KABANATA 1
TEASER:
"Sino ka?! Kakaiba ang iyong kasuotan! Ano ang iyong ginagawa sa aming kaharian?!" dumadagundong sa galit ang boses na tanong ng estrangherong lalaki na nasa harapan ngayon ni Periwinkle. Kakaiba ang pananamit nito kumpara sa normal na tao. Naiilang siya sa paraan ng pagtitig nito sa kanya.
"Ahmm, S-sorry po Sir. Actually, n-naligaw po ako. K-kanina po kasi nasa may puno lang ako na malaki sa gilid ng batis. Pero bigla po akong tinangay ng ipu-ipo ei,kaya ako napadpad dito, pwede po ba ituro nyo sakin ang daan pauwi," kinakabahan siya pero naglakas loob siyang sumagot dito.
"Maging ang iyong pananalita ay kakaiba babae! Isa ka sigurong banta sa aming kaharian! Mga kawal! Dakpin nyo ang lapastangang iyan!" galit na sigaw nito. Bigla namang naglabasan ang mga taong animo aattend ng costume party. Mga nakasuot kasi ito ng makukulay na damit pero parang pandigma ang pagkakagawa.
"Wag Sir! Maawa naman po kayo sa akin! Wala naman akong atraso sa inyo ah! So bakit kelangan mo akong parusahan?!" hiyaw niya dito, kinakabahan siya pero hindi naman maaari ang gusto nitong mangyari.
Sumenyas ito, animo sinasabi nito na dakpin sya. Sumunod naman ang mga ito. Naghanap siya ng pwedeng maipanlaban sa mga ito, pero ni isang sanga ng kahoy ay wala siyang makita.
Nakapa niya ang cellphone sa kanyang bulsa. Kinuha niya iyon at balak ibato sa sinumang magtangkang hawakan siya. Ngunit hindi niya sinasadyang matap ang music player nito na nakapause ang kantang Buwan.
"Sa ilalim ng puting ilaw
Sa dilaw na buwan
Pakinggan mo ang aking sigaw
Sa dilaw na buwan"
Biglang nagtakbuhan ang mga kawal palayo. Maging ang lalaking kanina lamang ay animo bossing kung magtanong sa kanya ay biglang napaupo habang tila nahihintakutang tinatakpan ang tenga. Nagtataka siya kung bakit, takot na takot ang mga ito sa kantang buwan ei. Hindi ba nila alam na sikat na sikat ito sa Manila?
"H-Hindi kaya, kakaibang nilalang sila?!" bulalas niya sa sarili.
KABANATA 1
"Mahal na Hari! Wag!" hiyaw ng natutulog na si Periwinkle. Habang pabiling-biling at butil-butil ang pawis sa buong mukha.
Naalimpungatan naman ang pinsan nitong si Alena. Dali-dali niyang ginising ang pinsan. Mga ilang tapik dito bago ito nagising.
"A-Alena! Napanaginipan ko nanaman sya! I-iyong lalaki na tinatawag kong Mahal na Hari," tila tulirong sabi ni Periwinkle na hindi na napigilan ang pagluha.
Sa panaginip niya, kitang-kita niya ang pag-angat ng matalas na espada ng Hari na animo anumang oras ay handa nitong kitlin ang kanyang buhay. Parang totoo ang panaginip,maging ang puso niya ay damang-dama ang takot at kakaibang damdaming meron siya para sa Hari.
Napansin niya ang malungkot na mga mata ng lalaki habang nakatuon sa kanya. Lungkot na itinatago lamang nito sa pamamagitan ng mabagsik na anyo.
"Alam mo Periwinkle, mas mainam siguro kung bumalik tayo ng probensya nila Lola. Nagsimula lamang ang bangungot na iyan mula ng magtungo tayo sa lugar na iyon ei," nag-aalalang pahayag ng kanyang pinsan na si Alena.
"Couz, hindi kaya dahil sa napulot kong bagay na ito sa batis? Hindi kaya dahil dito kaya paulit-ulit akong ginagambala ng mga panaginip ko. Para kasing totoo couz ei, pati iyong bilis ng t***k ng puso ko habang pinagmamasdan ko ang lalaking iyon damang-dama ko talaga at kahit ngayon. Ano ba ang dapat kong gawin Alena, halos dina ako patahimikin ng panaginip na iyan," naluluha na niyang pahayag sa pinsan.
" Couz, ano kaya kung basagin mo ang hugis luha na iyan. Uuwi tayo sa Bicol, sa probensya ng Lola para isuli ang bagay na iyan. At kung saan mo napulot iyan,doon mo rin siya basagin," suhistyon nito.
Nagbakasyon kasi silang magpipinsan noong nakaraang summer. Naisipan nilang magtungo sa Daet,ang probensya ng kanyang Lola Maria. Halos dalawang linggo lamang sila doon pero masasabi niyang napakasaya ng bakasyon nilang iyon. Isang araw nagkayayaan silang magpipinsan na maligo sa isang batis na pag-aari ng kanilang Lola, tinatawag ito sa lugar na iyon na Merto Beach. Pinagbawalan sila nito dahil kesyo may mga hindi daw pangkaraniwang mga nilalang ang naninirahan doon. Natawa nalang silang magpipinsan sa sinabi nito pero nang malingat ang kanilang Lola.
Kahit ipinagbabawal nito ay nagtungo pa rin silang magpipinsan doon. Napakaganda ng batis, talagang malakristal ang tubig nito lalo na kapag natatamaan ng araw ang tubig. Sa sobrang linaw nito, nakikita na nila ang mga isdang tubig tabang na naninirahan dito. Sobrang saya nilang magpipinsan, agad silang nagtampisaw sa tubig.
Ngunit ilang sandali lamang ay tila nakaramdam ng kakaiba si Periwinkle.
Pakiramdam niya ay may mga matang nakamasid sa kanila. Kinilabutan siya na hindi niya mawari kaya umahon siya sa tubig at nagtungo sa lilim ng malaking punong kahoy na nasa gilid lang ng batis. Sa sobrang laki nito, maaari ka ng magtago sa pagitan ng mga ugat nito.
Umupo siya sa mga ugat na iyon at pinanood na lamang niya ang nagkakaingay na mga pinsan.
Maya-maya ay napakunot ang noo niya ng may mapansin siyang kumislap sa may paanan niya. Napapalibutan iyon ng maliit na ugat ng puno kaya hindi talaga agad iyon mapapansin ng sinuman.
Dahan-dahan niya itong kinuha.Isa itong kwintas, may palawit na hugis luha at may animo tubig na gumagalaw sa loob niyon. Nagliwanag ang kanyang mukha ng tuluyan itong masilayan. Itinaas niya ito kaya kumislap ng matamaan ng sinag ng araw.
" Ang ganda! Sobrang ganda! Pano kaya ito napunta dito?" tanong niya sa sarili habang patuloy na sinisipat ito.
Hinubad niya ang kwintas niyang suot-suot at ipinalit ang napulot niyang kwintas. Kinuha niya ang cellphone at tiningnan sa camera kung bagay sa kanya. Napangiti siya at hindi napigilan ang hindi magselfie ng makitang bagay na bagay na bagay sa kanya ang kwintas. Mga ilang sandali lamang ay tinawag na siya ng mga pinsan para umuwi.
Simula noon, hindi na siya pinatatahimik sa gabi. Parati niyang napapanaginipan ang mga kaharian, ang gwapong hari na may malamlam na mga mata pero matalim at nag-aapoy sa galit ang mga matang nakatuon sa kanya. Minsan nga hindi na niya nais pang matulog dahil nga natatakot siyang matuloy ang tangkang pagpatay nito sa kanya. Ngunit hindi niya maintindihan ang sarili dahil hindi niya maramdamang galit siya sa lalaki. Bagkus, nagdurugo ang puso niya sa isiping pinagtatangkaan siya nitong patayin. Ibayong sakit sa dibdib ang kanyang nararamdaman.
Marami ang nakapansing nangayayat na siya, maging ang kasiglahan niya ay nawala na. Palagi nalang kasing balisa ang kanyang puso. May mga nagsabi ding baka nakasagi siya ng mga hindi nakikitang nilalang sa probensya na tinatawanan naman niya dahil hindi siya naniniwala sa mga iyon. Ngunit si Alena palang ang nagsabing baka dahil sa pendant ng kwentas na hugis luha na kanyang napulot ang dahilan ng lahat. Papano nga kong may nagmamay-ari nitong namatay sa batis at pinapakita nito sa kanya ng kaluluwa nito ang lahat ng nakaraan ng kung sinong nagmamay-aring iyon. Medyo kinilabutan siya sa isiping iyon, pero may punto si Alena. Nagsimula ang lahat ng problema niya at mga panaginip niya simula ng mapulot ang kwintas na ito. Napahawak siya sa pendant at nakabuo siya ng isang pasya. Uuwi siya sa probensya ng kanyang Lola, kailangang maibalik niya sa lugar kung saan niya nakuha ang pendant ng sa gayo'y matahimik na siya. Hindi siya naniniwala sa mga ganito, pero wala namang masama kung kanyang susubukan diba?
"Alena, maaari mo ba akong samahan? Uuwi tayo ng Bicol ngayon din," buo ang loob na pahayag nito.
"Seryoso? As in now na? Uy bruha, dis oras na ng gabi, ano atat lang?" tila gulat na gulat na sabi nito.
"Hindi ako nagbibiro, bilis mag impake kana." sabi niya sabay tayo at kinuha ang kanyang back pack na malaki, naglagay ng ilang mga damit doon at mga pangunahin niyang pangangailangan.
Hindi siya sanay magbiyahe ng walang mga kutkutin kaya naman naglagay siya ng ilang mga candies at titsiriya doon na stock pa nila sa bahay. Ilang pirasong damit lamang ang kanyang dinala kaya marami pa ang nagkasya doon. Charger at powerbank niya. Lotion, shampoo at kung ano-ano pa.
Nasibot na rin sa pag-iimpaki ang pinsan niya,akala siguro nito ay nagbibiro siya kaya nakatunganga lang ito sa kanya kanina. Nagpalit siya ng damit, maikling maong shorts at kulay gray na hanging blouse ang isinuot niya, pinili niya ang rubber shoes na spongebob ang design. Favorite kasi niya si spongebob sa katunayan napakarami na niyang collection na spongebob. Muntik na niyang makalimutan ang cellphone na nakapatong sa sidetable, kinuha niya ito pati na ang headset. Tinamad na siyang ilagay ito sa bag kaya isinuksok nalang niya ito sa bulsa ng short niya sa harapan. Ang headset naman ay ilinagay niya sa damit niya sa loob,animo nakasabit ito doon. Balak niya rin kasi magsoundtrip habang nagbibiyahe.
Ilang sandali lamang ay lulan na sila ni Alena ng bus patungong Daet, ang lugar ng kanilang Lola. Para lang silang hinalukay, napakabilis nilang gumayak.
Naabutan pa nila ang biyaheng pang 9pm kaya naman nakaalis agad ang bus na kanilang sinasakyan. Halos hindi siya mapakali habang bumibiyahe, iniisip niya ang gagawing pagbabalik sa kwintas na napulot niya. Hinaplos niya iyon, para may kung anong enerhiya ang nandoroon at biglang tila nakita niya ang mukha ng gwapong lalaki na nakikita niya sa panaginip. Nakangiti ito sa kanya na nagpabilis na t***k ng kanyang puso.
Naipilig niya ang ulo dahil doon.
"Ano na ba ang nangyayari sakin? Nababaliw na yata ako!" bulong niya sa sarili.
Napasulyap siya sa katabing si Alena na tulog na tulog na. Ayaw niyang pumikit, natatakot kasi siyang baka dalawin nanaman siya sa panaginip ng lalaki.
Mga 7am na ng makarating sila sa mismong lugar ng kanilang Lola. Ngunit imbis na magtuloy sa bahay nito. Ipinasya niyang magtungo na agad sa batis.
"Periwinkle, nasisiraan ka na ba? Pwede namang mamaya nalang tayo magtungo don diba? At tsaka haller,nahihilo pa kaya ako!" reklamo ni Alena sa kanya, pero hindi na mababali ang pasya niya. Ayaw niyang ipamamaya pa. Gusto niyang magtungo na doon para matapos na agad.
"Okey lang couz, ikaw nalang muna ang magtungo sa bahay para madala mo rin itong gamit ko. Ako nalang ang magtutungo sa batis, " nakangiting sabi niya dito.
"Ay sira! Pwede ba naman yon? Papano kung mapahamak ka abir? Hindi, sasama nalang ako, hay naku talaga! Kung hindi lang ikaw ang pinakapaborito kung pinsan!" palatak nito.
Natawa nalang siya dito, tsaka niyakap ito. Kahit kelan talaga maaasahan niya ito sa lahat ng oras.
"Salamuch couz! D'best ka talaga!" masayang sabi niya dito.
Halos isang oras din ang kanilang nilakad patungo sa kakahuyan kung saan nandoroon ang batis na kanilang pinuntahan. Ang lupang iyon ay pag-aari ng kanilang Lola kaya walang nagtatangkang pumasok na ibang tao doon. Hindi nila alintan ang init ng sikat ng araw na tumatama sa kanila. Basta ang nasa isip ni Periwinkle ay makarating agad sa batis. Napangiti sila ng sa wakas marating na nila ng kanilang pakay. Ngunit napakunot ang noo niya ng mapansin wala ng tubig ang dumadaloy sa may ugat ng malaking puno na napagkuhanan niya ng kwintas. Natatandaan kasi niyang may tubig iyon dahil nilalaro pa nga iyon ng kanyang paa nang una silang mapunta dito kaya nga napansin niya ang kwintas.
Ngunit winalang bahala niya iyon, sa isip niya baka naman nabawasan lang ang tubig sa batis dahil tag-init pa rin naman.
Napatingin siya sa paligid, kamangha-mangha pa rin ang ganda ng batis. Napakalinaw ng tubig nito na animo krystal na nag-aanyaya sa kanya na maligo doon.
" Couz, gawin mo na ang lahat ng dapat mong gawin ha. Uupo lang ako sa may bato na yon. Sobrang nakakapagod tsaka ang ang bigat pa nitong dala-dala ko," sabi ni Alena sa kanya.
" O sige couz,ako na ang bahala," sagot niya dito,tumalikod naman na ito.
Nagtungo na siya sa may malalaking ugat ng kahoy na nasa tabing batis. Kinakabahan siya pero bago niya tanggalin sa leeg ang kwintas umusal muna siya ng panalangin.
"Sana sa gagawin kong ito matahimik na ako, sana mawala na ang mga panaginip kong gumagambala sa tahimik kong mundo. At kung may kaluluwa man na nagmamay-ari ng pendant na ito sana'y matahimik kana rin. Amen," bulong niya sa sarili.
Kinapa niya ang kwentas para alisin ang lock nito. Ngunit napatigil siya ng mapansin niyang lumalakas ang hangin sa paligid, maging ang mga tuyong dahon na noo'y nasa lupa ay biglang nagliparan. Ang mga kawayan na nasa paligid ay tila sumasabay sa saliw ng hangin na mas lumalakas pa. Kinabahan siya.
"Alena!" sigaw niya sa pinsan.
Ngunit tila himbing na himbing ito sa pagkakatulog,nakasandal pa ito sa may bato.
"Dyosko! Ano bang nangyayari?!" tili niya sa sarili.
Ang kaninang payapang tubig ng batis ay tila nababalisa din dahil sa paggalaw niyon. Biglang tila nagkaron ng isang ipu-ipo sa katawan ng puno. Sindak na sindak siya sa pangyayari, sinikap niyang makalayo doon ngunit parang may mga kamay na nakahawak sa kanyang mga paa dahil hindi niya maigalaw iyon.
"Aleennnnaaaa! Tulooonnggggg!" ngunit walang silbi ang kanyang pagsigaw dahil tulog na tulog pa rin ito.
Unti-unting tila may isip ang namuong ipu-ipo, unti-unting lumapit sa kanya at ng makalapit, agad siyang tinangay niyon.
"Aaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhh!!!!!" malakas niyang hiyaw.
ITUTULOY