CARMELA “Baka matunaw na ako sa kakatitig mo sa akin?” biglang tanong niya sa akin. Umiwas ako ng tingin dahil nahiya ako. Nahuli niya kasi ako na pinagmamasdan siya. Pumikit na lang ako dahil natatakot na naman ako. Panay rin ang buga ko ng hangin para mabawasan ang kaba sa dibdib ko. “Open your eyes,” utos niya sa akin. “Ayoko,” sagot ko sa kanya. “Just open your eyes. Maganda kaya ang view,” sabi niya pa sa akin. Dahan-dahan kong imimulat ang mga mata ko. Ang ganda nga nang view mula rito sa itaas. Wala sa sariling napangiti ako. Sa dami ng nangyari sa buhay ko ay nakalimutan ko na marami rin pala ang magagandang bagay sa mundo. Napatingin ako kay Oliver. Habang pinagmamasdan ko siya ay hindi ko mapigilan na bumilis ang t*bok ng puso ko. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero