayo ang mga ito. Dahil sa pagka-aliw sa paligid, nawala ang focus niya sa sinusundan kaya heto at tila naiwan nanaman siya sa kawalan.
"Nakakainis! Nawala na sila! Saan na ako patungo nito? Pano na ako makakauwi?" naiinis pero medyo kinakabahang sabi niya sa sarili.
Nakaramdam na siya ng pagkauhaw. Ngunit naalala niyang naiwan nya pala ang bottled water na binili niya sa bus. May narinig siyang lagaslas ng tubig. Sa tindi ng kanyang pagkauhaw hinanap niya ang pinanggagalingan niyon. Di kalaunan natagpuan niya ang isang napakagandang batis ilang metro lamang ang layo mula sa kanyang pinanggagalingan. Kakaiba ang kapaligiran niyon, kung maganda iyong batis ba pinanggalingan niya. Mas triple pa ang ganda nito, may water falls din ito na bagama't hindi naman gano'n kataas pero napakaganda pa rin nitong tingnan at bagay na bagay sa imahe ng batis. Napaliligiran din ito ng nagagandahang mga bulaklak na sa tanang buhay niya ngayon lang siya nito nakakita.
Talagang halos hindi siya makapaniwala sa nakikita, akala mo ay nasa mundo siya ng isang paraisong nakikita lamang niya sa mga palabas sa tv. Ang tubig na animo krystal sa linaw at kumikinang pa kapag natatamaan ng sikat ng araw ay tila nag-aanyaya sa kanyang magtampisaw doon. Dahil sa ganda ng lugar na nasisilayan ngayon ng kanyang mga mata, dagli din niyang nakalimutan ang pakay niya na hanapin kung saan ang bahay ng mga kalalakihan na kanina ay nakaenkwentro niya. At marahil dahil sa mahabang paglalakad at iwan ba niya kung paglalakbay iyong bigla niyang pagpaikot-ikot sa kadiliman kanina. Parang nais niya ngayong magtampisaw sa kaaya-ayang tubig na ito. Lalo pa at tagaktak na ang kanyang pawis.
"Napakalinis ng tubig, siguro naman pwede akong uminom sa water falls na iyon. Tsaka di naman siguro delikadong maligo dito," sabi niya sa sarili.
Agad niyang ibinaba ang bag sa gilid ng batis sa may malapad na bato na animo sinadyang ilinagay don para higaan ng kung sino. At syempre may mga bulaklak din sa paligid nito.
Napangiti siya, at agad na hinubad ang damit, bra, short, sapatos at maging panty ay hinubad niya rin. Hindi kasi maaaring mabasa iyon, wala siyang paglalagyan. Nang ganap ng mahubad lahat, nagtungo na siya sa tubig tumigil siya sa mababaw na parte niyon at animo salamin na inaninag ang kanyang repliksyon sa tubig.
Napangiti siyang muli.
"Goshh! Feeling ko tuloy dyosa ako ng lugar na ito! Parang sa movie lang, iyong mga Dyosa naliligo sa napakagandang batis na napapaligiran ng bulaklak at nakahubad din sila. Parang ako lang talaga!" masaya pa niyang sabi sa sarili. At tuluyan ng nagtungo sa medyo may kalaliman ng tubig.
Hindi malamig ang tubig katamtaman lang kaya agad siyang nagtampisaw, balik-balik siya sa paglangoy na animo bata na walang takot kung may makakita man sa kanyang hubad na katawan.
Maganda ang hubog ng katawan ni Periwinkle, hindi sya masyadong matangkad pero hindi rin siya ganon kababa. Lampas balikat ang kanyang tuwid na buhok na pinakulayan nya ng light brown. Maamo ang kanyang mukha, matangos ang ilong na animo ilong ng koreana. Bilugan ngunit napakagandang mga mata na kung tumingin animo palaging kumikislap ang bagay na tinitingnan. Iyong tipong excited palagi kung tumingin mapasa tao man o bagay. Malalantik at mahabang pilik mata, mamula-mulang mga labi na kadalasan ei hindi na niya pinapatungan pa ng kung anumang lipstick o liptint kahit sa totoo ay hilig niya iyon.
Makinis at mapuputing balat at legs na kahit hindi ganon kahaba ay hindi maaaring hindi mapansin ng sinuman. At syempre balakang na perfect ang kurba, katamtamang laki ng dibdib at pang-upong may katambukan.
Hindi siya nag-aalala na may makakakita sa kanya dahil na rin sa liblib ang lugar na iyon para sa kanya. Sa tagal nga niyang naglalakad kanina wala manlang siyang nakasalubong na kahit isang tao. Liban lang don sa mga taong sinusundan niya kanina. Hindi niya alam kung papano niya nasundan ang mga ito pero sa palagay niya sinadya ng mga ito na pasunurin siya pero dahil sa kakalingon niya nawala tuloy ito sa paningin niya. Hindi naman sya natatakot kung anuman ang balak ng mga ito, basta ba nasa kanya ang kanyang cellphone at hindi lowbat ay sigurado siyang ligtas palagi siya.
Nagpatuloy siya sa pagtatampisaw, tuwang-tuwa siya at napapahagikhik pa nga at napapahimig ng kanta. Ilang ulit pa siyang nagpabalik-balik. Nagpo-floating pa nga siya at kung anu-ano pang style ng paglangoy. Medyo may kaalaman din kasi sya sa swimming dahil ito talaga ang sports nya.
Nang mapagod, nagpasya siyang magtungo sa bumabagsak na tubig mula sa itaas. Nauuhaw na talaga sya kaya nagpasya siyang uminom doon, siguro naman ligtas inumin yoon dahil mukha naman talaga itong malinis.
Nang makalapit, napakunot noo siya kasi may malapad na bato pala sa mismong binabagsakan niyon. Animo sinadya iyon na may paarkong bato din sa itaas na animo may silungan sa bandang iyon.
Malakas ang pagbagsak ng tubig kasi hindi mo makikita ang loob ng animo kweba o silungan sa likod ng bumabagsak na tubig sa bandang iyon kaya ipinasya niyang sumampa sa bato at pumasok sa kabilang panig niyon.
Masarap tumapat sa bumabagsak na tubig animo minamasahe siya ng bawat pagbagsak nito sa katawan niya kaya nanatili siya saglit doon. Tumayo siya at dinama ang bawat pagbagsak nito sa kanyang katawan. Napapikit pa siya habang nakangiti.
Sa isip niya sobrang ganda talaga ng lugar na ito. Para talaga siyang nasa paraiso. Kaya kapag nakauwi na siya, aayain niya ang kanyang mga pinsan pabalik dito. Siguradong magugustuhan ng mga iyon ang lugar na ito. Nakainom na rin siya ng tubig, maging ang lasa ng tubig ay napakasarap din. Talo pa iyong mga mineral water sa Manila. Nang magsawa, nagpasya siyang tuluyan ng sumungaw sa loob ng tila kwebang iyon. Sobrang ganda pa ng ngiti niya kasi talagang naaamaze siya sa lugar na iyon.
Ngunit agad na napalis ang ngiting iyon ng pagdungaw ng kanyang ulo sa kabilang panig ay mamataan niya ang isang bulto ng lalaking titig na titig sa kanya. Blanko ang expression nito habang nakatitig sa kanya.
Tila para siyang natuklaw ng ahas ng makita ito. Yong bilis ng t***k ng puso niya sa una niyang nakilalang lalaki ay mas triple pa yata dito. Hindi siya nakapagsalita ng kahit ano ngunit sinuyod ito ng kanyang paningin.
Katulad ng lalaki kanina na una niyang nakaengkwentro. Mahaba din ang buhok nito, lagpas balikat o mas parang mahaba pa nga ngunit bagay na bagay ito dito. Animo may white high light pa nga pero mas nakapagbigay ng kakaibang awra ito sa lalaki. Medyo blue eyes ang mata nitong nakatitig sa kanya. Matangos ang ilong, mamula-mulang mga labi. May kung anong misteryo sa likod ng mga mata nito na siguro kung iba ang titingin ay walang meaning pero siya alam agad niya at damang-dama niya na marami ang nakapaloob doon. Medyo pangahan ito ngunit bumagay naman sa pogi nitong mukha. Maputi, matangkad, malapad ang dibdib, seksing kalamnan with six pack at bumaba pa ang kanyang paningin.
Namilog ang kanyang mata, kasabay niyon.
"Eeehhh! Manyakkk!" malakas niyang tili ng mapagtantong hubo't-hubad din pala ang lalaki katulad niya.
ITUTULOY