Kabanata 7

1661 Words
"Oi, mahal na hari! Bakit hindi kana umiimik dyan? Baka naman nahihiya ka pang umamin na adik ka rin sa korean drama. Naku! Wag ka ng mahiya dyan, marami tayo noh. Tsaka wala namang masama sa panonood ah," patuloy nito. At kung ano-ano pang pinagsasabi nito na hindi niya maunawaan. "Mahal kong Reyna, ano ba ang iyong sinasabi wala akong maunawaan? Maari bang makausap ka ng maayos?" maginoong pakiusap niya dito. Napakunot ang noo nito. "Maayos?! Anong ibig mong sabihin abir? Na hindi ako matinong kausap gano'n? Ikaw nga itong wala sa ayos kung magsalita. Ikaw tong bigla-bigla akong tatawaging Reyna, tapos magpapakilala kang hari! Isipin mo nga kung sino ang baliw sating dalawa?!" inis na sagot nito. "Sumama ka nalang kaya sakin Binibini sa aming kaharian para maniwala sa aking sinasabi," mahinahon pa ring sabi niya dito. Malakas kasi ang kutob niyang ito talaga ang napili ni Selina, medyo may palpak nga lang dahil kakaiba ito sa kanila. Pero batid niya na kung tama ang hinala niya hindi kailanman magkakamali ang kanyang si Selina. Alam niyang may nakita itong kakaiba sa babaeng ito kaya ito ang napili niya. "At ngayon may kaharian ka na rin! Alam mo Sir ay este kamahalan pala. Ituro mo nalang kaya sa akin ang daan pauwi para naman ako ay makauwi na at baka mahawa na rin ako sayo. Tsk, sayang ka ang pogi mo pa naman kaya lang," muling sabi nito sabay umiling-iling. Medyo may pagkasarkastiko ang pagkakasabi nito. Sa katunayan, medyo napipikon na siya babae dahil sa mga kalapastanganan nito sa kanya. Kung isa ito sa kanyang nasasakupan marahil pinarusahan na ito ng konseho. Pero dahil nga naniniwala sya na ito ang nakatakda niyang maging Reyna, hinahayaan na lamang niya ito. Nagpatuloy nanaman ito sa pagsasalita na hindi naman niya maintindihan. Napatitig siya sa maamo nitong mukha hanggang sa napadako sa mamula-mula nitong mga labi na patuloy pa rin sa pagsasalita. Parang may kung anong bagay na nagtutulak sa kanya na ilapat ang labi niya dito. Lumamlam ang mata niyang nakatuon dito tsaka marahas na hinapit ito sa bewang, hinawakan ang likurang bahagi ng ulo nito at saka mariing siniil ng mainit na halik ang mga labi. Tila nagulat ang babae sa kapangahasan niya dahil nanlaki ang mga mata nito. Ngunit hindi siya nagpatinag dahil na rin sa sarap na dulot ng labi nito. Hindi niya akalaing ganon kasarap ang labi ng estrangherang ito. Maging sa labi ng kanyang namayapang kasintahan ay hindi niya naranasan ang ganitong pakiramdam sa tuwing hinahalikan niya ito. Nanatili sila sa ganong sitwasyon, hindi tumitinag ang babae pero siya ay nagsisimula ng maging mapusok. Ewan ba niya kung bakit pakiramdam niya ay napakainit ng kanyang katawan. At tila uhaw na uhaw din siya na batid naman niya na hindi tubig ang makakapawi noon. Kundi ang maangkin ang babae, ito lang ang nag-iisang sagot sa pagkauhaw niyang iyon. Unti-unting pumikit ang babae, tanda na nagugustuhan na rin nito ang paghalik niya dito. Agad niyang sinamantala iyon, mas naging mapusok ang paraan ng paghalik niya dito at nagsimula ng gumapang ang mainit at malambot niyang mga palad sa likod nito. Napaigtad ang babae, sanhi para mas tumusok ang kanyang nangangalit pa ring phallus sa puson nito. "Ohhhh!" mahinang ungol nito. Tila nagustuhan ang bahagyang pagbaon ng kanyang phallus sa puson nito. Mas nasiyahan naman siya ng marinig iyon, agad na sinakop ng kanyang kanang kamay ang kanang dibdib nito, marahang pinisil-pisil iyon. Si Periwinkle naman ay tila naging hudyat yon para magising sa kabaliwan. Umilaw ang babala sa kanyang utak. Agad siyang napadilat, bahagyang tinulak ang estrangherong lalaki at malakas na sinampal ito. "Bastos! Manyak!" malakas na sabi niya dito at saka bumaba sa kwebang iyon at mabilis na lumangoy patungo sa kinalalagyan ng kanyang mga gamit. Mabilis lang niyang narating ang pampang. Kinuha niya ang facetowel sa bag at pinunasan ang buong katawan. Nang matapos agad niyang isinuot ang damit panloob ang kanyang blouse at short at pati na rin ang sapatos. Kinuha niya ang bag at akmang aalis na, ngunit may kamay na biglang pumigil sa kanyang braso. Awtomatikong napalingon siya, nakita niya ang lalaking kasama kanina sa kweba. Nakasuot na ito ng damit. Ngunit agad ding napakunot ang noo niya dahil sa pananamit nito. Katulad nong nauna niyang nakilalang lalaki ito manamit pero mas bumagay dito ang suot. Isang navy blue na mahabang akala mo ei roba na may mga nakadisenyo na hindi niya mawari kung ano yon. Meron din itong puting panloob, na abot hanggang pulsuhan ang kamay. Balot na balot na akala mo nasa malamig silang lugar. Nakasapatos ito na tila balat na may balahibo pa nga ng ewan niya kung anong klaseng hayop iyon. May tila ginto rin itong bagay na nakapatong sa ulo. Ewan ba niya parang korona iyon, may ibat-ibang uri ng bato na nakapalamuti doon. Mamang-mama ito kung titingnan, animo hari na napakatikas nito na kahit sino ay hindi kayang buwagin. Sa isip niya, talagang mukha naman itong hari sa ayos nito. Hari sa korean Historical drama, sa naisip di sinasadyang napahagikhik siya. Kumunot naman ang noo nito. Winaksi niya ang kamay nito. "Alam mo Mahal na Hari, talagang super fan ka ng Korean Historical Drama noh? Aba pati costume nila, kuhang-kuha mo. Perfect ka nga sa role na King!" di niya maiwasang kiligin. Wala kasing panama dito iyong mga oppa's niya na naging King sa mga KHDrama. Super pwede na talaga itong gawing hari. Lalo namang nangunot ang noo nito. "Super fan? K-Koryan His?ano yon? Costume? Perfect? King? A-ano ba ang mga lenggwaheng iyon binibini, hindi ko talaga maunawaan. Maaaring bang ipaliwanag mo sa akin?" tila litong-lito ito sa mga sinasabi niya. Hallerrr! Aba ano to? Feeling nasa drama lang sila, yong tipong nanggaling siya sa future at ito naman ay sa fast? Simpleng english words dipa nito maintindihan. Galing talaga nitong umarte! " Your Highness, kung talagang gusto mong maexperience ang mga scenes sa mga KHDrama, game ako dyan. Aba, ilang beses ko na rin kayang pinangarap na bumalik sa past at maging queen. Okey, call me queen hanggat gusto mo. Bet na bet ko kaya yan," sabi niya dito. Kung gusto nito ng trip, kaya niya itong sabayan. Minsan nga, nagkukunyari sila ng mga pinsan niya na nasa past sila tapos siya yong Reyna. Ito pa kaya na may poging lalaki ang tumatawag sa kanya ng Mahal na Reyna, ay bet na bet niya talaga yon. Lalo lamang nalukot ang mukha nito. "Tsk! Tingnan mong taong to, galing nya talaga umarte. Di bale, kaya kong sakyan ang trip mo. Kelangan kong maging mabait sa kanya para ituro nya sakin ang daan pauwi, siguradong nag-aalala na sakin si Alena," sabi niya sa sarili. Kumibot-kibot ang labi ng lalaki parang nais nitong magsalita pero nas pinili nalang nitong manahimik. Napatingin siya sa labi nito. Sa labing nagpalasap sa kanya ng kakaibang sensasyon. Sa labing nagnakaw ng kanyang first kiss. "Dyosko! Wala na nga pala ang first kiss ko! Ninakaw ng damuhong ito! Pangarap ko pa naman na ibigay yon sa magiging first boyfriend ko tapos ngayon wala na! Nawala ng ganon nalang. Pero infairness, masherep sya, masarap syang humalik!" sabi muli niya sa sarili. Pero biglang bawi. "Ay ano? Shunga lang? Nagustuhan lang ganon? Nasarapan lang? First kiss mo kaya yon Peri, ano galit-galitan lang pero bet na bet pala?" muling sabi niya sa isipan. Natampal tuloy niya ang sariling noo. "Oi, Mahal na Hari. Baka naman pwedeng ituro mo sakin ang daan pauwi oh. Sigurado kasing nag-aalala na si Alena sakin, yong pinsan ko. Naghihintay na yon sakin,baka nahalughog na non ang buong kagubatan mahanap lang ako," pakiusap niya dito, sabay lapag ng bag sa batong andon,naupo din siya at binuksan iyon. Medyo nakaramdam kasi siya ng gutom. Nakita niya ang isang garapong stick-O na naisama nya pala kagabi sa pag-impake. Liban sa Nova, Muncher, at Boy Bawang ei favorite nya rin ang stick-O hindi siya nawawalan ng mga ito sa apartment nila kaya heto at nadala pa niya ang mga ito. Nakamasid lang naman sa kanya ang lalaki, tila bago sa paningin nito ang hawak-hawak nyang Stick-O dahil titig na titig ito doon. "Galing talagang umakteng ng lalaking to! Pwede talaga syang maging artista," natatawang sabi niya sa sarili. Kumuha siya ng isang stick-O at inalok ito pero tumanggi kaya kinagat nalang niya iyon. Feel na feel pa niya ang pagnguya tila iniinggit pa niya ito. Kumuha ulit siya ng isa pa. Kinagat iyon at sinadya nyang sinabi. "Uhmmm... Saraaappp." tapos nginuya niya ng malakas. Nakita niyang tila naiinggit na ang lalaki, napapalunok na nga ito ng laway. Natawa siya, ang cute nito kapag ganon. Kumuha siya ng dalawa at iniabot dito pero hindi pa rin nito kinuha kaya pinilit niyang ilagay ito sa kamay ng lalaki. Hinawakan naman nito iyon. "Wag ka ng mahiya Your Highness, alam ko nagugutom ka na rin. Sige na kainin mo na yan," nakangiti niyang sabi dito. Kumuha ulit siya ng isa at isinubo iyon. Tila nag-iisa at dalawa pa ito kung isusubo iyon pero sa huli isinubo din nito iyon. Napangiti sya sa reaksyon nito ng ganap ng makagat ang stick-O. Namilog ang mata nito at napa "uhmm...uhmm.." pa ng tuluyan na nito iyong nguyain. Mabilis nitong nilunok iyon,naupo sa tabi niya at tila batang paslit na kinagat ulit ang isa pang stick-O, napapapikit pa ito habang nginunguya iyon at tila ninanamnam ang bawat pagnguya nito. Natatawa talaga siya dito. Akala mo ay hindi pa talaga ito nakakatikim ng Stick-O. Ngunit nagulat siya ng bigla nitong agawin sa kanya ang garapon na stick-O at mabilis na nilantakan iyon. "OMG! Seryoso! Inagaw nya sakin ang Stick-O ko?! At may balak pa talagang ubusin ha! Ano? Patay gutom lang ganon?!" di makapaniwalang bulalas niya sa sarili. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD