Hindi manlang natinag ang lalaki sa tili niya, blanko pa rin ang ekspresyon nito habang nakatingin sa kanya.
"Aba't walang hiya din talaga ang lalaking ito ha! Nasiyahan ng pagmasdan ang katawan ko!" eksahederang sabi niya sa sarili.
Agad siyang naupo para ikubli ang kanyang kahubadan. Umiwas din siya ng tingin dito lalo pa sa bagay na nasa pagitan ng hita nito na kitang-kita niya kaninang tila galit na galit. Kahit sino naman siguro ang makakakita dito ei mamamangha sa laki at haba na iyon lalo pa at ito ang unang beses na nakakita siya ng hubad na lalaki kaya hindi niya maiwasan ang makaramdam ng kakaibang sensasyon sa kanyang puson. Lalo pa at hindi pangkaraniwan ang laki ng alaga nito. Napakasexy nitong tingnan, parang napakasarap magpakulong sa bisig nito at laruin ang pino ngunit medyo malagong balahibo nito sa dibdib. Napapikit pa siya at animo, iniimagine na nakakulong sa bisig ng estrangherong lalaki. Naipilig niya ang ulo.
"Shunga ka talaga Peri! Nasa ganito ka ng sitwasyon, nakuha mo pang magpantasya ha!" inis na sabi niya sa sarili.
Wala pa ring kibo ang lalaki na nananatiling nakatitig sa kanya, pero palipat-lipat ang tingin nito sa kanya at sa may ulunan niya. May nababanaag din siya sa aura ng mukha nito, animo nag-aalala na ewan, basta hindi niya maipaliwanag. Medyo kinakabahan din siya, pano kung rapist ang lalaking ito? Pano kung gahasain siya nito? Naku naman, pagnagkataon ei mawawala na ang kanyang pinakaiingatang birtud.
"Super pogi naman niyang rapist kapag nagkagayon! Kaya keri lang bes, gogo!" muling sabi niya sa sarili. Bigla tuloy niyang natampal ang noo.
"Ano ba naman self?! Hallerr! Nasa panganib ka kaya no?! Ano willing lang magparape ha?!" parang timang na kausap niya sa sarili.
Blanko pa rin ang ekspresyon ng mukha ng lalaki, wala siyang mabasang kahit na anong emosyon sa mukha nito pero iyong mga mata talaga nito ang kakaiba.
"Hoy Mr! Pwede bang tigil-tigilan mo yang kakatitig mo sa akin at baka hindi kita mapagtanto diyan, mabato kita! Manyakis na to! Hoy! Kung inaakala mong hindi kita kayang labanan, p'wes nagkakamali ka! Mapapatay mo muna ako bago mo maisagawa ang masama mong balak!" mataray na pahayag niya dito.
Kumunot lang ang noo nito, tsaka tila mas inarok pa ang kanyang pagkatao ng titigan naman siya nito sa mata. Nailang naman siya sa paraan ng pagkakatitig nito pero mas tinarayan pa niya ito, hmmmp di yata pwedeng mahalata nito na natatakot siya.
"Aba't sira ulo ka talaga no?! Piktusan kaya kita diyan para matauhan ka! Hoy! Kung sa tingin mo madadala mo ako sa ganda niyang mata mo at sa kapogian mo,p'wes! Nagkakamali ka no!" inis na sabi niya dito. Pero agad ding napaisip.
"Teka?! Bakit pinupuri ko na yata sya?! Ang tanga mo talaga Peri! Wag mong sabihing nadadala ka sa kapogian nya? Sabagay, mukha naman siyang di gagawa ng masama ei! Ay shunga talaga ako! Aisstt! Ang gulo mo Peri!" parang timang nanaman na kausap nya sa sarili, natampal pa niya ang sariling noo. Nakita niyang humakbang palapit sa kanya ang lalaki.
"Ay Dyosko! Talagang lalapit pa sa akin ang tukso, ay este ang lalaking ito!" nanlalaki ang matang sabi niya sa sarili.
Naghanap siya ng pwedeng gawing panlaban sa lalaki kung sakaling may gawin itong di maganda sa kanya. Ngunit wala siya anumang makita, puro malalaking tipak ng bato ang nandon. Napasabunot siya sa sariling buhok, kailangan niyang makakuha ng pananggalang sa lalaki, pero wala talaga siyang makita.
"Hanggang diyan ka lang! Wag kang lalapit sa akin! Susuntukin ko yang mukha mo kapag lumapit ka! O k-kaya dudukutin ko yang mata mo once na humakbang ka pa ng isa!" mariin ang boses na pagbabanta niya dito, pero ang totoo kinakabahan na talaga siya ng bonggang-bongga.
Pilit niya ring iniiiwas ang mata dito ngunit kahit ayaw niyang tumingin dito dahil nga wala manlang ito kahit isang saplot ay hindi niya magawa. Kaya heto at busog na busog ang kanyang mata sa mala adonis nitong katawan. Seryoso lang itong tumingin sa kanya na parang walang narinig dahil tuloy-tuloy pa rin ito sa paglapit. Nataranta na siya, hindi niya malaman ang gagawin basta ang nasa isip lamang niya ay mailigtas ang sarili. Napalunok siya ng sunod-sunod. Kinakabahan siya sa maaari nitong gawin sa kanya, iisa lang ang nasa isip niya baka nga balak nito na siya ay gahasain, kung bakit kasi naisipan pa niyang maligo, ayan tuloy. Todo ang kanyang kaba pero bakit tila nakakaramdam din siya ng excitement.
"Shunga ka talaga Peri! Do something! Ano? Willing maging rape victim ganon?!" tila panggigising niya sa sarili.
Pero kapag kasi napapatingin siya sa kakisigan nito, sa galit na galit, mahaba at malaki nitong sandata na malaya niyang napagmamasdan hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman. Tila may mga paru-parong naglalaro sa kanyang kalamnan at may kung anong kiliting tumutulay mula sa kanyang puson patungo sa kanyang private part.
Never pa siya nakaramdam ng ganito sa isang lalaki. Ngayon lang talaga sa estrangherong ito. Sa estrangherong nawiwili yatang pagmasdan ang hubad niyang katawan, na aminin man niya sa hindi ay tila nagdudulot ng ningas ang bawat pagtuon ng mata nito sa kanya. Tuluyan na itong nakalapit sa kanya at tila si Adonis na tumayo pa mismo sa kanyang harapan.
"Dyosko! Tubig! Tubig! Kailangan ko ng tubig!" tili niya sa sarili. Kasi naman, kahit sino siguro ang malagay sa ganitong sitwasyon ay talaga namang panunuyuan ng lalamunan. Pati yata kalamnan at mga tuhod niya ay nanginginig na, as in halos wala na iyong lakas. Kasi naman, hindi rin niya maiiwas ang mga mata sa matipuno nitong katawan at sa parteng iyon na tila nagmamalaki pa sa harapan niya.
Parang wala lang dito ang pinagagawa nito, normal lang ba talaga dito na ihantad ang katawan sa katulad niyang estranghero din? Wala ba talaga itong hiya sa katawan?! Sabagay, yummy naman ang katawan nito. Napailing siya sa isiping iyon, anubang kalokohan ang iniisip niya. Dapat gumawa siya ng paraan para makalayo sa lalaki. Dahil kung hindi baka pagtangkaan siya nito ng masama. Mas nakakatakot pa ei maging willing siyang victim nito. Nakakaloka, kapag nangyari yon siya lang siguro ang rape victim na gusto ang pangyayaring iyon na bangungot kong sa iba nangyari. Lumingon siya sa likuran niya, pwede siyang tumalon sa tubig at mabilis na lumangoy palayo dito. Magaling siyang swimmer kaya tiyak niyang makakalayo kaagad siya dito.
"H'wag kang gagalaw binibini." malamig ngunit may bahid ng pag-aalala ang boses nito.
Namilog naman ang mata niya.
"Gosh! Marunong naman pala siyang magsalita.OMG! Ang ganda ng boses niya! Lalaking-lalaki, animo kapag nagsalita ito kahit may pagtutol ang sinuman ay mapipilitang sundin nalang kung anuman ang nais nito. Maganda ang boses, napakagwapo, macho, matangkad, mahaba at malaki ang...Oh sh*t! Sya na yata ang lalaking pinapangarap ko!" parang timang na palatak nya sa sarili, nawala nanaman ang iniisip niyang panganib na maaring gawin ng lalaki.
Narinig lang niya ang boses nito parang nais na agad niyang sundin ang lahat ng anumang sabihin nito. Hindi nga siya gumalaw sa kinauupuan, hindi rin siya umiwas ng tingin dito. Lumapit pa ito sa kanya, pakiramdam tuloy niya mahihimatay siya anumang sandali. Hindi siya humihinga, at talagang namimilog ang kanyang mga mata.
Kasi naman kunting-konti nalang, maidadaiti na nito ang matapang na sandata sa may pisngi niya. Mas nahigit niya ang paghinga, at bahagyang nanginig ang kaniyang katawan ng tuluyan na ngang dumikit ang konting bahagi nito sa may kanang pisngi niya. Maging labi niya ay nangangatal na.
"OMG! Anong gagawin ko?!" tili niya sa sarili.
Pero parang wala lang naman ito sa lalaki. May kung anong kinukuha ito sa may ulunan niya. Tila nakikipambuno na ewan kaya naman parang naisasampal sa mukha niya ang dulo ng mainit-init at napakatigas nitong alaga. Para na siyang mahihimatay, kahit sino naman malagay sa ganitong sitwasyon diba.
"Dyosko! Mahabaging langit, ilayo nyo po ako sa tukso!" parang naninigas ang katawan niya na ewan ba.
Ngunit maya-maya ay napatili nalang siya ng napakalakas ng bumagsak ito at makitang may nakapulupot ditong malaking sawa sa braso nito.
"Dyosko! T-tulong! Tulong!" sigaw niya, hindi na niya alintana ang kahubaran ng katawan agad siyang tumayo para damayan ito. Pero takot namang siyang hawakan ang sawa at batid niyang kahit hilahin niya iyon mula sa pagkakapulupot dito ay useless pa rin dahil hindi ganon kalakas ang katulad niyang babae. Isa pa pati katawan nito ay napupuluputan na rin ng sawa.
Malaki ang sawang nakapulupot dito, kasing laki na ito ng katawan ng isang taong gulang na baby. Namumula na rin ang mukha nito, dahil siguro sa patuloy na pakikipambuno nito sa sawa. Awang-awa siya dito, kung ano-ano na ang iniisip niya dito kaninang masama yon pala ay ililigtas lang siya nito.
Naiiyak na siya, patuloy lang siya sa pagsigaw pero alam niyang walang darating na tutulong sa kanila. Nanginginig ang kamay niyang hinawakan ang ahas sa buntot ngunit bigla rin niya itong nabitawan ng gumalaw at maramdaman niya ang lamig niyon.
"Lumayo ka binibini!" sigaw nito sa kanya, agad naman niya itong sinunod.
Hinawakan nito ang malaking ulo ng sawa at saka nagpagulong-gulong. Tila naman nakatulong iyon dahil napansin niyang lumuwag ang pagkakapulupot ng ahas na ngayon ay nasa may parteng dibdib na nito.
Maya-maya lang ay nagtagumpay na itong makawala at malakas na inihagis ang ahas palayo sa kinatatayuan nila. Tila natakot naman ang sawa at gumapang palayo sa kanila.
Agad niyang sinugod ng yakap ang lalaki habang malakas na umiiyak. Kasi naman, nakokonsensya siya pinag-isipan pa niya ito ng masama iyon pala nasa panganib na siya at ang pakay lamang nito ay iligtas siya. Pano nalang kung wala ito sa lugar na iyon, di nalapa na siya ng wala sa oras ng dambuhalang sawa na iyon.
Bumitiw siya sa pagkakayakap, at agad na tiningnan kung may kagat ito o kung anuman pero nakita niyang puro maliit na galos lang dahil sa natumba ito at nagpagulong-gulong ito sa batuhan dahil sa pakikipambuno nito sa dambuhalang sawa.
"Thank you so much Mr ha. Dyosko, patay na sana ako kung wala ka. OMG,your my hero! Thank you so much talaga," naiiyak nanaman niyang pasasalamat dito, niyakap nya muli ito pero natigilan din at kusang kumalas sa pagkakayakap dito ng marealize niya na nakakahiya pala ang ginawi nya, lalo pa at wala manlang response mula sa lalaki.
Nakakunot lang naman ang noo ng lalaki habang nakatingin sa kanya. Tila naguguluhan sa kanyang sinasabi at ikinikilos niya. Namilog ang mata niya ng may tumulong dugo mula sa ulo nito.
"Dyosko may sugat ka!" awtomatikong naitaas niya ang dalawang kamay para abutin ang ulo ng lalaki, pero matangkad ito kaya sa leeg niya hinawakan at pinatungo niya ito.
Tiningnan niya ang pinagmumulan ng sugat nito ngunit laking gulat niya ng bigla siyang hawakan ng lalaki sa magkabilang balikat. At bahagyang ilayo sa katawan nito. Naguguluhang tiningnan niya ito, at napansin niyang matiim itong nakatitig sa suot niyang kwentas.
"S-Saan mo nakuha ang kwentas na yan?" seryosong tanong nito, mababakas sa mukha nito ang pagkamangha at kasiyahan.
"Ha? Ito ba? Sa may malaking puno, malapit sa batis sa lupa ng Lola ko," hindi niya alam kung pano niya ipapaliwang dito ng maayos. Hindi naman kasi kapani-paniwala kung sasabihin niyang nilamon siya bigla ng ipo-ipo at dinala sa lugar na ito habang binabalik ang kwentas sa lugar kung san nya ito nakuha,mamaya nyan ei pag-isipan pa siya nito na nasisiraan na ng ulo.
Napansin niya ang biglang paglambong ng tila kasiyahan sa mata nito. Umaliwalas din ang mukha nito. At para pa nga itong naluluha. Tinitigan siya sa mga mata, siya naman ay tila nahihipnotismo sa titig nito. Dahan-dahan nitong iniangat ang kanang kamay at marahang hinaplos ang pisngi niya, napakabanayad niyon kaya naman nadala yata siya, at kusang naipikit ang mga mata. Ngunit agad ding naimulat dahil sa tinuran nito.
"Ikaw na nga! Mahal kong Reyna, sa wakas dumating ka na!" pahayag nito, agad niyang naimulat ang mga mata.
"A-Ano?!" naibulalas nalang niya.
ITUTULOY