Kabanata 6

1289 Words
Napansin niya itong naghuhubad ng kasuotan at ewan niya kung bakit tila ba may kakaibang hatid iyon sa kanya. Medyo malayo ito sa kinaroroonan niya kaya hindi naman talaga niya matanaw ng maayos ang hubad nitong katawan pero hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. Pinanood niya itong habang nagtatampisaw sa tubig at napapangiti pa siya kapag tila bata ito na tuwang-tuwa habang lumalangoy. Napapahimig din ito ng awitin na bago lamang sa kanyang pandinig, hindi rin kasi niya maintindihan ang lenggwaheng ginagamit nito. Hanggang sa tila nagsawa na ito sa pagtatampisaw at lumangoy patungo sa kinaroroonan niya. Wala siyang maaring pagtaguan dahil maliit lamang ang kwebang iyon, pwera nalang kung di nito mapansin na may nakakubling kweba sa likod ng bumabagsak na tubig. Ngunit sadya sigurong makulit ang babaeng ito at talagang sumampa pa sa batuhan at tumapat sa tubig. Marahil hindi pa siya nito napapansin dahil tila bata pa itong dumipa at pumikit habang hinahayaang bumagsak sa katawan nito ang tubig na nagmumula sa itaas. Nakaharap ito sa kanya kaya naman malaya niyang napagmamasdan ang hubad nitong katawan. Ang katawang kahit sino yatang lamang lupa ay maghahangad na maangkin. Napakaganda nito, para itong Dyosa ng kanilang kagubatan. Hindi niya inaalis ang paningin dito, bagkus mas lalo lamang niyang sinipat ang kahubaran nito. Ang katamtaman nitong dibdib na may malarosas na korona sa toktok. Ang napakaamo at maganda nitong mukha na nakapikit. Ang maimpis nitong tiyan at ang pee-pee (means her private part) nitong may pinong buhok. Nagtagal doon ang kanyang mga mata, at ewan niya kung bakit biglang gumalaw at nagalit ang kanyang phallus ng masilayan niya iyon. Sa loob ng isang daang taon sa iisang babae lamang naging ganito ang kanyang phallus (means "Alaga") at iyon ay kay Selina ang namayapa niyang kasintahan. Gulat na napatili ang babae ng mapansin siya, agad itong umupo para maikubli ang hubad nitong katawan. Ngunit sa paggalaw nitong iyon, napansin niya ang isang dambuhalang sawa sa may ulunan nito sa itaas ng kweba. Nag-alala siya para sa kaligtasan ng estrangherong babae. Tinititigan niya ito, sabay tumitingin siya sa taas para ipabatid sana dito na nasa panganib ito pero hindi nito makuha ang ibigsabihin niya. Bagkus, may mga sinabi pa ito na iilang salita lamang ang naiinitindihan niya, mataas ang boses nito na halatang galit. Wala pang sinuman ang nangahas na pagtaasan siya ng boses, ito palang ang kaisa-isang nakagawa noon sa kanya. Pero pinagwalang bahala na lamang niya dahil nakatuon ang kanyang pansin sa dambuhalang sawa na nasa may ulunan nito. Na noon ay animo anumang oras ay tatalunan na ito para lingkisin. Nagpasya siyang lumapit dito ng dahan-dahan. Tila naging balisa naman ang babae. Nahulaan niyang parang nais nitong umalis sa kinauupuan. "H'wag kang gagalaw binibini," malamig ang boses na pigil niya dito kahit ayaw niya sana itong kausapin. Napigil naman niya ito. Nagpatuloy siya sa paglapit dito at ng tuluyan na siyang nakalapit, agad niya dinakma ang ulo ng sawa. Bagamat abala sa pakikipambuno sa dambuhalang sawa, ramdam niya ang kakaibang pakiramdam ng madama niyang tumatama ang kanyang phallus sa pisngi ng binibini. Pakiramdam niya lalo lamang sumidhi ang pagwawala nito dahil mas lalo itong tumigas at tumayo. Ngunit dahil sa nakikipagbuno siya sa malaking sawa. Hindi nalang niya pinansin iyon,hanggang sa tuluyan na siyang bumagsak sa batuhang sahig ng kweba. Nakita niya ang pag-aalala sa mukha ng binibini. Hanggang sa umiyak na ito at magsisigaw. Nagtangka din itong tulungan siya pero wala ring nangyari. Sinabihan niya itong lumayo, kaya naman nakabwelo siya at ginawa niya ang sa akala niya ay tama. Buti nalang lumuwag ang pagkakalingkis sa kanya ng sawa. Agad niya itong inihagis palayo, at ganon nalang ang gulat niya ng bigla siyang yakapin ng umiiyak na babae. Ibang-iba ang kanyang pakiramdam ng maglapat ang kanilang mga hubad na katawan. Hindi nito alintana ang phallus niyang matigas na tumutusok sa puson nito. May luha ang mga matang, pinababa nito ang ulo niyang may konting dugo para siguro alamin kung nasaan ang sugat at gano'n nalang ang panunuyo ng kanyang lalamunan dahil halos masubsob na siya sa maganda nitong dibdib. Ilang beses din siyang napalunok ngunit agad na napakunot ang kanyang noo ng mamataan niya ang kwentas na nasa leeg nito. "S-Saan mo nakuha ang kwentas na yan?" seryosong tanong niya dito, malakas ang kabog ng kanyang dibdib ng mga sandaling iyon. "Ha? Ito ba? Sa may malaking puno, malapit sa batis sa lupa ng Lola ko," sagot nito pero tila naguguluhan ito. "Siya na nga! Si Selina ang pumili sa kanya, kaya siya nakarating dito kahit imposibleng makita ito ng sinuman. Siya na talaga, siya na ang aking Reyna," sabi niya sa sarili. Medyo naluha siya, naging masuyo ang paraan ng pagtingin niya dito at umaliwalas ang kanyang mukha. "Ikaw na nga! Mahal kong Reyna, sa wakas dumating ka na!" bulalas niya. "A-Ano?!" gulat na tanong nito sa kanya. "Ikaw ang nakatakda kong pakasalan binibini, ikaw ang magiging Reyna ng kahariang ito!" masayang pahayag niya dito. "M-Mahal na Hari?!" seryosong pagtitiyak nito kung sino sya. "Oo, Oo mahal na Reyna, ako nga!" masaya niyang pakilala dito. Agad na tumingin ito sa mata niya at biglang tumawa ng malakas. Iyong tipong napapahawak na ito sa tiyan dahil sa walang tigil na kakatawa. Napakunot noo siya, sa isip niya hindi kaya nasisiraan ng pag-iisip ang kanyang Reyna? "Sir, may sakit po ba kayo?! May mga nalalaman pa kayong Mahal na Hari at Ako ang Reyna!Nasa Pilipinas tayo Sir, hindi uso yan dito!" sabi nito ng makabawi na sa walang tigil na pagtawa. Naguluhan siya sa tinuran nito. "Sir? Pilipinas? Uso? Anong klaseng lenggwahe iyon Mahal kong Reyna? Hindi ko maintindihan," naguguluhan niyang tanong dito. Tumawa nanaman ito ng tumawa. At ng makabawi, idinantay nito ang palad sa kanyang noo at pisngi. "Alam nyo Sir, baka nagugutom na kayo. Wala naman kasi kayong lagnat. Hindi ko malaman kung nababaliw ba kayo o nagdedeliryo lang ng dahil sa gutom. Pero Sir, kung nahihilig naman kayo sa korean historical drama, wag niyong iapply yon dito. Naku! Lalaking tao, macho tapos adik pala sa Historical. Ahh, sabagay same tayo Sir, astig kaya yong mga Historical Drama, lalo na yong Moon Lovers: Scarlet Heart Ryeo. Goshh! Si idol IU ang bida don ei tsaka si oppa Lee Joon Gi ko! Pero grabe iyak ko don, napanood mo na din ba yon?! Ay naku Sir! Kung hindi pa, promise panoorin nyo. Iiyak din talaga kayo ng bonggang-bongga. Kung wala kayong copy, uploader ako ng Kdrama Series sa f*******: gusto mo isali kita sa group ko? Kaya lang kasi hindi ko maintindihan kung bakit ba walang signal sa lugar na ito, kanina pa nga ako naghahanap ng signal wala talaga . Gusto mo, ibigay mo nalang ang f*******: account mo sakin para magfriend request nalang ako sayo para maiadd kita sa group kapag may signal na akong nahanap. Pero kung dimo ko feel maging friend ako, okey lang, search mo nalang yong name ng group ko. The Best Kdrama Collection, yon ang name. Magrequest ka lang don, iaaccept agad kita," excited nitong pahayag na sa totoo lamang, wala siya ni isa mang naintindihan. Parang nais sumakit ng kanyang ulo sa mga pinagsasabi nito. Anong klaseng nilalang ba ito? Oo alam niyang tao ito, isa itong taga lupa pero parang malaking problema kapag ito ang magiging Reyna niya. Baka magkagulo ang palasyo sa oras na bumuka ang bibig nito at magsalita ng mga kakaibang lenggwahe katulad ngayon. Hindi tuloy niya alam kung papano ipaliliwanag dito ang lahat. "Sya na ba talaga? Baka naman nagkamali lang ng pagpili si Selina!" sabi niya sa sarili at nahilot ang sumasakit na niyang sintido dahil sa babaeng kaharap. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD