CARMELA “Magsasaya tayo,” nakangisi na sagot niya sa akin. “A–Anong ibig niyong sabihin?” nauutal na sa takot na tanong ko sa kanila. “Sumama ka na lang para malaman mo.” nakangisi pa rin sagot niya sa akin. “Kung balak mong sumigaw ay ‘wag mo ng subukan.” bulong ng isa sa kanila ay may nakatutok na patalim sa tagiliran ko. “Please, hayaan niyo na lang akong umuwi.” naiiyak na saad ko sa kanila. “Alam mo matagal na nga kitang gustong pormahan kaya lang mailap ka. Mabuti na lang ngayon ay pumabor sa akin ang panahon.” Natatawa na sabi sa akin ng isang lalaki na pamilyar sa akin. Ngayon ko naalala na schoolmate ko siya. At sa katabing room lang namin ang room niya. Binabalot na ng takot ang buo kong pagkatao. Ngayon ko naiintindihan ang nais nilang gawin sa akin. Naglalakad na kami ng