CARMELA “Alam ko naman na wala kang feelings sa akin.” Cool lang na sabi niya sa akin. “Kasi kung sakaling hindi ako ikinasal sa ‘yo ay hindi ikaw ang tipo ko.” Sabi ko sa kanya. “What?!” Kunot noo na tanong niya sa akin. At halatang pinipigilan na naman niya sarili niya na magalit sa akin. “Sinasabi ko lang. Mas gusto ko kasi na kasing edad ko lang ang magiging boyfriend ko. Para same vibes lang kami.” Sagot ko sa kanya kaya nakita ko kung paano lalong nainis ang mukha niya. “Galit ka? Samantalang kanina ay tuwang-tuwa ka na inaasar mo ako. Alam mo bawasan mo ang pagiging seryoso mo. Alam naman natin na madalas wala kang puso pero magbago kana. Wala namang masama kung maging mabuti ka paminsan-minsan.” Sabi ko sa kanya. “Ganyan ba kasama ang tingin mo sa akin?” “Kahit hindi ko na s