CARMELA Nang imulat ko ang mga mata ko ay bumungad sa akin hindi pamilyar na silid. Nasa isang silid ako. Babangon sana ako kaya lang may swero ang kamay ko. Napatitig ako dito at inaalala ko ang nangyari sa akin. Kinapa ko ang leeg ko. Wala na akong lagnat at hindi na rin ako nilalamig. Bumukas ang pinto at pumasok si Oliver na may dalang tray. Wala ako sa hospital kaya sa tingin ko ay nandito ako sa isang silid sa condo niya. "Kumain kana," aniya sa akin sabay lapag ng tray sa tabi ko. "S—Salamat," nauutal na sagot ko sa kanya. Hindi siya nagsalita at lumabas na siya. Napatingin ako sa pagkain na nasa tabi ko. May lugaw na nakalagay sa mangkok. Sakto dahil nagugutom na ako. Dahan-dahan kong hinila ang mangkok papalapit sa akin. Nagsimula na akong kumain. Mabuti na lang at sabado nga