bc

TEARS OF A SECRET WIFE

book_age18+
30.3K
FOLLOW
207.4K
READ
billionaire
revenge
love-triangle
HE
arranged marriage
heir/heiress
drama
bxg
enimies to lovers
cruel
musclebear
like
intro-logo
Blurb

WARNING MATURE CONTENT! THIS IS NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS (R18+)

"Ano nga ba ang tunay na kahulugan ng kasal?"

Nagpakasal siya para maging pambayad utang ng kanyang mga magulang. Siya si Carmela Soriano isang babaeng makukulong sa isang pagsasama na walang kasiguraduhan. Darating kaya ang araw na magiging masaya siya? Mamahalin kaya siya ng lalaking pinakasalan niya? O mananatili na lang siyang secret wife?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS! PLEASE, READ AT YOUR OWN RISK! MATURE CONTENT (R18+) NOTE: GUSTO KO LANG PO KAYO INFORM NA THIS STORY PO IS A ROMANCE/HEAVY DRAMA. KUNG HINDI PO NINYO GUSTO AY PWEDE NIYO PO IWAN. MAY MGA SCENES PO KASI NA BAKA MASAKTAN KAYO AT MAGALIT KAYO. STORY LANG PO ITO, KATHANG ISIP LAMANG PO. THANK YOU SO MUCH PO! [CARMELA ] "Ano ba ang tunay na kahulugan ng kasal?" Para sa akin ang kasal ay para sa dalawang taong nagmamahalan. Pero ito ako ngayon magpapakasal sa hindi ko naman lubos na kilala at higit sa lahat sa taong hindi ko mahal. Habang naglalakad ako papasok sa loob ng simbahan ay walang tigil sa pag-agos ang luha ko sa aking mga mata. Hindi ito luha ng kasiyahan kundi luha ng kalungkutan. Wala akong magawa dahil kagustuhan ito ng aking ama. Magpapakasal ako sa lalaking pinagkakautangan niya ng malaking halaga. "Tumigil kana sa pag-iyak mo." Saway sa akin ng step-mother ko. "Stop crying dahil nakakahiya kay Mr. Ford." Saway rin sa akin ng daddy ko. "Daddy, please. Ayoko pong magpakasal." Umiiyak na sabi ko sa kanya. "Tumigil ka Carmela. Gusto mo bang ipakulong niya ako?" Tanong naman sa akin ni daddy. Umiling naman ako bilang sagot sa kanya. Nagdaramdam ako dahil bakit kailangan na ako ang ipakasal nila kung puwede naman na ang step-sister ko. Dahil kung tutuusin ay ang madrasta ko ang dahilan kaya nagkautang ang daddy ko. At siya ang dahilan kung bakit nabaon kami sa utang at dahan-dahang lumulubog ang kumpanya na itinayo ng mommy ko. Kaagad kong pinunasan ang mga luha ko. Dahil takot akong magalit sa akin ang daddy ko. Hinihintay namin ang groom dahil hindi pa ito dumadating. Hanggang sa bumukas ang pinto ng simbahan at pumasok ang isang matangkad at gwapong lalaki. Nakakatakot ang awra niya. Unang tingin ko pa lang sa kanya ay nakakatakot na siya. Naglalakad ito na para bang siya ang hari. Tumingin siya sa akin kaya kaagad akong umiwas ng tingin. I heard him chuckled. Kaya lalo akong yumuko. His chuckled, sounds like a devil. Dahil tumayo bigla ang mga balahibo ko sa katawan ko. "Mukhang ayaw naman magpakasal ng anak mo sa akin?” Seryoso na tanong niya sa daddy ko. “Mahiyain lang ang anak ko, Mr. Ford.” magalang na sagot ng daddy ko. “Okay, let’s start the wedding.” Sabi nito habang seryoso ang boses. Nagsimula ang kasal at wala man lang akong nagawa. Umaasa ako na isasalba ako ng ama ko o kahit pigilan man lang niya ang kasal pero wala man lang siyang ginawa at pinabayaan niya ako. Walang reception na naganap. Nagmamadali ang asawa ko. “Kailangan na naming umalis dahil may mahalaga pa akong meeting.” Saad niya at mabilis akong kinaladkad papunta sa kotse niya. Masakit man ang pulsuhan ko ay hindi ko nagawang maisatinig. Hinayaan ko lang siya na gawin ang gusto niya. Lalo na asawa na niya ako ngayon at pag-aari na niya ako. “Ipapahatid kita sa driver ko. Hindi ka aalis ng bahay hangga’t wala akong sinasabi. Maliwanag ba?” tanong niya sa akin. “Oo,” tipid na sagot ko sa kanya. “Good, masunurin ka pala. At mukhang hindi mo naman ako bibigyan ng sakit ng ulo.” Sabi niya sa akin. Hindi ako nagsalita. Mas pinili kong manahimik dahil ayoko naman na may sabihin siya sa akin. Nakakatakot siya at parang kaunting pagkakamali ko lang ay sasaktan na niya ako agad. Idinaan muna siya ng driver sa kumpanya niya bago ako dinala sa mansyon niya. Malaki ang bahay namin pero hindi hamak na mas maganda ang bahay niya. Nagsusumigaw sa karangyaan. Hindi ko alam kung nababagay ba akong tumira sa ganito kalaki na bahay. Bumaba ako at sinalubong ako ng isang may edad na babae. “Maligayang pagdating po, Madam.” nakangiti na bati niya sa akin. “Magandang araw po sa inyo.” Nakangiti rin na bati ko sa kanya. “Tayo na po sa loob. Kanina pa po kayo hinihintay ni Senyora.” aniya sa akin. Tahimik naman akong nakasunod sa kanya. Pagpasok ko ay halos hindi ako makahinga. Nakakatakot umapak sa sahig nila na sobrang kintab at sobrang linis. “Senyora, nandito na po ang asawa ni Senyorito.” “Nasaan siya?” Tanong ng isang babae na sa tingin ko ay nasa singkwenta na. “Magandang araw po,” mahina na bati ko sa kanya. PAK! Tumabingi ang mukha ko dahil hindi ko inaasahan na sasampalin niya ako. Ang buong akala ko ay tapos na siya pero may dalawang kasunod pa siyang sampal sa akin. “Ikaw ba? Ikaw ba ang pinag-aksayahan ng anak ko ng pera?!” Galit na tanong niya sa akin. Hindi ko alam ang isasagot ko. Nanatili lang akong nakatayo habang nag-unahang pumatak ang mga luha sa mga mata ko. Malupit siya dahil pananakit kaagad ang pambungad niya sa akin. “Kung ako ang masusunod ay hahayaan ko na makulong ang ama mo sa bilangguan. Pero dahil nagmakaawa siya na gawin kang pambayad sa utang niya ay pumayag na ang anak ko. You’re not worth it para sa ilang milyon na pinahiram ng anak ko sa ama mo. Pero kung sabagay, may magiging pakinabang ka naman sa amin. At habang buhay ka ng nandito sa amin. Pagsasawaan ka ng anak ko.” Humalakhak ito na parang isa sa mga kontrabida na napapanood ko sa telebisyon. “Susan, dalhin mo na siya sa magiging silid niya.” Utos nito kay manang. Mabilis naman akong dinala ni manang sa isang maliit na silid na sa tingin ko ay bodega. Iniwan niya ako at lumabas na siya. May isang papag na maliit na papag na sa tingin ko ay kakasya lang sa isang tao. May dala akong mga damit. “Okay lang, Carmela. Wala ka ng magagawa pa. Ito na ang buhay mo ngayon. Magpasalamat ka na lang dahil may silid pa rin silang binigay kaysa matulog ka sa sahig.” Kausap ko sa sarili ko. Hindi pa man nila sinasabi ay alam ko na ang kahihinatnan ko. Magiging katulong nila ako. At habang buhay ko silang pagsisilbihan. Kumuha ako ng malinis ko na damit. Hinubad ko ang suot kong wedding gown. At maingat ko itong itinupi para itabi. Napatingin ako sa phone ko dahil may tumatawag. Huminga muna ako ng malalim bago ko sinagot ang tawag ni daddy. "Hello, dad." "Hello, anak. Kumusta ka diyan? Okay ka lang ba diyan?" Tanong niya sa akin. "Okay lang po ako, daddy. Mabait po sila sa akin." Sagot ko sa kanya habang pinipigilan ko ang mga luha ko. “Mabuti naman kung ganun. Maging mabuti kang asawa sa kanya. Mahal na mahal kita, anak.” Sabi niya bago nawala ang tawag. Napaluha ako sa narinig ko sa kanya. Hindi ko kasi alam kung dapat ba akong maniwala sa sinasabi sa akin ng daddy ko. Lalo na sa ginawa niyang ito sa akin. Mahal ko ang daddy ko dahil siya na lang ang meron ako. At gagawin ko ang lahat ng kaya kong gawin para maging proud at maging masaya siya. Isang taon na lang at matatapos na ako sa kolehiyo. Pero hindi ko rin alam kung papaaralin ba ako ng asawa ko. Pero gagawa ako ng paraan para hindi ako maging pabigat sa kanya. Papasok pa rin ako sa part time job ko para may allowance ako sa school. Hindi ako puwedeng humingi ng pera sa kanya. Dahil alam ko na hindi rin niya ako bibigyan dahil kulang pa ang pagpapakasal ko sa utang ng ama ko sa kanya. Ang kinakatakutan ko ngayon ay paano ko gagampanan ang pagiging asawa ko sa kanya. Kailangan ko rin bang makipags*x sa kanya? Pero natatakot ako lalo na wala pa akong karanasan. Halos tumalon ang puso ko sa lakas ng kalampag sa may pintuan. Kaya mabilis akong tumayo para pumunta sa may pintuan. At nang buksan ko ito ay halos matumba ako sa kinatatayuan ko. Dahil nasa harapan ko ang asawa ko. "M—May kailangan po ba kayo, Sir?" Nauutal na tanong ko sa kanya. Tinaasan niya ako ng kilay na para bang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. "May kailangan tayong pag-usapan. Sumunod ka sa akin." Seryosong sabi niya sa akin. Kinakabahan akong sumunod sa kanya. Hindi ko alam kung saan kami pupunta dahil umakyat kami sa may hagdanan. Tahimik lang akong nakasunod sa kanya. Hanggang sa pumasok siya sa may isang silid. "Have a seat." Utos niya sa akin. Umupo naman ako at nakayuko dahil hindi ko kayang salubungin ang mga tingin niya. "Yuyuko ka na lang ba diyan? Here, basahin mo. Nakasulat diyan ang lahat ng kailangan mong malaman." Sabi niya sa akin sabay abot ng isang puting papel. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko kung ano ang mga nakasulat sa hawak kong papel.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
180.7K
bc

His Obsession

read
89.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.8K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook